X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

6-buwan gulang na sanggol, patay matapos matapakan ang ulo

3 min read
6-buwan gulang na sanggol, patay matapos matapakan ang ulo

Tinapakan daw ng isang 10 taong gulang na bata ang ulo ng sanggol sa daycare matapos niyang aksidenteng mahulog ang sanggol.

Sa isang kontrobersyal na insidente, kinasuhan ang isang 10 taong gulang na batang babae ng intentional homicide. Ito ay matapos niyang tapakan sa ulo ang isang sanggol sa daycare.

Paano nangyari ang kalunos-lunos na pangyayaring ito? At bakit kinasuhan ang isang 10 taong gulang na bata?

Sanggol sa daycare patay matapos matapakan ang ulo

Ayon sa mga ulat, nakatira daw ang 10 taong gulang na batang babae sa isang daycare center sa Wisconsin, USA. Ang daycare center daw ay isa ring foster home.

Hawak-hawak daw ng batang babae ang 6 na buwang gulang na sanggol, nang askidente niya itong mahulog. Tumama daw sa isang stool ang ulo ng bata, at iyak daw ito ng iyak. Dahil sa panic, at takot na baka siya ay mapagalitan, tinapakan daw niya ang ulo ng sanggol.

Matapos ang insidente, tumawag sa emergency services ang daycare center. Natagpuan daw ang bata na duguan at wala nang malay. Dinala ang sanggol sa ospital, ngunit sa kasamaang palad, namatay siya matapos ang 2 araw.

Kinasuhan ng homicide ang batang babae

Inimbestigahan daw ng mga pulis ang nangyari, at natunton nila ang 10 taong gulang na batang babae bilang suspek. Bukod dito, natagpuan din ng doktor na gumawa ng autopsy na sinadya at hindi aksidente ang nangyaring pagtapak sa ulo ng sanggol.

Dahil dito, kinasuhan ng first-degree intentional homicide ang batang babae. Dinala sa adult court ang kaso ng batang babae dahil sa Wisconsin, sa adult court dinadala ang mga kaso ng first-degree homicide kapag ang suspek ay 10 taong gulang pataas.

Nakaposas daw ang batang babae nang dinala sa korte, at kinailangang magbayad ng $50,000 (mahigit 2.5 million pesos) para sa kaniyang bond.

Nakatira daw ang batang babae sa foster home dahil kinuha daw siya sa bahay ng kaniyang pamilya at inilagay sa foster care noong Setyembre. Hindi pa rin alam ang dahilan kung bakit dinala sa foster home ang batang babae.

Paano masisigurado ang kaligtasan ng iyong sanggol?

sanggol sa daycare

Kailangang siguraduhin na palaging ligtas ang iyong sanggol. | Source: PXHere

Heto ang ilang tips upang masiguradong ligtas palagi ang iyong sanggol:

  • Kapag bibili ng crib ni baby, siguraduhing akma ito para sa edad ng iyong anak.
  • Ilayo ang mga electric cord, kurtina, at kung anu-ano pa sa iyong anak.
  • Lagyan ng padding ang mga sulok ng mga lamesa at cabinet upang hindi mabunggo ng iyong anak.
  • Sa kusina, huwag hayaang nakatiwangwang ang mga kaldero at kawali.
  • Ilayo ang mga gamot at mga lason sa iyong anak. Ilagay ito sa isang lugar na hindi nila maaabot.
  • Huwag pabayaan ang iyong sanggol sa banyo ng mag-isa kapag naliligo.
  • Kung may hagdan kayo sa bahay, lagyan ito ng mga gate upang hindi mahulog ng aksidente ang iyong anak.
  • Ilayo din ang mga lamesa at upuan mula sa mga bintana upang hindi ito akyatin ng iyong anak.
  • Kapag iiwanan mo ang iyong sanggol sa daycare, siguraduhing mapagkakatiwalaan mo ang daycare at ang mga bantay.
  • Iwasang ipaalaga sa maliliit na bata ang iyong sanggol.

 

Source: 9News

Basahin: Bata, patay matapos aksidenteng ma-trap sa loob ng condo unit!

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 6-buwan gulang na sanggol, patay matapos matapakan ang ulo
Share:
  • High-rise responsibility for kids: 11-Year-old throws apple, puts baby in a coma

    High-rise responsibility for kids: 11-Year-old throws apple, puts baby in a coma

  • Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Mga dapat malaman

    Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Mga dapat malaman

  • Angelica Panganiban sa kaniyang breastfeeding experience: “Tanggapin mo na, na naka-bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo.”

    Angelica Panganiban sa kaniyang breastfeeding experience: “Tanggapin mo na, na naka-bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • High-rise responsibility for kids: 11-Year-old throws apple, puts baby in a coma

    High-rise responsibility for kids: 11-Year-old throws apple, puts baby in a coma

  • Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Mga dapat malaman

    Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Mga dapat malaman

  • Angelica Panganiban sa kaniyang breastfeeding experience: “Tanggapin mo na, na naka-bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo.”

    Angelica Panganiban sa kaniyang breastfeeding experience: “Tanggapin mo na, na naka-bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.