Hindi maikakaila na mahalaga ang sex sa buhay ng mga mag-asawa. Kaya mahalagang umiwas ang mga mag-asawa sa mga sex mistakes na posibleng makaapekto sa kanilang sex life.
Sa ganitong paraan, magiging mas masaya ang sex life ninyong mag-asawa, at hindi makakaiwas kayo sa mga problema pagdating sa sex.
6 sex mistakes na dapat iwasan ng mga babae
1. Hindi ka nag-aaya na makipag-sex sa iyong asawa
Sa panahon ngayon, hindi na uso ang lalaki ang palaging nag-aaya ng sex sa kanilang mga asawa. Kung gusto mong makipag-sex sa iyong asawa, mahalagang sabihin mo ito sa kaniya at ipaalam na gusto mo.
Ito ay upang maramdaman ng iyong asawa na gusto mo rin siya, at hindi lang siya palagi ang naghahanap ng sex.
2. Masyadong pag-aalala sa iyong hitsura
Ang pagkakaroon ng negatibong self-image ay isang malaking problemang kinakaharap ng maraming kababaihan. Hindi lang ito nakakababa ng self-esteem, nakakaapekto rin ito sa inyong sex life.
Ito ay dahil baka masyado kang maging conscious sa iyong panlabas na anyo, at hindi ka na komportable kapag nakikipagsex sa iyong asawa.
Mahalagang maging komportable sa iyong katawan at hitsura upang mas ma-enjoy ninyong dalawa ang sex.
3. Iniisip na wala lang ang sex sa mga lalaki
Importante ang sex sa mga lalaki, pero hindi lamang para sa pleasure. Totoo man na mayroong mga lalaki na binabalewala lamang ang sex, marami ring mga lalaki ang pinahahalagahan ito at importante ito sa kanila upang magkaroon ng intimacy sa kanilang mga asawa.
Kaya’t mahalagang tandaan ng mga babae na hindi basta-basta ang sex para sa kanilang mga asawa.
4. Pag-aakalang palaging gustong makipag-sex ng iyong asawa
May mga pagkakataon rin naman na ang mga lalaki ay umaayaw sa sex. Posibleng pagod sila, wala sa mood, o kaya ayaw lang talaga nilang makipag-sex.
Hindi totoo ang stereotype na lahat ng lalaki ay ready na makipag-sex kahit kailan.
5. Hindi paggabay sa iyong asawa sa mga gusto mo sa kama
Mahalaga rin na i-communicate mo ang iyong mga sexual needs kapag kayo ay nagsesex. Mahirap na huhulaan lamang ng iyong asawa kung ano ang gusto mong sex position, o kaya kung gaano kabilis mo gusto.
Importanteng ipaalam mo sa iyong asawa kung saan ka nasasarapan, ano ang exciting para sa iyo, at kung ano ang magagawa niya upang maging mas masaya ang inyong pakikipagtalik.
6. Nagagalit kapag may bagong gustong subukan ang iyong asawa
Importante rin ang pagiging open-minded pagdating sa sex. Kung sakaling may gustong subukan na sex position ang iyong asawa, hindi naman masamang subukan ito upang malaman kung okay ba sa’yo ang ganitong position.
Ito ay upang magkaroon ng excitement ang inyong sex life at hindi maging boring ang inyong samahan.
Source: Web MD
Basahin: May epekto ba sa sex life ang paggamit ng IUD?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!