6 senyales na immature ang asawa mo

Pagdating sa pagbuo ng pamilya, hindi lang dapat basta handa ang magkarelasyon. Dapat ay mature narin sila sa pagharap sa kanilang responsibilidad at bagong role sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga senyales ng immature ang asawa.
  • At ang mga dapat gawin upang hindi ito makaapekto sa inyong pagsasama.

6 Senyales na immature ang asawa

Isa sa madalas na nagiging problema sa relasyon ay ang pagiging immature ng isa sa mga nagsasama. Sapagkat ang immaturity na ito ay maaaring subukin ang pasensya ng isa sa mag-partner. Kapag napuno kasi ay maaring magsawa at sumuko na.

Para maiwasang mauwi sa paghihiwalay ang epekto nito sa relasyon, dapat maisaayos na ito agad ng mag-partner. Ang unang paraan na dapat gawin ay ang tukuyin ang mga senyales na immature ang asawa. Saka gawin ang akmang hakbang upang maitama ito at maging emotionally mature na siya.

Kung iniisip na immature ang iyong asawa, ilan sa mga makikita mong palatandaan na tama ang iyong hinala ay ang sumusunod:

1. Ayaw niya ng mga seryosong usapan.

Isa sa pangunahing senyales na immature ang asawa ay ang kawalan nito ng kakayahan na i-manage ang kaniyang nararamdaman o kaya naman ay kung paano haharapin ang isang seryosong sitwasyon o usapan.

Tulad nalang halimbawa sa tuwing gusto mo siyang kausapin tungkol sa isang problema sa inyong pagsasama. Imbis na makipag-usap sa ‘yo ay susubukan niyang gumawa ng mga bagay na hindi ka makausap. Hahayaan na lamang kung anuman ang problema ninyo na hindi naaayos at napag-uusapan.

Maaari ring tawanan ka niya na lamang na magpaparamdam sa ‘yo na tila minamaliit niya ang iyong nararamdaman. O kaya naman ay panay ang iwas niya sa tuwing maiuungkat mo ang seryosong bagay na ito sa inyong usapan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mapapansing bigla na lamang siyang magkakaroon pala ng gagawin kapag ito na ang inyong pag-uusapan. O kaya naman ay sasabihin niyang masakit ang ulo niya at makiki-usap na kung puwedeng pag-usapan ninyo ito sa susunod na lamang.

Woman photo created by drobotdean – www.freepik.com 

2. Palaging sarili nalang nila ang iniisip nila.

Isa pang palatandaan na immature ang iyong asawa ay ang pagiging self-centered niya. Iniisip niya na ang mundo ay umiikot lang sa kaniya. Tulad na lamang halimbawa na kapag dapat ayaw niyang pumunta sa isang okasyon ng inyong pamilya ay dapat hindi ka na rin magpunta.

Naniniwala kasi siya na kung talagang mahal mo siya ay dapat lagi lang siya ang iyong kinakampihan at inaalala. Sa oras na hindi, ay iisipin niyang hindi mo siya mahal o niloloko mo lang siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Very defensive siya.

Minsan sa tuwing pinapansin mo ang immaturity niya may tendency naman na maging very defensive niya. Sasabihin niya na palagi na lamang siya ang iyong nakikita.

Tulad na lamang sa tuwing hindi niya naililigpit ang sariling mga kalat niya, sasabihin niyang para kang nanay niya. O kaya naman bibiruin ka niya na siguro nagme-menopause ka na at nagiging masungit at mahigpit na.

4. Takot sila sa commitment.

Matagal na kayong nagsasama subalit tila wala pa rin sa isip niya ang pagpapakasal? Kung hindi naman problema ang pera, may dalawang dahilan lang kung bakit tila hindi pa siya desidido sa seryosong hakbang na ito sa inyong relasyon.

Maaaring may iba pa siyang nagugustuhan. O baka takot siya sa commitment at iniisip na ang pagpapakasal ay hadlang sa kalayaan niya. Anuman ang dahilan niya sa dalawa, kung hindi niya masabi sa ‘yo ang tunay niyang nararamdaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa lang ang ibig sabihin nito, immature pa rin siya at hindi niya kayang maging responsable o humarap sa mga seryosong usapan.

5. Lagi niyang isinisisi sa iba ang pagkakamali niya.

Lagi bang may dahilan ang iyong asawa sa mga pagkakamali niya at ang mga dahilan niyang ito ay may involved na ibang tao? Gaya na lang halimbawa sa pag-inom niya na inabot ng hating-gabi na dahil umano sa kaibigan niyang mapilit at ayaw na pauwiin siya ng maaga.

Muli, ang isang taong emotionally mature ay responsable sa bawat kilos at desisyon niya. Iniisip niya ang magiging epekto ng mga hakbang niya at hindi isisisi sa iba ang mga desisyong siya naman ang gumawa.

Family photo created by pressfoto – www.freepik.com 

BASAHIN:

Paano mo sasabihin sa iyong asawa na tumulong sa gastusin sa bahay?

Pakikipagkaibigan sa ex, narito kung bakit hindi ito makakabuti sa isang relasyon

STUDY: Mga couples na sabay matulog, mas matatag ang relasyon

6. Hindi ka niya dinadamayan at iniisip mong parang mag-isa ka lang sa inyong relasyon.

Kung ikaw lang lagi ang gumagawa ng paraan para mag-workout ang inyong relasyon. O kaya naman ay parang kargo mo na lahat ang gastusin sa bahay habang ang asawa mo ay nagpapakasaya kasama ang mga barkada niya, walang duda, immature pa siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sapagkat kung emotionally ready na siya dapat ay responsible siya at alam niya ang role niya sa inyong relasyon. Lalo na kung mayroon na kayong anak na kailangang buhayin at palakihin.

Ano ang dapat mong gawin?

Kausapin ng mahinahon ang iyong asawa.

Isaisip na dahil sa emotionally immature pa ang iyong asawa ay mataas ang tiyansang hindi siya aware sa iyong nararamdaman. Kaya naman mabuting ipaalam ito sa kaniya sa pamamagitan ng mahinahon na usapan.

Itiyempo na kayo ay dalawa lang at wala na siyang magiging dahilan para makaiwas pa sa usapan. Ipaalam sa kaniya ang iyong nararamdaman.

Kung paano ito sa tingin mo ay nakakaapekto sa inyong relasyon at higit sa lahat sa feelings mo na asawa niya. Sapagkat hindi makakabuti kung papatagalin mo pa ito na maaaring mas magpalalim pa ng sama ng loob mo.

Makakatulong ang paggamit ng “I” statements para mas maiparamdam sa kaniya ang saloobin mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulad ng halimbawa sa paggawa ng gawaing-bahay. Ito ang sabihin mo.

“Nakakapagod ‘yung mga gawaing-bahay. Minsan hindi ko na naasikaso ng maayos si baby sa dami ng gagawin ko. Puwede mo ba akong tulungan kahit sa mga labahan lang linggo-linggo?”

Sa ganitong paraan ay ginagawa mo siyang involve ng hindi siya inuutusan o pinangungunahan.

House photo created by pressfoto – www.freepik.com 

Ipaalam at ipaintindi sa kaniya ang epekto ng mga ginagawa niya.

Mahalaga rin na ipaalam sa kaniya ang mga bagay na para sa ‘yo ay sobra o hindi mo ito-tolerate. Tulad na lamang ng pagsigaw na pagsagot sa tuwing nakikipag-usap ka sa kaniya. O kaya naman ay ang paglalasing niya kasama ang barkada na naging madalas niyang dahilan sa pag-uwi ng gabi na.

Pero tandaan na iwasang makipag-usap sa kaniya ng galit ka. Sapagkat mas papalalain lamang nito ang sitwasyon. Ipaintindi sa kaniya sa mahinahong paraan ang magiging consequences ng actions niya. Tulad ng maaari siyang maaksidente sa pag-uwi ng lasing. O baka magkasakit siya kung ito ay mas mapapadalas pa.

Ngayon, kung sa kabila ng lahat ng effort na kausapin siya tungkol sa mga actions niya ay hindi pa rin nababago ang ugali niya, humingi ka ng tulong ng isang professional. Sapagkat may mga angkop na therapy para maturuan siyang maging emotionally mature na.

Subalit kung patuloy paring nagiging pabigat o unhealthy na para sa ‘yo ang mga ginagawa ng iyong asawa. Kung paulit-ulit lang ito sa kabila ng mga pakikipag-usap mo sa kaniya at sa effort mo na intindihan siya.

Siguro kailangan mo ng mag-moveon. Sapagkat hindi mo deserve ang isang relasyon na magulo at toxic. Lahat tayo ay dapat maging masaya at kontento sa taong ating kasama at itinuturing na asawa.

Source:

Healthline