8 pagkakamali na dapat iwasan ng mga mister pagdating sa oral sex

8 pagkakamali na dapat iwasan ng mga mister pagdating sa oral sex

Mahalagang iwasan amg mga pagkakamali sa oral sex na ito upang masigurado ng mga mister na satisfied sa kama ang kanilang mga misis.

Ang pagbibigay ng oral sex ay isa sa mga bagay na nakakadagdag sa intimacy ng mga mag-asawa. Siyempre, dahil kakaiba ang ganitong sensation kumpara sa penetrative sex, at mas intimate nga naman ang oral sex.

Bagama't masarap ang oral sex, posible ring mayroong magawang mga pagkakamali tungkol dito. Heto ang ilang mga tips para sa mga mister upang masiguradong komportable, nasasarapan, at maligaya ang kanilang asawa sa oral sex.

Pagkakamali sa oral sex na dapat iwasan ng mga mister
1. Pagiging masyadong agresibo

Hindi kailangan na masyadong madiin ang pagbibigay ng oral sex. Dapat ay dahan-dahan lang, at huwag masyadong marahas. Ito ay dahil sensitibong bahagi ng katawan ang vagina, at kapag masyadong madiin ay magiging masakit ito para sa iyong misis.

2. Hindi iniisip kung komportable ang babae

Mahalaga rin na komportable ang iyong misis habang binibigyan mo siya ng oral sex. Siyempre, hindi rin siya masasarapan kung hindi maganda ang kaniyang puwesto, o kaya ay nangangalay siya sa kaniyang posisyon.

3. Kapag walang "technique"

Hindi basta-basta ang pagbibigay ng oral sex, lalo na sa mga babae. Dapat ay mayroon kang technique at hindi mo lang basta didilaan. Nakakatulong na kausapin mo ang iyong misis upang malaman kung saan ang magandang posisyon, kung gaano kadiin, at kung gaano kabilis.

4. Hindi iniisip ang partner

Para sa ibang mga lalake, nakakalimutan nila na ang oral sex ay para sa kanilang mga asawa at hindi sa kanila. Hindi ito ang panahon para sumubok ng kung anu-anong mga tips o tricks, lalo na kung hindi alam ng iyong misis ang iyong gagawin. Huwag mo biglang ipasok ang iyong daliri kung hindi aware ang iyong misis, at mahalagang makipag-communicate ka sa kaniya.

5. Masyadong excited na magbigay ng oral sex

May mga pagkakataon na siguro ayaw ng misis mo na bigyan mo siya ng oral sex. Kapag sinabi niya ito sa iyo ay mahalagang makinig ka. Bagama't masarap ang oral sex, may mga pagkakataon na gusto rin ng misis mo ng regular sex, o kaya ikaw naman ang bibigyan niya ng oral sex. 

Tanungin mo muna si misis kung puwede mo ba itong gawin, at huwag mo itong biglang gawin ng hindi nagpapaalam.

6. Pagmamadali

Hindi mo dapat kailangan magmadali kapag nagbibigay ng oral sex. Sa average, inaabot ng 20 minutes ang mga babae bago sila mag-climax. Ang mga lalake naman ay nasa 7.5 minutes lamang.

Ibig sabihin, mas kinakailangan mong magbigay ng effort, at habaan ang iyong pasensiya kung matagal mag-climax si misis.

7. Kapaag ginagawa ang "A, B, C tip"

Siguro ay nabasa niyo ito sa isang website, o kaya napanood sa isang movie. Ang "A, B, C" na tip ay isang technique kung saan gagayahin mo ang hugis ng alphabet gamit ang iyong dila habang binibigyan ng oral sex ang iyong asawa.

Para sa maraming babae, hindi ito effective dahil iba-iba ang mga zones ng mga babae. Mahalagang alamin mo kung anong method mas nasasarapan ang iyong misis, at ito ang iyong subukan.

8. Pag-iisip na kailangang mag-climax ng babae

May mga pagkakataon na hindi naman kinakailangan na mag-climax ng iyong misis. Oo, masarap ang magkaroon ng orgasm, pero minsan masarap rin ang binibigyan ng oral sex. Huwag ito masyadong isipin, at mas mahalaga na nasasarapan ang iyong misis sa iyong ginagawa.

 

Source: Men's Health

Basahin: 5 sex positions upang magkaroon ng multiple orgasms

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner