Sarah Lahbati nagsalita na ukol sa pagiging waldas queen niya umano. Nagbigay rin siya ng update tungkol sa relasyon nila ng mister niyang si Richard Gutierrez.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Estado ng relasyon nila Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.
- Sarah pinabulaanang siya ay “Waldas Queen”.
Estado ng relasyon nila Sarah Lahbati at Richard Gutierrez
Larawan mula sa Facebook account ni Sarah Lahbati
Hanggang ngayon ay wala paring kumpirmasyon sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez tungkol sa kanilang hiwalayan. Pero sa isa sa mga bagong panayam kay Sarah ay inamin niyang hindi sila nag-uusap ni Richard. Bagamat sila ay nanatiling may maayos na set-up pagdating sa pagcoco-parent ng kanilang mga anak na sina Zion at Kai.
“We’re good at parenting and we have, you know we are there for the kids. That’s all I’m gonna say.”
Ito ang matipid na sagot ni Sarah pagdating sa relasyon nilang dalawa ngayon ni Richard.
Sarah pinabulaanang siya ay “Waldas Queen”
Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati
Samantala, sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Sarah tungkol sa kaniyang pagiging waldas queen. Ang bansag sa kaniyang ito ay nagsimula sa post noon ng kaniyang biyenan na si Anabelle Rama. Si Sarah waldas lang daw ng waldas ng pera habang ang mister nitong si Richard ay trabaho lang ng trabaho.
Ito ang reaksyon ni Sarah sa bansag sa kaniyang ito na nag-levelup pa nga bilang “Patron Saint of Waldas”.
“I’m very proud to say that I’m good at saving, I’m good at finances. I’m working hard to provide for my children and for myself, my parents and helping my mom.”
Ito ang sabi pa ni Sarah na natatawa nalang sa mga pangalang ibinabansag sa kaniya.
Kamakailan lang ay lumipat na si Sarah at kaniyang mga anak sa bago nilang bahay. Bago pa man ito ay tuluyan ng inunfollow ni Sarah si Richard sa Instagram. Si Richard hanggang ngayon ay walang kahit anong pahayag tungkol sa kanilang dalawa ni Sarah. Bagamat makikita sa mga IG post niya na masaya niya ring nakakasama ang mga anak nila.
Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!