11 senyales na ikaw ay addicted na sa online shopping

Mahilig mamili o mag-shop online? Baka may online shopping addiction ka na!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang senyales ng compulsive buying disorder o online shopping addiction na maaring iyo ng nararanasan.

Pagkakaroon ng shopping addiction o compulsive buying disorder

Ayon kay Ruth Engs, isang professor at health educator mula sa Indiana University, may mga taong nagkakaroon ng addiction sa pag-shohopping dahil sa nagbibigay ito ng kasiyahan sa kanila. Dahil kapag daw sila ay nakakapag-shopping ay nag-rerelease ng happy hormones ang kanilang utak na endorphins at dopamine.

Image from Freepik

Pero ayon naman sa psychologist na si Elizabeth Hartney, ang shopping addiction ay ang pinaka-socially acceptable na uri ng addiction. Ito ay tinatawag ring compulsive buying disorder o oniomania. Isa ito umanong uri ng behavioral addiction na kung saan ang compulsive buying ay nagiging paraan upang gumanda ang pakiramdam ng isang tao at maiwasan ang negative feelings tulad ng anxiety at depression. Ngunit ang compulsive buying disorder na ito ay may maari ring magdulot ng mga nasabing negative feelings. Lalo na kapag hindi nabili o nasunod ang nasabing adiksyon. Madalas, ayon sa mga eksperto, ito ay nagdudulot rin ng financial distress, loss of control at conflict sa relasyon sa pamilya at mga kaibigan ng mga taong nakakaranas nito.

Online shopping addiction

Ang shopping addiction na ito sa ngayon ay nakikita o naoobserbahan narin sa panibagong paraan. Ito ay sa pamamagitan ng online shopping na mas naging madali sa tulong ng internet at electronic gadgets tulad ng cellphone, tablets at laptop computers.

Ayon sa isang 2015 study, may tatlong factors kung bakit nagiging vulnerable ang isang tao na maging online shopping addict. Ito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

  • Nais nilang bumili ng anonymous o maiwasan ang social interaction.
  • Gusto nilang pumili o makapili sa mas marami at iba’t-ibang klaseng items.
  • Nais nila ang mabilis o instant gratification.

Samantala, narito naman ang mga senyales ng online shopping addiction na ipinapakita ng isang taong nakakaranas nito.

Mga senyales ng online shopping addiction

  1. Hindi mapigilan ang pagbili ng mga items online kahit na sinubukan mo na itong tigilan.
  2. Ang online shopping ay nagdulot na ng masamang epekto sa iyong mga relasyon, trabaho at financial security.
  3. Nababahala na ang iyong mga kaibigan at pamilya sa iyong online shopping habits.
  4. Iniisip mo na laging bumili o mag-shop ng items online.
  5. Nagagalit ka o nalulungkot kapag hindi nakakapag-shopping online.
  6. Itinatago mo ang iyong biniling items online dahil sa takot na isipin ng ibang tao na nag-aksaya ka lang ng pera.
  7. Nakakaramdam ka ng guilt o pagsisisi matapos mag-online shopping.
  8. Narerelax ka o gumaganda ang iyong pakiramdam matapos mag-shopping online.
  9. Nabawasan na ang oras mo sa paggawa ng mga bagay na dati mong kinahihiligan dahil sa online shopping.
  10. Bumibili ka ng mga bagay online kahit hindi mo ito kailangan at afford.
  11. Napapabayaan mo ang iyong mga bayarin dahil nauubos na ang iyong pera sa pag-oonline shopping.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Paano maaalis o malulunasan ang online shopping addiction ng isang tao

Ayon sa mga research, karamihan naman ng mga taong may online shopping addiction ay aminado sa kanilang kondisyon. At ninanais rin nilang ma-solusyonan ito upang maiwasan na ang problema sa kanilang financial health at relationships. Bagamat mahirap may mga paraan naman upang maalis ng isang tao ang kaniyang online shopping addiction. Ang mga paraan na ito ayon sa mga eksperto ay ang sumusunod:

  • Maghanap ng ibang paraan upang ma-enjoy mo ang iyong leisure time. Ito ay maaring sa pamamagitan ng sports o iba pang activity na mag-aalis sa iyong interest na mag-online shopping. Habang pinapagaan rin ang iyong loob at pinapaganda ang iyong pakiramdam.
  • Mas mabuting ilipat o ibigay ang responsibilidad ng pagbili ng mga gamit o pagkain sa bahay sa ibang miyembro ng inyong pamilya. Ito ay upang maiwasan mo ang urge o need na mamili o mag-shopping.
  • Para maiwasan ang impulse buying, mas mabuting itigil ang paggamit ng credit at debit card. At magdala lamang ng tama o maliit na halaga para sa emergency sa tuwing aalis o lalabas ng inyong bahay.
  • Kung mamimili o mag-shoshopping mabuting may kasamang kaibigan o kapamilya na hindi isang compulsive shopper. Ito ay makakatulong upang mapigilan mo ang iyong sarili o mapigilan ka niya sa pagbili ng mga gamit o items na hindi mo naman kailangan.
  • Burahin o uninstall ang mga shopping apps sa iyong cellphone, tablet o laptop.

Sa oras naman na hindi na umubra sa iyo ang mga nabanggit na paraan, mas mabuting makipag-usap na sa isang espesyalista. Dahil may mga counseling at therapy na napatunayang makakatulong upang malunasan ang uri ng addiction na ito na nararanasan ng isang tao.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Very Well Mind, Psychology Today, Psych Guides

Basahin:

Coronavirus: Makukuha ba sa online shopping?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement