Hayden Kho, sinagot ang netizen na kumuwestyon sa pagsusuot ni Scarlet ng mamahaling gamit

Hayden Kho, sinagot ang netizen na kumuwestyon sa pagsusuot ni Scarlet ng mamahaling gamit

Narito ang reaksyon ni Hayden Kho sa mga netizens na nagkokomento sa pagsusuot ng luxury items ng anak.

Sa isang video sa kaniyang official Instagram account, makikita si Scarlet Snow Belo na nakasuot ng Gucci dress habang bitbit ang kaniyang Gucci tote. Maririnig sa video na ini-interview siya ng kaniyang mommy na si Dr. Vicki Belo at tinatanong ito kung anong laman ng kaniyang bag. Ginagaya ng mag-mommy ang karaniwang fashion story na ginagawa ng fashion magazines at bloggers.

Ngunit ang simpleng “bag raid” ay nauwi sa mahabang diskusyon ng mga followers ng batang influencer.

Ang issue: masyado nga bang bata si Scarlet Snow Belo, 4 years old, para magsuot at gumamit ng mamahaling mga gamit?

Scarlet Snow Belo bag raid

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo) on

Sa isang Instagram video ay ipinakita ni Scarlet Snow Belo ang laman ng kaniyang bag for a day. Sa background ay maririnig ang kaniyang ina na si Dra. Vicki Belo na tinatanong kung ano ang outfit ni Scarlet for today na sinagot naman ng bata na “It’s Gucci”.

Tinanong din ng doktora kung ano ang gamit niyang bag na sinagot ulit ng bata na “It’s Gucci also.”

At saka na binuksan ng bata ang loob ng kaniyang bag at ipinakita ang laman nito.

Sa loob ng bag ay makikita ang baby wipes, hair brush, panyo at cologne. May ilang netizens ang natuwa sa adorable video na ito ni Scarlet. Isa nga sa mga netizens ang nagpayo na dapat ay magbaon din si Scarlet ng bottled water lalo na ngayon na mainit ang panahon.

Mali nga bang mag-suot ng luxury items ang isang bata?

Pero may ilang netizens naman ang hindi natuwa sa video na ito ni Scarlet at pinuna ang pagsusuot niya ng designer clothes at bags. Ang Gucci tote kasi ni Scarlet ay nagkakahalaga ng humigit kumulang P35,000. Samantalang ang kaniyang Gucci dress naman ay tinatayang nasa P52,000.

I love Scarlet, but orienting her branded or signatured items at her age, I believe is ridiculous! Sorry but I just wish her to be humble and grounded even though she’s very rich and famous.”

“This is too much for a little girl.”

 “I know it’s none of my business. I know your Mom and Dad work very hard. I know they are super rich and therefore can afford them. But Scarlet Snow might grow up wanting expensive luxury items only.”

Reaksyon ng mga netizens

Dito na nagsimula ang mahabang diskusyon ng mga netizens tungkol sa pagsusuot ng luxury items ng isang bata. Ang iba sa mga netizens ay pinagtanggol si Scarlet at ang mga parents niya. May ilan namang nagsabi na dapat ay i-enjoy ng mga bata ang kung anumang ini-offer ng mundo kahit ito ay luxury items pa lalo kung can afford naman ng mga magulang nila.

“Daming hanash ng iba. Pwede bang matuwa na lang sa bata? Kasalanan ba niyang pinanganak siyang mayaman? C’mon guys. Afford naman nila.” 

I think whatever scarlet is enjoying right now, she is entitled to it. Kung Anu man yun tinatamasa nila ngayon, it’s because her parents worked hard. Any parent wants best for their children. Designer clothes man yan or Hindi.”

Having and knowing signature stuff doesn’t mean you are not humble and grounded. 🤦🏼‍♀️”

I don’t think having expensive items or material things change a person’s personality and upbringing. I believe that kids must explore and experience what this world can offer even if it means having luxurious stuff. It’s a little weird that people associate expensive things as a bad thing. I just don’t see the point. The only thing I see that’s wrong with buying expensive stuff is when a person can’t truly afford it, yet they do it to show off. Scarlet’s parents are not earning minimum wage so they can afford this kind of stuff. Besides, it’s their money. So who cares how they spend it.”

I am pretty sure scarlet is JUST carrying a cute purse. She’s not aware of the brand and all. Adults are the ones that is putting malice on everything that kids wear or do. Of course she will grow up wearing expensive things because that is their world. This is her normal. But it doesn’t mean she wont appreciate little simple things. People with a lot actually appreciate very simple things like friendship and honesty. I am pretty sure Scarlet will grow up to be more in touch with what’s real than most people. I know parents that would spend money they don’t have so their kids can have a taste of good things that to me is even worse. Enjoy your beautiful purse Little Miss keep spreading some love😘.”

scarlet snow belo

Reaksyon ni Hayden Kho sa pagsusuot ng luxury items ng anak

Hindi naman pinalampas ng ama ni Scarlet na si Hayden Kho na sumali sa dinescribe niyang interesting na discussion.

Dito niya pinaliwanag ang kanilang side tungkol sa pagsusuot ng luxury times ni Scarlet. Pahayag niya na karamihan din ng mga gamit ni Scarlet ay regalo mula sa fans at mga kaibigan—katulad na lang ng Gucci outfit na suot ng bata na bigay ng kanilang kaibigan na si Alice Eduardo.

Dagdag pa niya na hindi naman daw dapat maging batayan ng pagkatao ang mga materyal na bagay. Kahit ano pa nga daw ang presyo nito ay damit lang ito na hindi dapat nagiging sukatan ng identity at significance ng isang tao.

scarlet snow belo

Image screenshot from Instagram

Sa isyung ito tungkol sa luxury clothes ni Scarlet Snow Belo, may punto si Daddy Hayden. Dapat maging isang aral para sa mga magulang na turuan ang kanilang anak na hindi dapat maging batayan sa kung paano nila itrato ang isang tao sa kung ano ang presyo ng suot o gamit ng kapwa.

Bukod pa rito, wala namang masama sa pagbili ng mga magagarang damit kung afford naman ito ng mga magulang. Ang hindi maganda ay kung lilimitahan ang bata sa kaniyang mga kilos dahil may suot itong mamahaling damit.

Kailangang hayaan ng magulang na mag-enjoy at i-explore ng kanilang anak ang kanilang pagkabata. At ang ipaintindi sa kanila na maraming bagay dito sa mundo ang maghahatid ng kaligayahan at kaalaman sa kanila na hindi nila makikita sa kahit anumang materyal na bagay.

 

Source: ABS-CBN News

Basahin: Raising Scarlet Snow: Vicki Belo talks about raising daughter normally

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner