Senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks

lead image

Anu-ano ba ang mga senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks? Basahin dito ng importanteng mga kaalaman tungkol sa iyong pagbubuntis

Congratulations sa pagbubuntis, mommy! Nag-aalala o nalilito ka ba sa unang linggo ng iyong pagbubuntis? Heto ang guide sa senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks!

Senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks

Mula sa week 1 hanggang week 2 ng iyong pagbubuntis, sobrang liit pa ng iyong baby. Kung tutuusin, sa panahong ito, hindi pa buo ang embryo ng iyong magiging anak, at hindi ka pa talaga nagbubuntis.

Ngunit pagdating ng ikatlong linggo, mayroon nang nabuong embryo, pero sobrang liit pa rin nito, kasinglaki halos ng ulo ng karayom!

src=https://sg admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/12/2015/09/weekbyweek12 pixlr.jpg Senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks

Development ng iyong sanggol mula 1 hanggang 3 linggo

  • Sa una at pangalawang linggo ay hindi ka pa tunay na nagbubuntis. Sa panahong ito, naghahanda pa lamang ang iyong katawan para sa paparating na embryo.
  • Pagpasok ng ikatlong linggo, nagsisimula nang umakyat ang fertilized na egg cell sa fallopian tube patungo sa iyong sinapupunan.
  • Kapag nakaabot na ito sa iyong sinapupunan, ito ay magiging isang tunay na embryo. Ito ay binubuo ng mahigit 100 na mga cells.
  • Matapos nito, kakabit na ang embryo sa iyong sinapupunan sa prosesong tinatawag na "implantation." Sa susunod na linggo ay lalo pang lalaki ang embryo at dahan-dahan itong mabubuo para maging iyong baby.

src=https://sg admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/12/2015/09/pChart week3 70.jpg Senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks

Pagbubuntis para kay mommy mula 1 hanggang 3 linggo

  • Sa unang dalawang linggo ay naghahanda pa lamang ang iyong katawan sa magaganap na pagbubuntis.
  • Mapapansin mo rin na ang iyong cervical mucus ay magiging mas malabnaw at mas marami habang paparating na ang iyong pagdadalang-tao.
  • Makakarananas ka rin ng spotting, o mga patak ng dugo. Hindi ka dapat dito mabahala, dahil normal lang ito sa mga nagbubuntis. Ang tawag dito ay implantation bleeding.
  • Mararamdaman mo na mas lumalaki ang iyong mga suso na parang namamaga, parang kapag ikaw ay dinadatnan ng iyong buwanang dalaw.
  • Mas magiging matalas rin at mas sensitibo ang iyong pang-amoy. Posibleng hindi mo magustuhan ang amoy ng sarili mong pabango!
  • Isa sa mga senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks ay makakaramdam ka ng mas matinding pagod.
  • May ilang home pregnancy test na magpapakita ng positibong resulta kung magtest ka.

 Pag-aalaga mula 1 hanggang 3 linggo

  • Maganda kung magsimula ka nang uminom ng prenatal vitamins sa panahong ito upang kumpleto ka sa nutrisyon na kailangan mo sa pagbubuntis.
  • Kung ikaw ay umiinom o naninigarilyo, mabuting tigilan mo na ito dahil makakasama ito sa iyong baby.
  • Mahalaga ring uminom ng 400 grams ng folic acid, dahil makakatulong ito sa brain and spinal cord development ng iyong baby.
  • Mabuti ring umiwas sa pag-inom ng kape, dahil baka ito makasama sa iyong fertility.

Checklist sa pagbubuntis

  • Siguraduhin na mayroon kang vaccination para sa rubella at chickenpox. Kadalasan, irerekomenda ito ng doktor mo kung hindi ka pa nabibigyan ng mga bakunang ito.
  • Mabuting maghanap ng doktor na makakatulong sa iyong pagbubuntis. Sila ang magbibigay ng tamang payo tungkol sa pag-aalaga sa iyong sarili at sa iyong baby.
  • Wag mahiyang magtanong sa iyong doktor kapag nagpapatingin. Mabuting alamin lahat ng dapat mong malaman sa iyong pagbubuntis.
  • Kung ikaw ay umiinom ng gamot, ikonsulta muna ito sa doktor upang malaman kung safe ba ito para sa iyong baby.

Source: American Pregnancy Association

Isinalin sa wikang Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/week-by-week-pregnancy-guide-what-happens-when-i-am-1-3-weeks-pregnant/

 

Basahin: Bakit mabilis ang pulso ng isang buntis?