X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Pag-upo ng matagal, hindi raw mabuti sa puso, at posibleng maging sanhi ng diabetes

3 min read
Pag-upo ng matagal, hindi raw mabuti sa puso, at posibleng maging sanhi ng diabetes

Mahalagang umiwas ang mga magulang sa pagkakaroon ng sedentary lifestyle upang mapanatili ang kanilang kalusugan at malakas na pangangatawan.

Madalas ba kayong nakaupo habang nagtatrabaho sa opisina? O kaya naman ay kapag nasa bahay ay palagi lang nakaupo o nakahiga? Siguro ay normal o natural lang ang madalas na pag-upo, dahil mas komportable magtrabaho sa ganitong posisyon.

Ngunit alam niyo ba na posible pala itong maging sanhi ng sakit sa puso, diabetes, at iba pang mga karamdaman?

Pag-upo ng matagal, nakakasama sa kalusugan

Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na mahalaga ang pagiging aktibo upang magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan. Ngunit sino ba ang mag-aakala na ang simpleng pag-upo ay posibleng mayroong masamang epekto sa ating kalusugan?

Ayon kay Dr. Joana Macrohon, isang physical and rehabilitation medicine specialist, maraming masamang epekto ang sobrang pag-upo sa ating katawan. Aniya, "It can range from heart disease, yung pinaka-common. Diabetes, pwede din po. You can have even mga maski skeletal problems like backpains or problems with, say, the blood vessels, 'yung nagmamanas 'yung mga paa... Kung sedentary ka, hindi ka nag-e-exercise then your immunity would tend to be low. 'Pag mababa 'yung immunity mo, you can get things like cancer."

"It's very common even among the young ones. Nakikita mo na siya eh. Kasi most of our ano na ngayon, most of us are computer... na so parang wala kang option but to stick and do your job," dagdag pa niya. 

Paano makakaiwas sa pagkakaroon ng sedentary lifestyle?

Payo ni Dr. Macrohon na kailangan ay tumayo-tayo rin tayo kapag nagtatrabaho. Nakakatulong raw ang paglalakad ng ilang minuto bago bumalik sa pag-upo upang makaiwas sa mga sakit.

Mahalaga rin daw ang pagkakaroon ng physical activity tulad ng exercise o kaya sports upang mapanatili ang flexibility at strength ng ating katawan.

Aniya, nakakatulong rin ang pag-set ng alarm upang maging reminder na kailangan nating tumayo o kaya maging mas active.

Heto pa ang ilang mga tips na perfect sa mga magulang:

  • Mag-exercise kasama ang iyong mga anak bilang bonding at physical activity.
  • Kung kayang tumayo habang nagtatrabaho, ay gawin ito.
  • Sa halip na mag-commute o kaya magmaneho, maglakad na lamang kung malapit lang ang iyong pupuntahan.
  • Sumubok ng mga bagong sports, o kaya ng mga mas physical na hobbies.
  • Kumain ng tama, at umiwas sa matataba o matatamis na pagkain at inumin.
  • Ituro sa iyong mga anak ang kahalagahan ng exercise at pagkakaroon ng malakas na pangangatawan.
  • Umiwas sa pagkakaroon ng sedentary lifestyle, o yung nakahiga at nakaupo palagi.

Source: GMA News

Basahin: Pagiging mataba ng mga kaibigan at kapitbahay, ‘nakakahawa’

Partner Stories
Youth Physical Activity Report Card in the Philippines Reveals Lack of  Physical Activity Among Youth
Youth Physical Activity Report Card in the Philippines Reveals Lack of Physical Activity Among Youth
Automate your home and get clean air with Dyson Pure Cool
Automate your home and get clean air with Dyson Pure Cool
Cooking at home more often? Remember these tips to help ensure food safety
Cooking at home more often? Remember these tips to help ensure food safety
10 meal ideas to keep your kids happy and healthy
10 meal ideas to keep your kids happy and healthy

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Pag-upo ng matagal, hindi raw mabuti sa puso, at posibleng maging sanhi ng diabetes
Share:
  • #AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?

    #AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?

  • Kakulangan ng oxygen ng sanggol, posibleng magdulot ng sakit sa puso pagtanda

    Kakulangan ng oxygen ng sanggol, posibleng magdulot ng sakit sa puso pagtanda

  • STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

    STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • #AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?

    #AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?

  • Kakulangan ng oxygen ng sanggol, posibleng magdulot ng sakit sa puso pagtanda

    Kakulangan ng oxygen ng sanggol, posibleng magdulot ng sakit sa puso pagtanda

  • STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

    STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.