Sarah Lahbati balik pag-aartista na ulit: "Even if I’m working, I’m still gonna be very hands-on with the kids and make sure we have good Christmas"

Aktres piniling huwag mag-komento sa mga patutsada ng kaniyang mother-in-law.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sarah Lahbati as a mom very hands-on daw sa mga anak. Kahit na ngayong magbabalik na ulit siya sa pag-aartista, priority parin daw niya ang mga anak niya.

Mababasa dito ang sumusunod:

Hiwalayan ni Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

Larawan mula sa Facebook account ni Sarah Lahbati

Maliban sa hiwalayang Kathniel, usap-usapan din ngayon sa social media ang hiwalayan ng mag-asawang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Bagamat ang dalawa nanatiling tikom ang bibig sa pinagdadaanan nila, marami namang na-curios sa tunay na nangyari sa pagsasama ng mag-asawa. Ito ay matapos magbigay ng pahayag ang talent manager at ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama tungkol kay Sarah.

"Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na 'yan. Si Richard trabaho nang trabaho, 'yung isa nagwawaldas ng pera. 'Yun lang ang masasabi ko diyan.”

Ito ang nasabi ni Annabelle sa isang panayam.

Sarah Lahbati as a mom

Larawan mula sa Facebook account ni Sarah Lahbati

Si Sarah nanatiling tikom ang bibig at piniling huwag mag-react sa pahayag na ito ng kaniyang mother-in-law. Sa halip, pagbabahagi ni Sarah masaya siya na balik-trabaho na ulit siya. Ito ay matapos ang ilang taon na pagiging full-time mom sa dalawang anak nila ni Richard na si Zion at Kai.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"I’m okay and I’m excited. Honestly, I’m feeling grateful and I’m feeling blessed. Parang sunod-sunod 'yung blessings from God and I’m just excited to get to work."

"I have a 5-year-old, we have a 10-year old so parang sabi ko, puwede na siguro.”

Ito ang sabi pa ni Sarah.

Dagdag pa niya, hindi magiging hadlang ang pagtratrabaho para ma-prioritize parin ang pangangailangan ng mga anak niya. Kung hands-on siya noon, magiging hands-on parin daw siya ngayon.

"Even if I’m working, I’m still gonna be very hands-on with the kids and make sure we have good Christmas."

Ito ang sabi pa ni Sarah sa panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe niya pa sa ibang mga ina, dapat matutong alagaan ang sarili ng mabuti, para mas maalagaan ng maayos ang iyong mga anak.

"If you want to be able to take care of your kids the best way you can, you have to take care of yourself the best way you can also."

Ito ang sabi pa ng aktres.

Larawan mula sa Facebook account ni Sarah Lahbati

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement