Para sa kahit sinong magulang, nakakatakot ang ma-diagnose ng mali ang sakit ng iyong anak. Kung tutuusin, isa na ito siguro sa mga worst fears ng mga magulang. At ang mga takot na ito ay nagkatotoo para sa mga magulang ng sanggol na si Evie Crandell, na ayon sa mga nurse, ay nilalagnat lang. Ngunit mayroon na pala siyang sepsis sa sanggol, na kaniyang ikinamatay.
Sepsis sa sanggol, na mis-diagnose ng mga nurse
Ayon sa mga magulang ni Evie na sina Samantha McNeice at Phil Crandle, napabayaan raw ng ospital ang kalusugan ng kanilang anak.
Noong nakaraang taon daw ay dinala nila sa Whiston Hospital sa United Kingdom ang kanilang anak na si Evie, dahil matamlay raw ito at napakatindi na ng lagnat. Ngunit ayon sa mga nurse na tumingin sa sanggol, normal na lagnat lang daw ito. Posible raw na may urinary infection ang sanggol, pero hindi raw ito malalang mga sakit.
Sa UK, normal na sa mga nurse ang mag-diagnose ng karamdaman ng mga nagpupunta sa ospital.
Gayunpaman, may hinala ang inang si Samantha na malala ang sakit ng kaniyang anak. Paulit-ulit pa raw niyang tinanong ang mga nurse kung sepsis ba ito o hindi, at sinabi sa kaniyang hindi raw ito sepsis. Dagdag pa ni Samantha, dapat raw ay nagtiwala siya sa kaniyang hinala.
Ayon kay Samantha, alam raw nila ang sintomas ng sakit na sepsis. Kuwento ng ama ni Evie, nakaupo pa raw sila sa isang poster tungkol sa sepsis sa waiting room ng ospital. Parehas raw silang may hinala sa diagnosis ng mga nurse, ngunit pinili nilang magtiwala dahil mga medical professional ang mga ito.
Sabi naman ng mga nurse na tumingin kay Evie, kasalanan raw nila ang maling diagnosis. Nakalimutan daw nilang i-check ang sintomas ng sepsis sa sanggol. Ito raw ang dahilan kung bakit hindi nila na-diagnose ng mabuti ang sanggol.
Dahil lamang sa simpleng pagkakamaling ito, binawian ng buhay ang 15-buwang gulang na sanggol. Sana raw ay mas naging maingat ang mga nurse, at inalagaan ng mabuti ang kanilang nag-iisang anak.
Ano nga ba ang sintomas ng sepsis sa sanggol?
Hindi birong sakit ang sepsis, o impeksyon sa dugo. Hindi lang nga mga sanggol ang naaapektuhan nito, kundi pati ang mga matatanda ay posibleng mamatay dito.
Ang sepsis ay nangyayari kapag nagkaroon ng impeksyon ang isang tao buhat ng immune system ng tao. Kapag nag-overreact ang immune system sa isang simpleng impeksyon, ito ay posibleng maging sepsis.
Heto ang ilang sintomas ng sepsis na dapat alamin ng mga magulang:
- Lubhang mataas na lagnat
- Mataas na heart rate
- Mabilis na paghinga
- Pagkakaroon ng impeksyon
- Pagbawas sa pag-ihi
- Nahihirapang huminga
- Nilalamig
- Kawalan ng malay
- Pagiging matamlay
Kapag mayroong ganitong mga sintomas ang iyong anak, ay huwag mag-atubiling dalhin sila agad sa doktor. Mahalagang maagapan agad ang sepsis upang hindi ito lumala at maging nakamamatay na sakit.
Source: Mirror
Basahin: Simpleng lagnat, sintomas na pala ng rabies!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!