KC Concepcion to mom Sharon: “Like I always tell you mama, tho I’m not perfect, everything I do is for you.♥️”

Sharon may maikli pero sweet na mensahe sa kaniyang panganay na anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sharon Cuneta suportado ang pelikula ng anak na si KC Concepcion. Wala nga bang gusot sa relasyon nilang dalawa?

Mababasa dito ang sumusunod:

Pagsuporta ni Sharon Cuneta sa anak niyang si KC Concepcion

Larawan mula sa Facebook account ni Sharon Cuneta

Nagpakita ng pagsuporta ang megastar na si Sharon Cuneta sa bagong pelikula ng anak niyang si KC Concepcion. Ito ay ginawa ni Sharon sa Instagram na nagpasaya sa maraming sumusubaybay sa kaniya at sa anak niyang si KC.

“America! My first-born is starring in her first Hollywood movie and I hope you can watch it! ??? @kristinaconcepcion God be with you anak. Please take care of yourself.❤️”

Ito ang caption ng post ni Sharon na kung saan tampok ang bagong pelikula ni KC.

Si KC agad namang nag-reply sa post na ito ng ina. Ayon sa kaniya, lahat ng kaniyang tagumpay at ginagawa ay para rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Like I always tell you mama, tho I’m not perfect, everything I do is for you.♥️”

Ito ang sabi ni KC.

Relasyon ni Sharon at anak niyang si KC

Larawan mula sa Facebook account ni Sharon Cuneta

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ang natuwa sa tinuran na ito ng mag-ina dahil patunay ito na wala ngang problema sa pagitan nila. Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay naging usap-usapan ang pag-unfollow ni KC sa stepdad niyang si Kiko Pangilinan at sa stepsister niyang si Frankie. Ayon kay KC, ginawa niya ito para sa kaniyang peace of mind.

Sinundan ito ng pagpost ni Sharon tungkol sa kung gaano siya ka-proud sa anak niyang si Frankie na hindi daw sakit ng ulo at marunong rumespeto. Ang mga netizens nag-react sa post na ito ni Sharon na tila patama daw sa anak niyang si KC. Habang ang iba naman sinabing dapat maging sensitive si Sharon sa mga binibitiwan niyang salita lalo pa’t may isa siyang anak na naiwang mag-isa. Ito ay walang iba kung hindi si KC na nag-iisang anak ng mga magulang niya na ngayon ay may kaniya-kaniya ng pamilya.

Larawan mula sa Facebook account ni Sharon Cuneta

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement