X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Matteo Guidicelli congratulates Sarah Geronimo for finishing baking course: “Super proud of you, my love!”

5 min read

Sarah Geronimo naka-graduate na sa baking school. Mister niyang si Matteo Guidicelli super proud husband sa achievement ng kaniyang misis.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Sarah Geronimo naka-graduate na sa baking school at isa ng ganap na chef.
  • Update sa relasyon ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Sarah Geronimo naka-graduate na sa baking school at isa ng ganap na chef

sarah geronimo baking graduate na

Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli

Naka-graduate na ang aktres na si Sarah Geronimo sa baking school. Ito ang masayang balitang ibinahagi ng kaniyang mister na si Matteo Guidicelli. Ang mga graduation pics ni Sarah, ibinahagi ng proud husband niya sa Instagram. Tinawag na nga ring “Chef Sarah” ni Matteo ang misis niya dahil sa achievement niyang ito.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

“Super proud of you my love!! Officially graduated from baking school!! CONGRATULATIONS! Yesssss “chef sarah” it is!! We are super proud of you! Your achievements are limitless because you always strive for excellence! I love you! #proudhusband.”

Ito ang mensahe ni Matteo kay Sarah sa naging graduation nito.

Ang mga kaibigan nilang celebrities tulad nina Nikki Gil, Karen Davila at Dr. Vickie Belo ay masaya rin sa bagong achievement na ito ni Sarah. Pinaabot nga nila sa aktres ang pagbati nila.

nikkigil Awwww congratulations Sars.

victoria_belo Yey I hope that means that I can buy your delicious cupcakes again.

iamkarendavila Wooooow congrats @justsarahgph

Si Sarah ay naka-graduate bilang pastry chef sa Heny Sison Culinary School.

Sa kopya ng certificate na makikitang kasama sa post ni Matteo Guidicelli ay ito ang mababasang nakasulat dito.

“This is to certify that Sarah Asher Geronimo-Guidicelli has satisfactorily completed and upon recommendation of the faculty is awarded this Certificate of Merit for The Essential Baking and Pastry Series on this 2nd day of June 2022 at The Heny Sison Culinary School.”

Matteo Guidicelli congratulates Sarah Geronimo for finishing baking course: Super proud of you, my love!

Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli

BASAHIN:

Andi Eigenmann sa tuwing naloloka sa pag-aalaga sa tatlo niyang anak: “I just tell myself, ‘ginusto mo ‘yan!'”

Jason Hernandez umaming hiwalay na kay Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

LOOK: Donita Rose engaged na sa kaniyang boyfriend na si Felson Palad!

Update sa relasyon ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Samantala nitong Marso ay nagdiwang ang singer at aktres na si Sarah Geronimo ng 19th year niya sa showbizness. Sa kaniyang anniversary bilang artista ay may sweet na mensaheng inihanda para sa kaniya ang mister niyang si Matteo. Sabi ni Matteo ay proud siya sa achievement ng misis at talagang hinahanggaan ang dedikasyon at hardwork nito sa pagtratrabaho.

“Today marks your 19th year in show-business! Seeing you grow every single day as an artist and as a woman, totally blows my mind."

"Your passion, dedication, hard work and focus is just on another level. I am very very proud of you! Continue spreading love, happiness and inspiration to the people around the world!!”

Ito ang sweet na mensahe ni Matteo kay Sarah.

Nito namang Pebrero ay anniversary naman nila biglang mag-asawa ang ipinagdiwang ni Matteo at Sarah. Syempre si Matteo hindi nawalan ng mensahe para sa kaniyang loving wife. Pangako niya dito sa hirap man o ginhawa magkasama silang dalawa.

“Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life. I love you my beautiful wife! You’re the best. Happy 2nd year anniversary! #theguidicellis @justsarahgph”

Pagdating naman sa usapin ng pagkakaroon ng anak ay naging tanung-tanungan ng marami kung buntis na nga ba si Sarah. Ito ay matapos mag-viral ang larawan ni Matteo at Sarah na tila may baby bump ng aktres. Ito ang isinagot ni Matteo tungkol sa isyu sa pamamagitan ng isang panayam.

sarah geronimo baking graduate na

Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli

“Sexy nga ng asawa ko ngayon eh. Hindi, ano lang yan, hangin lang yan sa bundok.”

Ito ang sabi pa ni Matteo. Dagdag pa niya, nais na muna daw nila ni Matteo na i-enjoy ang oras nila bilang husband and wife. Pero ang pagkakaroon ng anak ay kasama naman daw sa mga plano nila.

"Enjoyin muna natin ang ang pagiging asawa. Enjoyin muna namin ang isa't isa. Hopefully soon."

Matatandaan ang pagpapakasal nila Matteo at Sarah noong 2020 ay naging isang malaking usap-usapan sa mundo ng showbiz. Una dahil pasikreto itong ginawa at pangalawa dahil sa nagkaroon umano ng pagpigil o hindi pagkakaintindihan sa pagitan ni Sarah at ina niyang si Mommy Divine.

Pero magkaganoon man, base sa mga post ni Sarah at Matteo sa social media ay makikitang very happy sila bilang mag-asawa. At sa pagdaan nga daw ng mga araw ayon kay Matteo ay mas lalo niyang minamahal ang misis niyang si Sarah.

"Marriage is one of the most amazing things in life and I am very, very blessed and thankful na I am very blessed with an amazing wife, a wife that amazes me everyday.

You'll never know your wife or your partner, you will always learn more and more about her every single day and I think that's something very, very true. Two years pa lang kami but I appreciate the ups and downs everyday.”

Ito ang sabi pa ni Matteo sa isang Instagram post.

Instagram

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Matteo Guidicelli congratulates Sarah Geronimo for finishing baking course: “Super proud of you, my love!”
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.