Isang babae mula sa Alicante, Spain ang muntik nang mamatay matapos na magkaroon ng severe allergy sa semilya dulot ng oral sex.
Ayon sa mga doktor na tumingin sa pasyente, nagkaroon ng anaphylactic shock ang babae matapos nitong lunukin ang semilya ng kaniyang partner.
Severe allergy sa semilya
Nagsuka, nagkaroon ng mga pantal sa buong katawan at hindi makahinga nang isugod sa ospital ang 31-taong gulang na babae. Agad na binigyan ng adrenaline, steroids at salbutamol ang babae upang bumukas ang kaniyang airways at makahinga nang maayos.
Tumagal ng anim na oras bago naging stable ang kanyang kondisyon sa ospital at inabot ng isang linggo upang maka-recover nang tuluyan.
Kinausap siya ng kaniyang mga doktor pagkatapos ng pangyayari at sinabi nito sa kanila na siya ay may severe allergy sa gamot na penicillin. Itinanggi niyang uminom siya ng anumang gamot o kumain ng hindi pangkaraniwang pagkain bago ang oral sex nila ng kaniyang partner.
Sa pagsisiyasat ng mga doktor, lumabas na walang anumang rare severe allergy sa semilya ang babae dahil hindi ito nangyari sa kanya sa mga past sexual partners niya noon.
Napag-alaman ng mga doktor na ang kanyang partner ang uminom ng gamot na amoxicillin-clavulanic acid, na isang form ng penicillin, upang gamutin ang kanyang ear infection bago sila magsiping ng babae.
Suspetsa ng mga doktor sa Hospital General Universitari d’Alacant na nagkaroon ng severe allergy sa semilya ang babae sa pamamagitan ng seminal transfer ng amoxicillin.
Panganib ng oral sex
Ito ang kauna-unahang kaso ng seminal transfer ng isang substance na dahilan ng anaphylaxis na naitala sa British Medical Journal Case Report.
“This is the first case reported of a suspicion of amoxicillin-induced anaphylaxis in a woman after a sexual contact with a man who was taking the drug.” sabi ni Susana Almenara, may-akda ng report.
Hinihimok rin niya ang mga taong may severe allergy sa mga gamot na mag-ingat sa mga panganib na dala ng seminal transfer ng substance at gumamit ng proteksyon sa pakikipagtalik.
“We think that as clinicians it is important to be aware of this phenomenon so was to inform and prevent potentially serious reactions in sensitized patients. We also recommend condom use during treatment with drugs that can induce hypersensitivity responses in partners,” sabi ni Almenara.
Source: Daily Mail, British Medical Journal Case Report
Images: Shutterstock
BASAHIN: 8 pagkakamali na dapat iwasan ng mga mister pagdating sa oral sex
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!