Sarah Lahbati sa 70th birthday ng ina: “I wouldn’t be the woman I am today without my mom.”

Aktres nag-organize ng masayang birthday party para sa kaniyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sarah Lahbati may bonggang pabirthday party sa mom niyang si Esther sa 70th birthday nito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Sarah Lahbati mom celebrates 70th
  • Mensahe ni Sarah sa kaniyang ina.

Sarah Lahbati mom celebrates 70th birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres na si Sarah Lahbati ang naging birthday celebration ng kaniyang inang si Esther. Si Mommy Esther 70 years old na ngayon at ang kaniyang birthday celebration, hindi pinalampas ng mga taong nagmamahal sa kaniya.

Ang naging punong abala nga sa pag-aayos ng birthday party niya ay walang iba kung hindi ang anak niyang si Sarah. Ito ay nakipagkuntsabahan sa mga kaibigan ng ina para maging successful ang surprise birthday party niya para dito.

Mensahe ni Sarah sa kaniyang ina

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Syempre maliban sa masayang birthday party, si Sarah may sweet na mensahe rin para sa kaniyang ina sa kaarawan nito. Pagsasalarawan nga ng aktres, talagang happy at fun ang naging birthday celebration ng ina dahil sa mga kaibigan nitong lumipad pa sa Maynila para makadalo sa special day niya. Dahil ayon sa aktres, deserve ng ina ang kasiyahan at ang ginawa niyang party ay bahagi lang ng pasasalamat niya sa naging pagpapalaki nito sa kaniya.

“It was truly a day full of joy, laughter, some tears, dancing, and reconnecting with family members and friends who traveled and made time for Momma.”

“I wouldn’t be the woman I am today without my mom and will forever thank her for all the lessons and love she poured for us all.”

Ito ang sabi ng aktres sa caption ng kaniyang Instagram post.

Ipinaabot niya rin dito ang pagmamahal niya at ang birthday wish para sa ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I love you so much. I wish you the best this year. Thank you for teaching me everything that I know na pinapasa ko ngayon kay Zion.”

Ito ang mensahe pa ni Sarah sa kaniyang Mommy Esther.

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement