May kasabihan na ang mga mata ay ang “windows to the soul” o ang nakakapagsabi ng tunay nating nararamdaman. At totoong-totoo na mahalaga ang ating mga mata pagdating sa pagpapahiwating ng ating nararamdaman. Ngunit alam niyo ba na dito rin malalaman kung maayos pa ba ang intimacy ng mag-asawa?
Mahalaga ang eye contact sa iyong asawa
Ito ay dahil mahalaga ang eye contact habang nakikipagtalik. Ang eye contact ay isang paraan upang makipag-communicate sa iyong asawa, at dito mo rin napaparamdam ang iyong pagmamahal at pagkagusto sa kaniya habang kayo ay nagsesex.
Iba-iba ang dahilan ng mga tao kung bakit minsan ay nakapikit sila habang nakikipagtalik sa kanilang asawa. Minsan, ginagawa ito ng iba upang ma-heighten ang sensation. Ang iba naman ay nasanay lang na ganito ang ginagawa habang nakikipagsex. Kaya’t papikit-pikit sila kapag nakikipagsex sa kanilang asawa.
Pero mayroon pa itong isang ibig sabihin. May mga pagkakataon na kapag nakapikit ang iyong mata habang nakikipagsex, ay may kakulangan kayo sa intimacy ng iyong asawa. May mga tao rin na pumipikit habang nakikipagsex dahil ibang tao ang kanilang iniisip, at hindi ang kanilang asawa. Posible rin na ayaw kasi nilang tingnan ang kanilang asawa kaya nila ito nagagawa.
Hindi naman laging masama ang ibig sabihin kapag nakapikit
Ngunit hindi naman palaging masama ang nakapikit ang mata habang nakikipagsex. mayroong mga pagkakataon kung saan nagiging mas exciting ang sex kapag ikaw ay nakapikit. Mayroon pa ngang ibang nagsusuot ng mga blindfold upang makadagdag sa sensation ng sex.
Ang iba naman ay napapapikit kapag sila ay nagkaroon ng orgasm, o kaya kapag nasasarapan sila sa sex.
Kaya’t mahalaga rin na tanungin mo ang iyong sarili, “bakit nga ba ako napapapikit kapag nakikipagsex?”
Kung ang sagot mo dito ay dahil hindi mo gustong nakikita ang iyong asawa, o kaya ibang tao ang iyong iniisip habang nakikipagsex, mabuting makipag-usap sa iyong asawa tungkol dito. Posibleng mayroong problema ang inyong intimacy.
Intimacy ng mag-asawa, paano mapapabuti?
Mahalaga ang intimacy sa buhay ng mag-asawa. Ito ang nagbibigay buhay sa kanilang pagsasama, at pinapanatili nitong mainit ang pagmamahalan.
Ngunit mayroong mga pagkakataon na nawawala ang intimacy ng mga mag-asawa. Sa mga ganitong pagkakataon, importanteng ayusin ng mga mag-asawa ang kanilang relasyon, dahil kapag pinabayaan lamang nila ito, lalo lang itong ikakasira ng kanilang pagsasama.
Heto ang ilang mga tips na makakatulong upang manumbalik ang intimacy ng mag-asawa:
- Maglaan ng oras para sa inyong dalawa, na kayo lamang ang magkasama.
- Huwag palaging pag-usapan ang mga problema, o kaya palaging poot at galit ang pagtuunan ng pansin.
- Mag-usap tungkol sa mga gusto at hindi ninyo gusto sa isa’t-isa, lalo na sa sex.
- Gawing prayoridad ang emotional intimacy, hindi lang physical.
- Huwag kalimutang i-compliment ang iyong asawa.
- Mahalaga ang sex sa inyong samahan. Huwag itong balewalain.
- Magbakasyon paminsan, o kaya ay mag 2nd honeymoon kayo.
Source: Psychology Today
Basahin: Gaano ba talaga kadalas mag-sex ang mga mag-asawa?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!