Alam niyo ba na mayroon ding mga sexual New Year's resolutions?

Ang mga tips para sa sex na ito ay makakatulong upang maging mas mabuti ang inyong pagsasama, at makakadagdag sa intimacy ninyong dalawa

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa simula ng bagong taon, ay uso na sa mga tao ang gumagawa ng New Year’s resolutions. Madalas ito ay mga bagay na gusto nilang iwasan, o kaya baguhin sa kanilang mga buhay. Ngunit alam niyo ba na mayroon ding tinatawag na sexual New Year’s resolutions na makakatulong upang baguhin ang sex habits ng mga mag-asawa.

Ating alamin kung anu-ano ang mga sexual New Year’s resolution at mga sex habits na ito.

Mga sex habits na dapat maging bahagi ng New Year’s resolution

Huwag mag-fake ng orgasms

Kung madalas kang mag-fake ng orgasms upang isipin ng asawa mo na ikaw ay nasasatisfy niya, hindi ito tama. Isa itong uri ng panlilinlang, at hindi ito makakabuti sa iyo, at pati na rin sa iyong asawa.

Mas maganda kung maging honest ka sa iyong asawa kapag kayo ay nagsesex. Ipaalam mo sa kaniya kung paano mo siya gustong gumalaw, kung anu-anong mga positions ang gusto mo, at paano ka niya masa-satisfy.

Importante ang communication sa sex, at mas mabuti nang maging honest sa iyong asawa kaysa palagi ka na lamang nagsisinungaling, at hindi ka rin nasasarapan sa sex.

Iwasang maging selfish

Masarap makipagsex, ngunit kailangan mong tandaan na hindi lamang ikaw ang dapat masarapan dito. Mas magiging maganda ang inyong pagsasama kapag sa halip na sarili mong sarap ang iyong isipin, ay mag focus ka sa pagbibigay ng ligaya sa iyong asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi mabuti ang pagiging selfish sa kama dahil posibleng mawalan ng interes sa sex ang iyong asawa. Kapag palagi na lang siyang nabibitin o kaya hindi natutuwa, hindi ito magiging magandang experience para sa inyong dalawa. Iwasan ang pagiging selfish, at gawin ang lahat ng iyong makakaya upang maging mas enjoyable ang sex life ninyong dalawa.

Huwag pilitin ang iyong asawa na makipag-sex kung ayaw niya

May mga pagkakaton din na gusto mong makipag-sex, ngunit pagod o hindi interesado ang iyong asawa. Sa mga ganitong pagkakataon, huwag mong pilitin ang iyong asawa na makipag-sex.

Kailangang parehas ninyong gusto, at hindi lang napipilitan ang isa sa inyo. Ngunit kung napapansin mo na tila palaging tumatanggi sa sex ang iyong asawa, baka mayroon kayong kinakailangang pag-usapan sa inyong relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baka hindi na siya interesado sa iyo, o kaya baka hindi na katulad ng dati ang kaniyang sex drive. Kailangan na open kayo ng iyong asawa sa ganitong mga usapin, at huwag kayong mahiya o kaya matakot na harapin ang ganitong mga problema.

Huwag kalimutan ang intimacy

Mahalagang-mahalaga ang intimacy sa mga mag-asawa. Bukod sa mismong pakikipagsex, nakakatulong ang pagiging intimate sa isa’t-isa upang mapabuti ang inyong relasyon.

Hindi lang limitado sa sex ang intimacy. Ang pakikipag-usap, pagiging malapit sa isa’t-isa, pagiging maunawain, ay ilang mga bagay na nakakadagdag sa intimacy ng mag-asawa. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tandaan, hiwalay ang pagiging intimate sa sex. Mas mahalaga sa mga mag-asawa ang pagkakaroon ng intimacy bago ang sex, dahil sa intimacy nabubuo ang inyong samahan, at ito ang bumubuhay sa pagmamahalan ninyong dalawa.

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Psychology Today

Basahin: Nakapikit ba ang iyong mga mata habang nakikipagsex sa iyong asawa?

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara