Kahit sinong magulang siguro ay nagnanais na maging succesful ang kanilang anak. Marami ngang mga libro, websites, pati na mga blogs, na nagtuturo sa mga magulang kung ano ang secret to child success.
Pero ayon sa isang pag-aaral, na isinagawa sa loob ng 70 taon, simple lang raw ang sagot sa katanungang ito.
Secret to child success: Ano nga ba ito?
Ang British Birth Cohorts ay isang malakihang pag-aaral na isinagawa sa UK matapos ang World War II. Sa pag-aaral na ito, inalam nila ang kalagayan ng 14,000 na mga inang kapapanganak pa lamang, na sinimulan noong 1946. At sa bawat henerasyon, inulit-ulit ng mga researcher ang pagbibigay ng survey sa mga ina.
Isinagawa ang pag-aaral sa loob ng humigit-kumulang na 70 taon, at inalam nito ang edukasyon, kalusugan, at pag-unlad ng mga bata. At interesante ang natagpuan ng mga researcher base sa napakaraming impormasyong ito.
Ano ang kanilang napag-alaman?
Una, malaking bagay raw ang pagiging mayaman ng mga magulang ng isang bata. Nakakalungkot isipin, dahil hindi naman lahat ng mga tao ay puwedeng ipanganak sa mayamang pamilya.
Ngunit napag-alaman rin nila na ang mas malaking bagay na nagdidikta ng success ng isang bata, ay ang parenting na ginagawa ng mga magulang.
Ayon sa kanila, kahit raw mayroong mga batang ipinanganak ng mahirap, kaya raw nilang maging successful basta’t maayos ang pagpapalaki sa kanila ng kanilang mga magulang. Ang maayos na parenting raw ay nakakatulong upang maging well-adjusted, matalino, compassionate, at may pangarap sa buhay ang mga bata.
At sa kabutihang palad, simple lang ang mga kinakailangan ng mga magulang na gawin. Heto ang ilang parenting tips:
- Kausapin at makinig sa iyong mga anak
- Ipaalam sa kanila na nais mo silang maging successful sa buhay
- Buhusan sila ng pagmamahal
- Turuan silang magbasa, magsulat, at magbilang
- Dalhin sila sa mga bakasyon, o kaya mga masasayang trip
- Basahan sila ng libro palagi, at ituro sa kanila kung gaano kasaya at kasarap magbasa
- Siguraduhin na regular ang kanilang bedtime
Sa pamamagitan ng mga tips na ito, masisiguradong magiging successful ang iyong anak, kahit ano pa ang landas na kaniyang tahakin.
Source: INC
Basahin: 5 lessons we can learn from successful Filipina mompreneurs