Sanggol namatay 4 na oras matapos mag-positibo sa COVID-19

Isang lalaking sanggol mula sa India ang namatay dahil sa COVID-19, apat na oras matapos itong isailalim sa test. Magulang ng bata, negatibo naman. | Lead Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Balita ngayon ang isang sanggol na namatay dahil sa COVID-19. Sumailalim rin sa test ang mga magulang nito ngunit lumabas n negatibo naman.

Lalaking sanggol namatay dahil sa COVID-19, apat na oras matapos idaan sa test

Sa The times of India, isang 8-month-old na sanggol mula sa India ang binawian ng buhay apat na oras matapos magpositibo sa COVID-19. Nag travel ito ng 400 km mula Arunachal Pradesh hanggang Meghalaya.

Lalaking sanggol namatay dahil sa COVID-19, apat na oras matapos idaan sa test | Image from Unsplash

Ayon kay Meghalaya Health Minister AL Hek, sumailalim sa swab test ang batang lalaki sa araw ng kanilang arrival. Agad rin itong kinolekta at sinuri. Ngunit kinagabihan, namatay rin ang batang lalaki.

 “On their arrival, the swab samples of the baby were collected and sent for tests. The baby boy tested positive for COVID-19 and later died in the evening.”

Sumailalim sa test COVID-19 test ang bata dahil sa pagdala nito ng kanyang mga magulang sa ospital. Ngunit ang nakapagtataka ay nag negatibo naman ang magulang at driver sa COVID-19.

Madaming pag-aaral na ang lumabas galing sa mga sumusuri ng COVID-19 sa mga buntis at newborn babies. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring maibibigay na eksaktong detalye kung paano ito umeepekto sa mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May ilang kaso rin na hindi malinaw kung paano nahahawaan ng COVID-19 ang isang bagong panganak na bata. Kung ng transmission ba ay naganap sa loob ng katawan ng nanay o sa paglabas ng bata?

Ngunit ang tanging kailangang ugaliin lamang ay mg-ingat ang mga buntis o mga nanay sa paglabas sa kanilang mga anak. Kung maaari ay iwanan muna sila sa bahay dahil prone ang mga bata sa ganitong uri ng virus.

Lalaking sanggol namatay dahil sa COVID-19, apat na oras matapos idaan sa test | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nahahawa sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough o tuyong ubo
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina ng katawan
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hindi makagalaw
  • Hindi makapagsalita
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

Lalaking sanggol namatay dahil sa COVID-19, apat na oras matapos idaan sa test | Image from Freepik

COVID-19 Health protocols

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis sa paligid at katawan
  • Maligo agad kung galing s labas

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

The times of India

BASAHIN:

Paano makakatulong ang pagbibilang ng sipa ni baby na mabawasan ang anxiety kapag buntis?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano