12 signs na mayroon ng mental health disorder ang bata at hindi lamang simpleng pagiging matigas ang ulo

Alamin ang sintomas ng kondisyon na kung tawagin ay oppositional defiant disorder at ang ipinapakitang sintomas nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Labis na katigasan ng ulo, maaring senyales ng mental disorder sa bata.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga senyales ng mental disorder sa bata.
  • Ano ang oppositional defiant disorder?
  • Mga paraan kung paano malulunasan o maiibsan ang sintomas ng oppositional defiant disorder.

Senyales ng mental disorder sa bata

Matigas ba ang ulo ng iyong anak? Mahirap ba siyang pasunurin at sumasagot sayo? Bagama’t maraming bata ang ganito ang ugali, may mga pagkakataon naman na ang ipinapakita na ugali na ito ng isang bata ay senyales ng mental disorder na. Ito ay ang tinatawag na oppositional defiant disorder.

Ayon sa WebMD, ang oppositional defiant disorder ay isang behavior disorder na kung saan ang isang bata ay nagpapakita ng pattern ng angry o cranky mood.

Pati na ng defiant, combative behavior at vindictiveness sa mga taong nakatataas o nakakatanda sa kaniya. Sa madaling salita ito ay ang pagpapakita ng labis na katigasan ng ulo sa lahat ng bagay mapa-daily routine niya man o mga activities sa loob ng bahay o eskuwelahan.

Ang kondisyon na ito ay madalas na naipapakita ng bata sa kaniyang mga preschool years. Bagama’t maaari rin itong mag-develop bago tumungtong sa teenage years ang isang bata.

Ang mga sintomas ng oppositional defiant disorder sa isang bata ay ang mga sumusunod.

Sintomas ng oppositional defiant disorder o ODD

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hand photo created by freepik – www.freepik.com 

  • Laging galit.
  • Madaling mainis sa mga tao sa kaniyang paligid.
  • May short temper
  • Madalas na sinasadyang inisin o asarin ang ibang tao.
  • Nakikipagtalo sa mga matatanda.
  • Hindi sumusunod sa mga instruction, request o utos ng mga nakakatanda.
  • Isinisisi sa iba ang misbehaviors o pagkakamali niya.
  • Nagpakita ng hindi maganda o hateful behavior ng dalawang beses o higit pa sa nakalipas na 6 na buwan.

Makukumpirma ngang sintomas ito ng naturang kondisyon kung ito ay pasok sa mga sumusunod na criteria.

  • Ipinapakita niya ang behavior na mga nabanggit sa isang tao o sa hindi niya kapatid.
  • Naapektuhan ng mga nabanggit na behavior ang buhay niya sa loob ng bahay at school.
  • Ang ipinakikita niyang behavior ay hindi dulot ng mental health problems tulad ng depression, bipolar disorder o substance use disorder.
  • Ang mga nabanggit na behavior ay ipinakikita niya sa loob ng 6 na buwan.

Masasabi naman na mild ang sintomas ng ODD na nararanasan ng isang bata kung ito ay ipinapakita niya sa isang setting. Ito ay maaaring sa eskuwelahan, trabaho, loob ng bahay at sa kaniyang mga kaibigan.

Moderate naman ito kung ipinapakita ng isang bata ang mga sintomas sa dalawang nabanggit na settings. Severe naman kung ang mga nabanggit na sintomas ay ipinapakita niya sa tatlo o higit pang settings na nabanggit.

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag matigas ang ulo ng bata, makakatulong itong maging successful siya balang araw

Paano mo malalaman kung may mental disorder ang iyong anak?

3 paraan para humaba ang pasensya kapag makulit ang anak

Dahilan ng pagkakaroon ng oppositional defiant disorder

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ang eksaktong dahilan ng oppositional defiant disorder. Subalit sinasabi na ang mga sumusunod ay itinuturing na contributing factors sa pagkakaroon nito.

  • Environment. Ang isang bata na may dysfunctional family o nakakaranas ng parenting problems tulad ng abuse, neglect, inconsistent rules, labis na pagdidisiplina at kulang ng pangangalaga ay mataas ang tiyansang makaranas ng ODD.
  •  Biological. Maaari ring magpataas ng tiyansang makaranas ng oppositional defiant disorder ang isang batang may brain defects o injuries. Sapagkat ang mga ito ay maaaring makaapekto sa functionality ng neurotransmitters ng kaniyang utak na responsable sa communication ng mga nerve cells.
  • Genetics. Ang mga batang may oppositional defiant disorder, madalas ay mayroon kapamilya na nakakaranas din ng nasabing mental illness.

Risk factors ng oppositional defiant disorder

Girl photo created by jcomp – www.freepik.com 

Maliban sa mga nabanggit, mas mataas din ang tiyansang makaranas ng oppositional defiant disorder ang mga sumusunod:

  • Batang lalaki.
  • Batang nakakaranas ng neglect, abuse o lack of supervision.
  • May magulang na nakakaranas ng substance use disorder o mental health. Ang hindi pagkakasundo sa loob ng pamilya ay nagpapataas din ng risk ng pagkakaroon ng oppositional defiant disorder ng isang bata.
  • Batang may problema sa pagre-regulate ng kanilang emosyon at may low tolerance sa kanilang frustration.

Komplikasyong naidudulot ng oppositional defiant disorder

  • Maaari itong makaapekto sa pangaraw-araw na buhay ng isang bata, sa bahay man o sa eskuwelahan.
  • Nagdudulot ito ng low self-esteem sa isang bata.
  • Mas madaling napu-frustrate ang isang bata.
  • Maaaring magpakita ng antisocial behavior ang isang bata.
  • Hirap sa pagkakaroon at pagme-maintin ng relasyon.
  • Problema sa impulse control.
  • Nakakaramdam ng feeling of rejection dahil sa poor social skills at behavior problems.
  • Poor academic performance
  • Substance use disorder o paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
  • Suicide o pagpapakatamay.

Ang mga batang may oppositional defiant disorder ay maaari ring makaranas ng mga sumusunod na mental health problems o disorders:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Anxiety
  • Depression
  • ADHD
  • Learning at communication disorders
  • Learning disabilities
  • Conduct disorders

Kailan dapat magpatingin sa doktor

Kung napapansin mong nagpapakita ng mga nabanggit na sintomas ng ODD ang iyong anak ay mabuting patingnan na siya sa doktor.

Lalo na kung nahihirapan ka ng i-handle ang ugali niya. Makakatulong ang pakikipag-usap sa isang psychologist o behavioral expert para maisaayos ang ugali ng iyong anak.

Tests at diagnosis sa oppositional defiant disorder

Para matukoy kung ang isang bata ay may oppositional defiant disorder, siya ay sasailalim sa physical at psychological evaluation.

Kabilang dito ang evaluation ng kalusugan ng bata, presence ng iba pang mental, communication o learning disorders; frequency o dalas ng behavior at settings o kung saan ipinapakita ng isang bata ang mga behavior na ito.

Treatments o lunas sa oppositional defiant disorder

Food photo created by tirachardz – www.freepik.com 

Para malunasan ang oppositional defiant disorder ang isang bata ay maaring resetahan siya na uminom ng mga gamot lalo na kung ang kaso niya ay iniuugnay sa depression o ADHD.

Para sa mga treatments, ang mga sumusunod ang maaring ibigay o ipagawa sa kaniya:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Parent management training (PMT) na kung saan tuturuan ng positive parenting skills ang mga magulang sa kung paano iha-handle ang nasabing kondisyon.
  • Individual therapy kung saan bibigyan ng tools o tuturuan ang isang bata kung paano ma-express and ma-manage ang kaniyang galit.
  • Family therapy para ma-equip ang mga miyembro ng pamilya ng effective communication tools para ma-improve ang kanilang relationship.
  • Parent-child interaction therapy (PCIT) na kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang parent at child na mag-interact sa isa’t isa.
  • Social skills training na kung saan tuturuan ang isang bata na makipag-socialize sa iba sa mas positibong paraan.
  • Cognitive problem-solving training kung saan tutukuyin ang triggers at thought patterns na nagdudulot ng behavior issues ng bata. Ito ay para matukoy at makaisip ng solusyon para mabawasan ang kaniyang mga ODD-related issues.

Lifestyle at home remedies sa ODD

  • I-praise ang positive behavior ng bata.
  • Maging magandang halimbawa sa iyong anak pagdating sa pagma-manage ng iyong sariling behavior o pag-uugali.
  • Maging consistent sa iyong rules at reasonable consequences.
  • Mag-stick sa routine ng iyong anak.
  • Mag-set ng regular bonding activities kada lingo para mag-build ng positive interaction sa iyong anak.
  • Siguraduhin na consistent ang ipinapakitang behavior o pagtrato sa iyong anak sa ibang settings tulad ng eskuwelahan o kapag kasama niya ang kaniyang mga kaibigan.

Para maisaayos ang pag-uugali ng iyong anak ay malaki ang ginagampanan mong papel bilang magulang niya. Kaya naman marapat lang na bigyan siya ng atensyon at pansin na kaniyang kinakailangan.

Tandaan, sa kaniyang batang edad lahat ng kaniyang nakikita at naririnig ay kaniyang ginagaya. Kaya dapat sa lahat ng oras ikaw ay maging mabuting halimbawa sa kaniya. Ganoon din ang iba pang mga tao o miyembro ng inyong pamilya na pumapalid sa kaniya.

Source:

WebMD

Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa salitang Ingles sa theAsianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement