Walang eksaktong batayan ng “giftedness”. May mga IQ tests at ibang assessments para malaman kung maituturing ngang gifted ang bata, ngunit may mga senyales at katangian na makikita ng pamilya, mga guro at kaibigan sa pamamagitan lamang ng pagmamasid sa kilos at habit ng isang bata para malamang siya nga ay angat sa iba. Alamin ang mga senyales na gifted ang bata.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang gifted na bata?
- 20 na senyales na gifted ang bata
- Paano palakihin ang isang gifted na bata?
Ano nga ba ang gifted na bata?
Maraming nalilito at may iba-ibang deskripsiyon o pakahulugan sa salitang “giftedness”. Iba-iba na rin ang gamit nito sa mga eskuwelahan, organisasyon, at kultura sa buong mundo.
Sa isang banda, sinasabing ito ay para lamang sa mga taong may above-average intelligence kapag sinukat sa kumbensiyonal na IQ score. Ang ibang institusyon naman ay may mas malawak na range of criteria kaysa dito.
Ayon sa National Association for Gifted Children (NAGC) ay may mas definitive description para sa isang gifted child:
“Ang isang gifted individuals ay isang taong nagpapakita ng kakaiba at outstanding levels of aptitude (o exceptional ability sa pagkatuto at pagintindi, at pagbibigay ng paliwanag tungkol sa isang aralin) o competence (dokumentadong kakayahan o abilidad at achievement sa top 10 percent o mas mataas pa) sa isa o mas maraming domains.
Sa domains na ito ay kasama ang kahit anong structured area of activity na may sariling symbol system (e.g., mathematics, music, language) at/o set ng sensorimotor skills (e.g., painting, dance, sports).”
“Giftedness” at ang gifted child
Walang iasang depinisyon ng “giftedness.” May mga IQ tests at ibang assessments at paraan upang makita ang mga senyales na gifted ang bata para mawari kung gifted ang isang bata. Pero ang unang makakapansin at makakakita nito ay ang kaniyang pamilya, mga guro at kaibigan.
Ang Austega Information Services, isang online assessor, ay may detalyadong checklist ng ilang characteristic traits at senyales na gifted ang bata o ang iyong anak. Tandaan: Hindi lahat ng senyales ito ay masasabi na gifted ang bata.
20 senyales na gifted ang bata
- Madali at mabilis matuto ng mga bagong bagay.
- May malawak at malalim na bokabularyo para sa kaniyang edad.
- May kakaibang reasoning power at logic.
- Kahanga-hanga at matibay ang memory, pero madaling mabagot sa gawaing may memorisation at recitation.
- Hindi gaanong kailangan ng outside control — kayang disiplinahin ang sarili, kahit batang bata pa.
- Metikuloso sa structure, order, at consistency.
- Flexible ang thinking patterns nito. Kaya niyang gumawa ng kakaibang associations kahit parang malalayo ang mga paksa o ideas.
- Malalim ang curiosity at mahilig tumukas ng mga bagay, sitwasyon, o pangyayari. Kayang magtanong ng mga provocative at detalyadong tanong.
- Matataas ang mga marka sa iba’t ibang subjects o asignatura.
- May power of concentration, at may intense attention sa isang aralin o paksa.
- Kayang sumagot ng mabilis at alerto, rapid sa mga mahihirap man na tanong.
- Resourceful, at kayang magbigay ng solusyon sa mga problems gamit ang mga ingenious methods.
- May malalim na interes sa science o literature.
- Orihinal ang mga ideya sa oral at written expression.
- May angking kakayahan sa abstraction, conceptualisation at synthesis.
- Siya ay emotionally secure.
- Madalas ay dominante sa kaniyang mga kaibigan at sa mga sitwasyon.
- Malawak ang paggamit ng common sense.
- Komplikado ang pag-iisip at pagtingin sa mga bagay bagay.
- Perceptually open siya sa kaniyang kapaligiran.
BASAHIN:
Paano tumalino ang baby? 8 paraan para tumaas ang IQ ng anak mo
Matalinong bata: Mga dapat taglayin ng magulang para sa success ng kanilang anak
STUDY: Mas matalino ang mga bata kapag mayroong sapat na Vitamin D ang ina habang nagbubuntis
Paano pag-aaralin ang isang gifted na bata?
Kadalasan ang isang gifted na bata ay hindi nasa-satisfy sa normal na routine ng eskuwelahan. Hindi sila makukuntento lamang sa one plus one.
Tinukoy nina Rena F. Subotnik, Ph.D., Paula Olszewski-Kubilius, Ph.D., and Frank C. Worrell, Ph.D sa Rethinking Giftedness and Gifted Education: A Proposed Direction Forward Based on Psychological Science ang ilang mga educational approach na maaaring makatulong sa pag-stimulate sa kakayahan ng isang gifted na bata.
Ito ay ang mga sumusunod:
- Enrichment classes: Sa pamamagitan nito mas mahahayaang makapag-aral ang isang bata sa isang partikular na subject ng mas malalim. Hindi niya kasi ito makukuha sa isang regular class. Maaaring mas pag-aralan niya ang science o math.
- Acceleration: Ang isang gifted na bata ay mas mabilis at abante ang pag-iisip kaysa sa kaniyang mga ka-edad kaya naman ang pag-accelerate sa kaniya sa mas mataas na grade level ay mainam para sa kaniyang intellectual capabilitis. Isang daan din ito para ma-enganyo pa ang iyong anak o ang isang bata na mag-pursue ng higher education matapos ang kaniyang college diploma.
- Academic institution: Sa pamamagitan ng pag-e-enroll sa isang gifted na bata sa isang education institution na may mas mataas na adademic standard ay lubos na makakatulong sa kaniya upang ma-stimulate ang kaniyang talino. Binibigyan din ang isang gifted na bata ng opurtunidad na makakilala ng mga batang katulad niya ang talino o kapantay niya.
- Athletic training: Malaki rin ang benepesiyo sa isang gifted na bata ang mga athletic training. Sapagkat sa pamamagitan nito natuturuan din ang isang gifted na bata ng pokus, mag-set ng goals, maging persistent, at maging disiplinado. Ito rin ang mga skills o kakayahan na kailangang taglayin ng isang gifted na bata na kailangan ng maraming oras ng pag-aaral.
- Musical training: Ang mga musical training din ay nakakatulong sa isang gifted na bata para sa kaniyang mental skills katula ng athletic training.
Paano palakihin ang isang gifted na bata?
Kapag nakitan mo na ng senyales na gifted ang bata at napa-asses mo na ang siya’y gifted na. Bilang magulang mayroon ka ring malaking kailangang gampanan upang mahasa pa ang talino ng iyong anak.
Sinabi ng mga eksperto na napakahalaga sa mga magulang na suportahan ang kanilang mga gifted na anak. Kailangan na i-encourage ng mga magulang ang kanilang mga anak upang mahasa ang kanilang capabilities.
Ang mga magulang umanong sinusuportahan ang kanilang anak sa para mahasa ang kanilang kakayahan ay nagtatagumpay sa kanilang buhay.
Ayon kay James Alvino sa kaniyang isinulat na Considerations and Strategies for Parenting the Gifted Child,
“Parents of gifted children are typically the single most important influence in their child’s development, outlook, and fulfillment of talent. In addition to being their child’s primary caregivers, parents of gifted children alternately function as mentor, praiser, disciplinarian, playmate, teacher, and sometimes best friend—to name just a few,”
Tips ni Alvino para palakihin ang isang gifted na bata
- Kahit na gifted ang iyong anak siya’y isang bata pa rin. Mag-set ng rules at routine sa bahay na fairly reasonable pero hindi naman consistently forced.
- Tignan ang iyong parenting style. I-check din ang iyong temper. Ang ilang mga gifted na bata ay mas sensitibo kaya naman mag-adjust.
- Hayaan ang iyong mag-explore at mag-wander. Bigyan siya ng mga materials at opurtunidad upang mas ma-stimulate pa ang kaniyang talino at creativity mulas a kaniyang mga interes.
- Makipag-usap sa iyong anak. Tanungin siya lagi at ibahagi ang iyong pananaw subalit huwag mag-impose. I-encourage siya sa isang atmosphere ng acceptance at openness sa bahay.
- Ang mga batang gifted ay prone sa stress kaya naman turuan siya ng mga stress-relieving technique at practices.
- Hayaan siyang magdesisyon para sa kaniyang sarili at hayaan mo rin siyang magkamali.
- Pakainin siya ng mga masustansiyang pagkain. Hikayatin din siyang mag-exercise sa labast at bigyan din siya ng household chores.
- Mahalin siya.
Ang maraming aspeto ng isang gifted child
Ayon sa Austega, may mga paraan para malaman kung ang isang bata ay “gifted” o hindi. Makikita ang listahan ng giftedness characteristics sa ibang kategorya sa kanilang online assessment.
Kasama dito ang specific academic aptitude, creative thinking at production, leadership, psychomotor ability, at visual at performing arts.
Gifted man ang anak o hindi, huwag kalimutan na lahat ng bata ay kailangan ng pagmamahal, pag-aaruga, atensiyon at pagkatuto, hindi ba?
Ang article na ito ay unang isinulat ni Paul.
Source:
Britannica, NAGC.org, Davidsongifted