Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, nakaplano na ang kasal sa March 2020

Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, nakaplano na ang kasal sa March 2020

Ang most anticipated wedding ng celebrity mom and dad na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay mangyayari na next year taong 2020 buwan ng Marso.

Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, ikakasal na next year!

Sa isang ASAP Natin 'To segment tampok nga ang celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Ikinuwento ng dalawa na nagkakilala sila sa isang teleseryeng pinagsamahan nila sa GMA-7 network noong taong 2012 na Makapiling Kang Muli.

Nagbibiruan pa sila kung sino ang unang nagkagusto sa kanila sa isa't-isa. Nagkamabutihan nga sila sa set ng kanilang teleserye hanggang sa nanligaw na si Chard kay Sarah sa set at nag-effort din ito na mapalapit sa mga magulang ni Sarah.

Matapos nga ang kanilang teleserye doon na nga naging opisyal na naging couple sila.

Hanggang sa nagkaroon na nga sila ng mga anak na sina Zion at Kai—na lalong pinagtibay ang kanilang samahan at pagmamahalan.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on

At sa dinami-raming pinagdaanan nila bilang isang couple at mga magulang napagtanto nga ni Chard na it's time to make the best ride of his life, kung kaya't nag-propose na ito sa kasintahan.

Na-engaged ang dalawa noong taong 2017 ng Marso kung saan nasa Zermatt, Switzerland ang dalawa.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on

Pinost-pone lang nila ang ng mas late ang date ng kanilang kasal sapagkat nagdadalang tao nun si Sarah sa bunso nilang si Kai.

Sa later part ng ASAP Natin 'To video nga ng couple nagbigay ng mensahe sa isa't-isa sila Sarah at Chard.

Sambit ni Sarah kay Chard, "Pangako ko sa 'yo na mamahalin kita buong buhay."

Mensahe naman ni Chard kay Sarah, "Excited ako na finally I can call you my wife."

"I promise na gagalingan ko pa ang pagkanta ko para sa 'yo," biro ni Chard, sabay tawa ng dalawa

Nagmistula ngang parang wedding reception na nila Sarah at Richard ang production number nila Martin Nievera, Ogie Alcasid, Moira, at Jason Dy, kung saan kinanta nila ang ilang mga kanta sa ultimate playlist ng couple.

"Putting God in the middle of our relationship is the most important thing, trust, communication, and respect," ang sikreto di-umano sa kanilang love story sambit ni Sarah.

Bulalas naman ni Chard, "I used to think that there's such thing as perfect love, but there's no such thing as perfect love. But there is real love and that's all we need."

At inanunsyo na nga ni Chard na finally ikakasal na sila ni Sarah, "We are happy to announce that we are finally getting married on March 2020 here in Manila. And we are looking forward to that date."

Nag-post nga si Sarah sa kaniyang Instagram at nagpasalamat sa ASAP Natin 'To sa ginawa nitong prod para sa kanilang special announcement at pagbahagi ng kanilang love story, "Mula noon, Hanggang ngayon, Ikaw at ako • Thank you, ASAP family and ABSCBN for celebrating @richardgutz and I today as well as my early birthday celebration."

Aniya pa, "October feels like love month. ❤️ Excited for March 2020 ? ? ? #roadtomarch2020"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on

Meaningful ang Marso para sa celebrity couple, sapagkat ito ang buwan kung saan nag-propose si Chard kay Sarah at ito rin ang buwan ng kapanganak ng kanilang bunso, kaya sa buwang ito nila plinano ang kasal.

Wala pang concrete details na ibinabahagi ang couple patungkol sa kanilang kasal, pero siyempre given na ang partisipasyon sa bridal entourage ng mga anak nila na sina Zion at Kai.

Marami pang revelations patungkol sa kanilang kasal ang ibabahagi nila Sarah at Richard sa iba’t-ibang platform ng Kapamilya Network kaya't pakaabangan nga ito.

Source: ABS-CBN News

Basahin: Sarah Lahbati and Richard Gutierrez throw a simple first birthday party for son, Kai

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner