Sarah Lahbati, may mensahe sa mga kapwa niya babae tungkol sa pagkakaroon ng insecurities.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sarah Lahbati sa pagkakaroon niya ng stretch marks
- Bakit nagkakaroon ng stretch marks?
- Paano mawawala ang stretch marks?
Sarah Lahbati sa pagkakaroon niya ng stretch marks
Maraming mga babae, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakakaranas ng insecurity dahil sa imperfection nila sa kanilang katawan.
Halimbawa na laman nito ay ang pagkakaroon ng stretch marks, dark spots, pekas, tumutubong buhok sa ibang parte ng katawan, at marami pang iba.
Ilan lamang ito sa maraming dahilan kung bakit nakakaranas ng insecurity at pagbaba ng confidence ang kababaihan.
Isa sa milyon-milyong taong naipit ng matagal sa ganitong klase ng sitwasyon at kaisipan ay si Sarah Lahbati. Isa sa mga kilalang aktres sa bansa na asawa naman ng aktor na si Richard Gutierrez.
Sa isa sa kaniyang mga Instagram post ay ibinahagi niya ang kaniyang realization ukol sa kaniyang insecurity sa pagkakaroon ng stretch mark.
Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati
“I’m tired of hiding my stretch-marks. I’m not perfect. No one is. What’s funny is it took me awhile to accept that. My biggest insecurity.”
Hindi naging madali para sa aktres na tanggapin ang pagkakaroon niya ng stretch marks na tinuturing niya na kaniyang biggest insecurity.
Sa maraming pagkakataon, masasabi nating panahon lamang ang makapagdidikta kung kailan matutunan ng tao tanggapin ang ilang mga bagay bagay sa mundo.
Matapang na ipinakita ni Sarah Lahbati sa kaniyang Instagram post ang kaniyang litrato kung saan matatanaw ang kaniyang stretch marks.
Dito ay sinabi ng aktres na,
“Took me some time to realize that my stretch marks are my best tattoos.”
Napagtanto ni Sarah na ang pagkakaroon niya ng ganitong klase ng marka sa kaniyang katawan ay hindi isang simbolo ng kahinaan. Kundi ito ay tanda na siya ay matatag at hindi madaling sumuko sa kabila ng mga pinagdaanan sa buhay.
Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati
BASAHIN:
#TAPTalks: Aicelle Santos-Zambrano: “Wear your stretch marks proudly.”
LOOK: Coleen Garcia proudly shows her stretch marks and linea negra
Andi Eigenmann, ipinakita ang kaniyang mga stretch marks
Ayon sa kaniya,
“I’ve given birth to my two dearest sons, Zion and Kai. My angels.”
Ito ang pinakamahalagang bagay na pinapaalala ng mga markang ito sa kaniya at naging simbolo ng kaniyang pagiging ina.
Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati
Dagdag pa ng aktres,
“I am loved, understood & cherished by my husband. I couldn’t ask for anything more.”
Isa sa mga nagpapalakas ng kaniyang loob at nagtutulak sa kaniya upang mas higit na magtiwala sa kaniyang sarili ay ang asawa na si Richard Gutierrez.
Dahil sa kaniyang pagtanggap ng buong-buo sa sarili at mga bagay na itinuturing niyang imperfections ay higit siyang naging masaya para sa kaniyang sarili.
Sa post din niyang ito ay naiparamdam niya sa mga netizen kung gaano siya ka-proud sa kaniyang sarili. Dahil natagalan man bago niya tuluyan itong matanggap, ngayo’y nandoon na siya sa punto kung saan kaya na niyang ipakita ang totoong sarili kahit pa sa harap ng mga tao.
Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati
Samantala, hindi naman nakalimutan ni Sarah Lahbati ang pagbibigay ng mensahe sa kapwa niya babae. Dahil maaaring magsilbi itong inspirasyon sa mga babaeng dumaranas din ng ganitong klaseng sitwasyon.
Ayon kay Sarah,
“This may sound dumb to you, but I just wanna let you know that you are enough and beautiful.”
“Cheers to all of you, women.” dagdag pa ng aktres.
Umani naman ng libo-libong likes at comments ang post na ito. Hindi naman papahuli ang asawa na si Richard.
Gamit ang kaniyang Instagram account na richardgutz, ito ang kaniyang iniwang nakakakilig na komento:
“Proud of you my love”
Bakit nagkakaroon ng stretch marks?
Larawan mula sa Shutterstock
Ang stretch mark ay isang uri ng peklat na nakukuha kapag ang balat ng isang tao ay nababanat o biglang umuurong.
Ito ay nangyayari kapag may biglang pagbabago na nangyayari sa balat ng isang tao. Lumalabas ang stretch mark kapag ito ay nasisimulang gumaling.
Hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng stretch mark. Subalit para sa karamihan, nagkaroon ng stretch marks dahil sa mga sumusunod:
- Naging pagbabago sa katawan at balat ng isang tao nang siya ay nagbinata o nagdalaga.
- Pagbubuntis ng babae
- Mabilisang pagtaba o pagpayat ng isang tao
- Kapag ang isang tao ay sumasailalim sa weight training at mabilis na nagde-develop ang mga muscle sa katawan
Bukod pa rito, maaaring maging salik din sa pagkakaroon ng stretch marks ang kaniyang genes. Kung ang karamahian sa iyong pamilya ay mayroon nito, maaaring ito ay dahil sa genes na mayroon kayo.