Sarah at Matteo Guidicelli nag-shopping para sa bago nilang bahay

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli latest news: Bakas sa mukha nina Sarah at Matteo ang saya at excitement habang namimili ng kanilang mga gamit sa bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sarah and Matteo latest news

Sa kabila ng mga nangyaring problema sa kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, makikita pa rin sa kanilang mga mukha ang kasiyahan.

Matatandaang noong Huwebes, February 20, kumpirmadong ikinasal na nga ang long time couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ang kasal ay ginanap sa Shangri-La Fort sa Bonifacio Global City.

Sarah and Matteo latest news | Screenshot image from Matteo Guidicelli on Instagram

Sa kabila ng secret wedding na ito, kumalat sa social media ang umano’y pagsuntok ni Matteo sa bodyguard ni Geronimo. Ito ay matapos biglaang sumulpot ang nanay ni Sarah na si Mommy Divine sa kanilang kasal. Ang dahilan niya, gusto lamang nitong kausapin ang kanyang anak.

Kilala bilang isang striktong nanay si Mommy Divine sa kanyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, wala pa ring opisyal na balita ng pag-aayos nina Mommy Divine at nina Sarah at Matteo. Ngunit sa kabila nito, kahit nananatiling tahimik ang parehong panig, kaayusan at pagpapatawad pa rin ang kanilang hangad.

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli Weddding: A new journey

“It’s the best. It’s the biggest blessing of my life, of our life. And we’re very happy and thankful to public, to the people of social media for all the wishes and congratulations. Thank you for the bottom of our hearts. Maraming Salamat.”

Ito ang mga binitawang salita ni Matteo ng tanungin siya kung ano ang nararamdaman niya pagkatapos nilang ikasal ni Sarah Geronimo.

Sinabi rin nitong wala pa silang honeymoon dahil kapwa busy ang dalawa sa kanilang kanya-kanyang trabaho. Para naman sa mga fans na nag-aabang ng kanilang grand church wedding, siguradong mangyayari raw ito kapag naayos na nila ang lahat.

No need to worry naman para sa kalagayan ng popstar royalty na si Sarah. Dahil maayos at masaya raw dahil sa mga suporta at pagmamahal na binibigay sa kanya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang post naman ni Dr. Vicky Belo sa kanyang Instagram, makikita sina Sarah at Matteo na magkasama sa isang shop upang bumili ng kanilang mga gamit sa bahay.

 

“So happy to see Mr and Mrs Guidicelli @matteog @justsarahgph doing normal husband and wife duties. @scarletsnowbelo is trying to help them pick out glassware in Rustans but I don’t think she’s helping that much 🤣 Matteo though is so sweet and patient with her. He told me his only wish for Sarah is to be the happiest woman in the world ♥️ #AshMatt

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sarah and Matteo latest news | Screenshot image from Vicki Belo, M.D on Instagram

Bakas sa mukha ng mag-asawa ang saya at excitement na kanilang nararamdaman habang namimili ng kanilang mga gamit sa bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sarah and Matteo latest news | Screenshot image from Vicki Belo, M.D on Instagram

 

Source: ABS-CBN News 

BASAHIN: Bodyguard ni Sarah, idinetalye ang nangyari ng gabing sinuntok siya ni Matteo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano