Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli handa nang magka-baby

Ready na umanong mag-level up ang relasyon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli mula sa husband and wife patungong parenthood. | Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naging usap-usapan ang matagumpay na 20th anniversary concert ni Sarah Geronimo. Pero bukod dito, naging maugong din ang usapan tungkol sa umano’y kahandaan nito at ng asawang si Matteo Guidicelli na magkaroon na ng anak ngayong taon.

Matteo, Sarah Geronimo ready nang magka-baby

Ibinahagi ni Matteo Guidicelli sa isang press conference na ready na sila ni Sarah Geronimo na magkaroon ng anak. Matapos umano ang commitments nila sa kani-kanilang trabaho. Umaasa sina Matteo at Sarah Geronimo na magkakaroon sila ng kanilang sariling anak bago matapos ang taong 2023.

Larawan mula sa Instagram ni Matteo Guidicelli

Samantala, sa interview naman ni Boy Abunda sa aktor, hindi maitago ni Matteo kung gaano niya ina-adore at minamahal ang kaniyang asawa.

Proud na proud si Matteo sa successful anniversary concert ng Popstar royalty.

“All I have to say is that, I’m very, very proud of Sarah. She’s magical, she’s fantastic. Kung alam niyo lang po ‘yung pinagdaanan ni Sarah bago mag-concert…talagang iba,”

Nasabi rin ni Matteo kung paano niya tinitingnan ang marriage ngayong may asawa na siya. Aniya, “Marriage is the most beautiful thing in life.”

Larawan mula sa Instagram ni Matteo Guidicelli

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naitanong din ni Boy Abunda kay Matteo Guidicelli kung anong kasarian ng anak ang nais nito na agad namang sinagot ni Matteo ng “Anything”. Boy man o girl ay ayos na ayos lang sa aktor. Syempre sinundan na rin ng tanong na ilang anak ba ang nais ng mag-asawa.

Sagot ni Matteo, “the more, the merrier.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa fast talk session ay naitanong din sa aktor kung ano ang highlight ng kaniyang buhay. Proud at walang alinlangan nitong sinagot na ang marriage niya at ang asawang si Sarah ang highlight ng buhay niya ngayon.

Larawan mula sa Instagram ni Matteo Guidicelli

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang ikinasal sina Sarah at Matteo noong February 20, 2020 sa isang secret civil wedding ceremony sa Shangri-La sa The Fort hotel.

Sa usapin naman tungkol sa kaniyang mga parent in-law, patuloy niya raw na nirerespeto ang mga ito. Ito ay sa kabila ng mga issue noon sa kanila.

Aniya, “They are my inlaws. I wish to love them for Sarah’s sake and for the family’s sake.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan