Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nag-celebrate ng kanilang 2nd wedding anniversary

Alamin dito kung paano nagsimula ang pagmamahalan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez celebrates 2nd wedding anniversary. Sarah at Richard nagpalitan ng sweet na mensahe para sa isa’t isa.

Mababasa ang mga sumusunod dito:

  • Sarah Lahbati and Richard Gutierrez 2nd wedding anniversary.
  • Love story nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez celebrates 2nd wedding anniversary

Image from Sarah Lahbati's Facebook account

Dalawang taon ng kasal ang celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Ito ang ipinagdiwang kamakailan lang ng aktor at aktres na tulad ng kanilang naging kasal ay simple bagamat napaka-meaningful.

Dahil ang kanilang wedding anniversary hindi ipinagdiwang nila Richard at Sarah sa pamamagitan ng isang luxurios date. Sa halip ay ipinabatid ng dalawa ang kanilang pagbati sa isa’t isa sa pamamagitan ng social media posts na mararamdaman ang mas lumalalim pang pag-iibigan nila habang tumatagal.

Si Sarah tinawag ng king of her heart si Richard na siya ring daw kaniyang sandigan at nagbibigay sa kaniya ng kasiyahan.

“to the king of my heart, happy anniversary, my love! 

thank you for being my best friend

my refuge, my rock, and my happiness. i love you ”

Ito ang pagbati ni Sarah kay Richard sa kanilang 2nd wedding anniversary.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang si Richard sinabi namang napakasuwerte niya na magkaroon ng misis na tulad ni Sarah. Dahil si Sarah laging on the go sa mga activities at adventures na gustong gawin ni Richard.

Sa kanilang mga Instagram accounts ay makikitang laging nag-cacamping o nasa great outdoors ang mag-asawa at nag-ienjoy kasama ang dalawa nilang mga anak.

Ganito nga kung paano ipinagdiwang nila Richard at Sarah ang wedding anniversary nila. Sila ay nag-camping up north dala ang kanilang 4x4 jeep at mga anak na sina Zion at Kai.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero kung may adventure daw na paborito si Richard sa lahat, ito ay ang mahalin si Sarah na sinumpaan niyang gawin habang-buhay.

“I am blessed to have a wife who’s always up for any crazy journey I can think of, but loving you has been my favorite adventure so far, because this is an adventure of a lifetime @sarahlahbati 
Happy anniversary my love ♾”

Ito naman ang pagbati ni Richard sa misis na si Sarah sa kanilang 2nd wedding anniversary.

Nagpaabot rin ng pagbati ang mga kaibigan nina Richard at Sarah sa kanilang wedding anniversary. Sila rin daw ay kinilig sa palitan ng mensahe ng aktor at aktres sa isa’t isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Sarah Lahbati sa pagkakaroon ng stretch marks: “It took me awhile to accept that. My biggest insecurity.”

Underwater prenup photos nila Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

“Kylie Padilla sinagot ang tanong kung kailan nag-iba ang feelings niya para sa ex na si Aljur Abrenica”

Richard Gutierrez at Sarah Lahbati's love story

Taong 2012 ng magsimula ang pagtitingan at relasyon nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Ito ay nang magkasama sila sa isang teleserye na kung saan nagpakita agad sila ng interes sa isa’t isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang parehong taon ay lumabas ng bansa at nagbakasyon sina Richard at Sarah. Ang una nilang destinasyon ay sa Switzerland kung saan ipinanganak at lumaki si Sarah. Si Sarah noon ay 19-anyos pa lamang habang si Richard ay 29-anyos na.

Sa sumunod na taon ay biglang nawala si Sarah sa limelight ng pag-aartista. Siya ay bumalik sa Switzerland para doon mag-aral. Pero ang spekulasyon noon ng iba buntis ang aktres at nais lang itago sa publiko ang pagdadalang-tao niya.

Taong 2014 ay pinatunayan nila Richard at Sarah na totoo nga ang tsismis na kumalat sa biglaang pag-alis ng aktres. Ito nga ay buntis at naipanganak na ang panganay nila ni Richard na si Zion.

Sarah and Richard’s wedding

Image from Sarah Lahbati's Facebook account

Makalipas ang tatlong taon, ay saka nagdesisyon si Richard na mag-propose na ng kasal kay Sarah. Ito ay kaniyang ginawa sa Zermatt, Switzerland na may napakahalagang papel sa pagmamahalan nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We’ve been living our lives as a married couple and this really formalizes that. We’re considering it a new chapter, a fresh start. It’s always exciting.”

Ito ang sabi noon ni Richard na nagsimulang makipag-livein kay Sarah nang dumating sa buhay nila ang panganay na anak na si Zion.

Ang engagement nila sinundan ng isa pang magandang balita na si Sarah ay buntis sa pangalawa nilang anak ni Richard. Ito ay si Kai na kaniyang ipinanganak noong 2018.

Noong una ay nakatakda sanang maganap ang kasal nila Sarah noong March 14, 2020  sa isang malaking hotel sa Taguig. Pero dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 noon ay pinili nilang i-postponed ang kanilang grand wedding.

Sa halip sila ay nagkaroon ng very simple at intimate civil wedding sa nakatakdang araw ng kanilang kasal. Ito ay dinaluhan ng 20 katao na binubuo ng malalapit na kaibigan at miyembro lang ng kanilang pamilya.

Kuwento ni Sarah, kaya March nila piniling maikasal dahil sa napaka-meaningful ng buwan na ito para sa kanila. Dahil sa parehong buwan sila na-engage at ito rin ang buwan kung kailan ipinanganak ni Sarah ang 2nd baby nila ni Richard na si Kai.

“We chose March because we got engaged in March. Kai was born in March. March is a very special month for us so we felt March would be right to get married.”

Ito ang sabi noon ni Sarah.

Happy anniversary Sarah and Richard!