Sarah Geronimo sa mister na si Matteo Guidicelli na nagturo sa kaniya ng financial literacy: “I’m very, very proud of my husband”

Ayon naman kay Matteo, lagi lang siyang nakasuporta sa misis na si Sarah.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli may sariling production company na. Ayon kay Sarah, ang mister na si Matteo ang nagturo sa kaniya kung paano humawak at i-manage ang kaniyang pera.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

Negosyo ng mag-asawang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Larawan mula sa Facebook account ni Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli may sariling production company na. Kuwento ni Sarah, ang mister na si Matteo ang naging daan para masimulan ito na isa sa mga pangarap niya.

Si Sarah very proud sa ginagawang ito ng mister sa kaniya. Pati na sa mga achievements nilang magkasama bilang mag-asawa.

“I’m very, very proud of my husband. I am not just vocal and open about it. I want that our personal lives as a couple to be ours.”

Ito ang sabi ni Sarah sa isang panayam.

Sarah sinabing si Matteo ang nagturo sa kaniya kung paano mag-manage ng kaniyang pera

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Matteo Guidicelli

Sabi pa niya, ang ginagawa nila ni Matteo sa ngayon ay parte ng paghahanda nila sa pagkakaroon ng anak at sariing pamilya. Laking pasalamat niya sa mister na si Matteo na nagturo sa kaniyang maging financial literate.

“Like any other normal person, we need to be surrounded by people who are trustworthy, so you will not be afraid to be yourself. When we start to have kids, I think it’s important that they are equipped with the knowledge about finances. They need that so they will not go wrong. That’s the goal financially.”

Ang negosyo ni Sarah at Matteo ay may nagngangalang G Productions. Ito ay nagsimula noong panahon ng pandemic at siyang nag-oorganize ng mga concerts ni Sarah. Ang goal ng kumpaniya nila ay mag-discover ng new Filipino talents at matulungan ang mga ito na matupad ang mga pangarap nila.

Sabi naman ni Matteo, ang utak ng buong kumpanya ay si Sarah at siya bilang mister nito ay nakasuporta lang lagi sa kaniyang misis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I’m really encouraging her. She has creative control in doing what she wants. Every single day, you see her growth as an independent woman. She really knows what she wants. I want to make Sarah feel that she can do what she wants to do. I’m just here to support my wife.”

Ito ang sabi naman ni Matteo sa isang panayam.

Larawan mula sa Facebook account ni Sarah Geronimo

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement