Excited na excited nang salubungin ng soon-to-mom na si Aicelle Santos ang kanilang baby girl ni Zandrine Anne. Lubos-lubos umano ang kasiyahan na naramdaman nila ng kaniyang asawang si Mark Zambrano nang malaman nilang nagdadalang-tao si Aicelle.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pregnancy journey ni Aicelle Santos sa panahon ng pandemic
- Mga pagbabago na naranasan ni Aicelle
- Meaning ng pangalan ng kanilang baby
Sa kuwento niya sa aming exclusive interview sa #TAPTalks,
“I downloaded an application to monitor my period.”
“So, yah when I missed a week. That’s when I checked. Kumuha na ako ng pregnancy test kit.”
“The first two tries, the lines was faint, and then the third one, very clear na siya. So, ‘yun nakita na naming na we’re positive. It was 5:30 in the morning. I woke up Mark. And yah we so happy with the news.”
Kinasal sina Aicelle Santos at Mark Zambrano, November noong nagkaraang taon. Unexpected nga umano ang pagbubuntis ni Aicelle. Ayon pa sa kaniya,
“Naunsyame talaga ‘yung aming honeymoon. We supposed to go to Japan for honeymoon. Kasi November lang kami kinasal. And then, ang daming work after. Ang planned honeymoon namin was March around April halos, March 31. Eh bigla ngang nagkapandemic. So, hindi natuloy ‘yun. So, I think our baby is made in the Philippines not in Japan. She’s meant to be made here.”
Hindi man natuloy ang honeymoon nila ni Mark sa Japan ay nabiyayaan pa rin sila ng blessing. Iyon nga ang kanilang baby girl.
Aicelle Santos sa pagbubuntis sa gitna ng pandemic
Isa na nga si Aicelle Santos sa mga soon-to-be mom na nagbuntis ngayong pandemic. Kaya naman sa nagbahagi si Aicelle Santos ng kaniyang mga karanasan at pakiramdam nang malaman niyang buntis siya at pandemic pa. Ibinahagi niya ito sa aming exclusive interview sa #TAPTalks.
Ayon kay Aicelle katulad ng ibang mga mommy na buntis sa panahon ng pandemic ay may takot din siya. Naroroon ang kaba dahil baka mahawa siya ng COVID-19. Pero alam umano niya na blessing ito at hindi siya pababayaan ng Diyos. Naging sandigan ni Aicelle Santos ang pagdadasal.
“Siyempre sa umpisa nung nalaman naming we’re pregnant sa on-set ng pandemic, medyo kinabahan ka rin ‘di ba? Kasi takot kayong mahawa. And the availability of hospitals back then ‘di ba ang hirap-hirap. ‘Di ba maraming hospitals na COVID centers. So, yah ngayon naman medyo lumuluwag-luwag na. May maayos na health protocols. So, yah at the end of the day yung iyong mga worries eh ipagdadasal muna. Tayo’y proprotektahan ni Lord.”
Kaya naman payo ni Aicelle sa mga moms out there na nagbubuntis ngayon lalo na sa mga first-time moms. Huwag masyadong mag-aalala at ipagdasal lagi sa Diyos ang iyong worries.
Iba rin kasi talaga ang mararanasang takot ng isang pregnant mom ngayong panahon ng pandemic. Hindi lamang iyong takot mo para sa sarili mo pero para na rin sa iyong baby. Nakaramdam din umano nun si Aicelle Santos.
Pagbabago na naranasan ni Aicelle Santos sa kaniyang pagbubuntis
Katulad din ng mga ibang moms out there. Nagkaroon din ng mga pisikal na pagbabago kay Aicelle.
Ayon sa kaniya, “I thought I was okay nung first 8 months, 9 months na ko ngayon. Parang ‘yung 8 months na ‘yun sabi ko ko lumaki lang ‘yung tiyan ko. Medyo tumaba ako pero that’s fine. Pero nag-shrink din ako ulit. Cause I had to lessen my eating na ngayong 3rd trimester ‘di ba?”
Dagdag pa niya, “Ngayon lang lumabas ‘yung stretch marks. “Yung end of 8. Ah right after our maternity shoot. Lumabas ‘yung stretch marks. Ngayon parang everyday siyang dumami kasi nga parang nag-e-expand pa si baby. And then siyempre ‘yung mga dark areas sa katawan mo.”
BASAHIN:
#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom
Aicelle Santos, ibinagi ang maternity photos plus gender reveal ng kaniyang baby
10 healthy tips na nakapagpabago ng buhay ni Andi Eigenmann
Pero hindi naman iyon mahalaga kay Aicelle, una pa rin siyempre para sa kaniya safe ang baby niya at maayos. Kuwento pa nga niya,
“And sabi ko nga eh okay lang ‘yun. Kasi as long as your baby’s okay no matter what happens to your body, that’s fine. Kasi ano lang naman ‘yan pang labas lang naman. Nadadaan naman ‘yan sa mag-cream, cream ‘yan. And you know wear your stretch marks proudly.”
Kaya naman mga mommy huwag masyadong ma-conscious dahil sabi nga ng mga iba pang mom na dumaan din sa ganung sitwasyon, nawala rin naman. Sabi nga ni mommy Aicelle wear your stretch marks proudly.
Tandaan its also a mark that your a strong momma, and had a wonderful journey with your baby habang nasa tummy mo pa siya.
Pregnancy cravings ni Aicelle
Siyempre, nagkaroon din ng pregnancy cravings si Aicelle Santos katulad ng iba pang mga mommy. Ayon sa kaniya, ang kaniyang pregnancy cravings ay bread at sweets.
“Ay naku! Alam mo ang aking cravings, were media nasa sweet side. Fruits and bread. Any kind of bread ke may palaman o wala. Alam mo ‘yung tasty yung twang dun ‘di ba?Apat na sunod-sunod o lima nun kaya kong kainin. Which is very bad.”
Napasama umano ang kaniyang pagkahilig sa tinapay at matatamis na pagkain dahil nagkaroon umano si Aicelle Santos ng gestational diabetes. Kaya naman payo rin sa mga mom na mag-ingat din sa kanilang mga kinakain.
Kaya naman may diet na sinusunod si Aicelle ngayon, hindi man siya makapaglakad-lakad dahil nga naka-bed rest siya ngayon. Nasa ika-34 week na si mommy Aicelle sa kaniyang pagbubuntis kaya naman excited na umano siyang makita ang kanilang baby girl na si Zandrine Anne.
Meaning behind “Zandrine Anne”
Sa pakikipagkuwentuhan namin kay mommy Aicelle Santos, ang meaning umano ng pangalan ng kanilang baby girl na si Zandrine ay “protector of men.”
Si Mark Zambrano na kaniyang asawa umano ang nagpangalan nito.
“Ang nagpangalan talaga ng Zandrine talaga is Mark, Zandrine came from Sandrine ginawa Aniya lang Z. And Zandrine is…originated from Alexandria or Alexander. Which means protector of men.”
Ang second name naman na Anne ay galing umano sa kaniya.
“So, sabi niya parang parang magiging malakas ‘yung anak ko, fighter, someone who has a strong spirit. And then her second name isa Anne, uhmm galing naman sa akin ‘yun cause I’m Aicelle Anne. So, she’s Zandrine Anne.”
Advice ni mommy Aicelle sa mga katulad niyang first-time moms
Nagbigay si mommy Aicelle sa mga first-time na katulad niya rin na naging pregnant sa panahon ng pandemic.
“For the first-time moms, planned man o hindi ‘di ba its a blessing kaya ‘yan nandiyan. There’s a reason. Its a gift from God. So, binigay ‘yan pinagkatiwala ni Lord cause alam niya na kaya mo mommy na alagaan siya. And trust that the Lord will guide you step by step sa kung papaano papalakahin yung anak mo.”
Dagdag pa ni mommy Aicelle,
“Na if you have worries or doubts, kaya ko ba? Worries during this in this time of pandemic. Worries financially. Specially, alam mo maraming pong nawalan ng trabaho ngayon ‘di ba?”
“And, this adds more anxiety, cause especially when your pregnant your more emotional. You tend to overthink. Oh my gosh a thousand percent more. At ‘yun nararansanan ko, I cry at night you worry for your child, you worry for your family but at the end of the day you surrender.”
“Though you don’t see the path as clear but he’s preparing something good for you and your baby and your family. So, Just learn to trust and surrender. Have faith, and pray everyday. Gusto ni Lord na makulit ka. Kulitin mo siya sa mga wishes mo, sa mga dreams mo, sa mga needs mo.”
Kaya naman mga mommy huwag pangunahan ng takot at laging kumapit sa Diyos, sabi nga ni mommy Aicelle Santos na soon-to-be mommy na rin ay surrender everthing to the Lord and pray everyday.
Mula sa theAsianparent Philippines we wish mommy Aicelle Santos a safe delivery.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!