Sarah Geronimo may sweet na mensahe sa kaniyang Mommy Divine matapos manalo sa 2024 Billboard Women in Music Awards sa Los Angeles, California.
Mababasa dito ang sumusunod:
Sarah Geronimo message to her Mommy Divine
Image from Sarah Geronimo Facebook Page
Kinilala ang galing ng Filipino pop singer na si Sarah Geronimo sa buong mundo kamakailan lang. Siya ay tinanghal na kauna-unahang Pilipina na nakatanggap ng Global Force Award sa ginanap na 2024 Billboard Women in Music Awards sa Los Angeles, California.
Si Sarah labis ang saya sa natanggap na parangal na hindi umano naging possible kung wala ang suporta ng mga Pilipino sa buong mundo. Pinasalamatan niya rin ang Billboard Philippines sa paglalagay sa Filipino talent sa global stage.
Sa isang panayam, matapos niyang matanggap ang award, si Sarah ibinahagi ang nararamdaman niya sa kaniyang pagkapanalo. Ito daw ay very unexpected para sa kaniya. Pero labis ang pasasalamat niya sa natanggap na award particular na ang mga taong nag-inspire sa kaniya na maging mahusay sa field na kaniyang pinili. Nangunguna na nga diyan ang kaniyang ina na si Mommy Divine na tinawag ni Sarah na “hero” sa parehong panayam. Dugtong pa niya, hindi niya ma-imagine ang kaniyang sarili bilang isang ina na lahat ay gagawin para sa anak.
“Shout out to my mother, Mommy Divine Geronimo, you are the best. You are my hero. I love you very much.”
“I cannot imagine myself being a mother. All the sacrifices that a mother has to do for their child, it’s mindblowing.”
Ito ang sweet na mensahe ni Sarah sa inang si Mommy Divine.
Relasyon ng mag-ina
Hanggang sa ngayon ay hindi pa tukoy kung nagkaayos na ang mag-ina. Naging usap-usapan ang problema sa pagitan ng nila ng sikretong magpakasal si Sarah sa mister niyang si Matteo Guidicelli noong 2020. Si Sarah matapos ang pagpapakasal ay napabalitang itinakwil ng kaniyang mga magulang.
Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!