5 sex positions upang magkaroon ng multiple orgasms

lead image

Para sa mga kababaihan, tunay na kakaibang experience ang pagkakaroon ng multiple orgasms. At posible itong magawa gamit ang mga positions na ito.

Pagdating sa sex, ang pagkakaroon ng multiple orgasms ay isa sa pinakamasarap na sensations para sa mga babae. At ayon sa mga survey, nasa 47% ng mga kababaihan ang nakararanas nito.

Madalas ay kusa lamang itong nangyayari sa mga babae. Ngunit alam niyo ba na mayroong mga sex positions na makakatulong para makaranas ng multiple orgasm ang isang babae.

Kung nais mong maranasan ito, o kaya ay hindi mo pa ito na-experience kahit kailan, subukan ninyo ni mister ang 5 positions na ito.

Sex positions para magkaroon ng multiple orgasms

1. Arc de Triomphe

Sa position na ito, ang iyong mister ay nakahiga sa kama, habang ikaw naman ay nasa taas, at nakadapa. Bibigyan ka ni mister ng oral sex, at sa ganitong posisyon at puwede kang gumalaw at mag-adjust upang mas makuha ni mister ang iyong kiliti. 

Epektibo ang posisyon na ito dahil nakokontrol mo kung saan ang sensation, at madali mong mai-guide si mister para magkaroon ka ng multiple orgasm. 

2. Tease, Please

Sa Tease, Please na position, doble ang gagawin sa iyong stimulation ni mister. Habang nakahiga ka sa dulo kama, ay nakatayo ang iyong mister, at dito siya papasok. Bukod sa pagpasok ng ari ni mister, puwede mo rin i-stimulate ang iyong clitoris, o kaya ay si mister ang gagawa nito para sa iyo.

Ang dagdag na stimulation sa clitoris ay nakakatulong para mas mabilis at explosive ang iyong mararanasan na orgasm.

3. Flying V

Isa ring oral sex position ang Flying V. Ito ay dahil mas madaling magkaroon ng multiple orgasms ang mga babae kapag sa vaginal stimulation.

Upang gawin ang position na ito, nakahiga ka dapat sa gilid ng kama, habang ang iyong mister naman ay nakaluhod at binibigyan ka ng oral sex. Puwede niyang i-stimulate ang iyong nipples, at puwede rin kayo magtransition patungo sa Tease, Please na position mula sa Flying V. Kaya isa ito sa pinaka-epektibong positions pagdating sa pagbibigay ng multiple orgasms.

4. The Rag Doll

Sa ganitong position, nakatagilid ka sa kama, habang papasok si mister mula sa likod mo. Ang kinaganda ng Rag Doll ay madaling maabot ni mister ang iyong clitoris, at dahil sa likod ang kaniyang pasok, mas malalim ang kaniyang naaabot.

5. Bump and Grind

Sa Bump and Grind na position, naka puwesto kayong mag-asawa tulad ng sa missionary. Ang pinagkaiba lamang ay sa halip na si mister ang gagalaw, ikaw naman ang gagalaw habang nakahiga.

Epektibo ang posisyon na ito dahil may kontrol ka sa bilis, posisyon, at lalim ni mister. Kaya't mapapadali ang iyong pagkakaroon ng multiple orgasms.

 

Source: Cosmopolitan

Basahin: 6 different types of female orgasms for the ultimate sensual experience

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner