Shaira Diaz ga-graduate na sa college. Aktres naging emosyonal habang kinukunan ng kaniyang graduation photo.
Mababasa dito ang sumusunod:
Shaira Diaz sa nalalapit niyang pag-graduate sa college
Larawan mula sa Instagram account ni Shaira Diaz
Masayang ibinahagi ng aktres at TV host na si Shaira Diaz na nalalapit na siyang magtapos sa college. Sa isa ngang Instagram post ay ibinahagi ni Shaira kung paano siya naging emosyonal habang kinukunan ng kaniyang graduation picture. Ayon kay Shaira, napakahalaga nito para sa kaniya. At tanging mga malalapit niyang kaibigan at pamilya ang makakaintindi sa kaniyang nadarama. Ang aktres labis ang kasiyahan na sa wakas ay nagbunga na ang mga paghihirap niya at siya ay magtatapos na sa kolehiyo.
“A year ago.. From reel to real! I can’t help but feel emotional during our graduation pictorial today. Yung mga kaibigan at pamilya ko, alam nila kung gaano kahalaga sakin tong moment na to. Thank you po, Lord! 🙏🏻 sa wakas.. 😭❤️”
Ito ang caption ng post ni Shaira.
View this post on Instagram
Pagbabahagi pa niya, sa parehong araw noong nakaraang taon ay nagpakuha rin siya ng graduation picture. Ito ay para naman sa isang segment ng Unang Hirit. Hindi niya akalain na parehong araw ngayong taon ay kukunan rin siya ng graduation picture. Pero ngayon ay totoo na at hindi lang palabas sa TV. Kaya naman ang aktres, from reel to real talaga na ga-graduate na.
Relasyon ni Shaira Diaz at EA Guzman
Larawan mula sa Instagram account ni Shaira Diaz
Samantala, matapos ang graduation niya sa kolehiyo, ang isang bagay na inaabangan ng marami ay ang pagpapakasal nila ng aktor na si EA Guzman. Matatandaang kamakailan lang ibinahagi ng dalawa na sila ay engaged na. Bagamat ang katotohanan ay 2021 pa sila engaged, pero si EA nirespeto ang hiling ni Shaira na tapusin muna ang kaniyang pag-aaral.
“Gusto talaga niya makatapos paga-aral which binibigay ko naman sa kanya ‘yun. And next year, aayusin pa namin ang lahat, gusto namin maayos ang lahat, so 2026 is the target year sa wedding po naming.”
Ito ang sabi pa ni EA sa isang panayam.
Larawan mula sa Facebook account ni Shaira Diaz
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!