'Chemical-free' na nail polish, puwedeng maging sanhi ng pagkabaog

Bukod sa pagiging sanhi ng pagkabaog, sinabi ng isang pag-aaral na ang 'chemical-free' nail polish ay puwedeng maging sanhi din ng cancer!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Usong-uso na ngayon ang mga chemical-free na produkto. At kung tutuusin, mabuti nga naman ang paggamit ng produktong kakaunti lang o kaya walang dagdag na kemikal. Ngunit paano kung malaman niyo na ito pala ay sanhi ng pagkabaog?

Tatangkilikin niyo pa ba ang mga produktong ito?

Chemical-free nail polish, sanhi ng pagkabaog?

Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Harvard University, natagpuan na may ilang ‘chemical-free’ na nail polish ang makakasama pala sa kalusugan.

Bukod sa sanhi ito ng pagkabaog, posible din raw maging sanhi ng kanser, brain toxicity, at problema sa mga fetus ang kemikal na ginagamit sa mga nail polish na ito.

Kahit daw tinanggal na ang mga kemikal tulad ng DnBP, toluene, at formaldehyde, ang mga ipinalit naman dito na kemikal ay mapanganib din.

Anu-ano ang mga kemikal na ito?

Bagama’t hindi sinabi ng pag-aaral kung ano ang mga brand na may masamang kemikal, binanggit naman nila ang mga masasamang kemikal na laman nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heto ang mga kemikal na ito:

TPHP

Ginagamit ito kapalit ng DnBP sa mga nail polish. Sinasabi raw na nakakatulong ito para patibayin, at patingkarin ang kulay ng nail polish.

Ngunit ito ay posibleng makaapekto sa mga hormones ng isang tao, at maging sanhi ng pagkabaog. Bukod dito, nagiging sanhi daw ito ng PCOS o polycystic ovarian syndrome, pati na ng breast cancer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

DEHP

Isa rin itong kemikal na nakakaapekto ng hormones ng isang tao. Bukod dito, sanhi din ito ng kanser, pagkabaog, at tumatagal ito sa hangin kaya lubhang mapanganib ang kemikal na ito.

Posible daw itong makaapekto sa kalusugan ng mga nagtatrabaho sa mga salon, pati na ng mga gumagamit nito.

Lead

Ang lead ay nagiging sanhi ng pagsusuka, brain damage, pagkabingi, at learning problems sa mga bata. Kahalo ito sa ibang nail polish sa mga kulay o pigment na ginagamit dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Phthalates

Ang mga phthalates naman ay madalas kahalo sa fragrance o pampabango ng mga nail polish. Ito ay natagpuang may kinalaman sa breast cancer, ovarian cancer, at maagang menopause.

Importanteng alamin muna ang mga kemikal na laman ng inyong mga binibiling produkto. Mahalaga ang pagreresearch at pag-aaral kung anu-ano nga ba ang safe at hindi safe na kemikal. Ito ay para masiguradong ligtas ang iyong sarili, pati na ang iyong mga anak at pamilya.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Daily Mail

Basahin: Nanay: nabaog ako dahil sa caesarean section

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara