Sharon Cuneta nagsalita na sa pag-unfollow ni KC Concepcion kay Kiko at Frankie Pangilinan. Ayon sa Megastar, ito ay isang family matter na mas mabuting manatili nalang sa loob ng kanilang pamiya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Relasyon ni Sharon Cuneta at anak na si KC Concepcion.
- Mensahe ni Sharon kay KC.
Relasyon ni Sharon Cuneta at anak na si KC Concepcion
Nitong mga nakaraang linggo ay naging usap-usapan ang tila bangayan na naman sa pagitan ng mag-inang si Sharon Cuneta at KC Concepcion. Si KC umaming inunfollow nga ang stepdad at stepsister niyang si Kiko at Frankie Pangilinan. Ito daw ay para sa kaniyang peace of mind. Si Sharon nagsalita narin tungkol dito at sinabing ito ay isang “family matter” na dapat ay manatili na lamang sa loob ng kanilang pamilya.
Kwento pa niya sa isang panayam ay masakit sa kaniya kung anumang nangyayari sa kanilang pamilya. Lalo na ang pagiging mag-isa ng anak niyang si KC na choice din naman daw nito.
“When she mentions she’s alone, I feel bad because it was her choice. Our home has always included her.”
Ito ang sabi pa ng Megastar.
Pagpapatuloy pa niya, kung may magandang nangyayari sa buhay ng anak niyang si KC ngayon, ito ay ang pagiging malapit nila ng ama niyang si Gabby Concepcion. Pero hindi naman daw siya nagkulang sa anak, lalo na ng mga panahong mag-isa niyang itinataguyod ito.
“She’s close to her papa now, and that makes me happy because they lost so many years together. But I hope no one forgets all the sacrifices I made when I was raising her, because it wasn’t easy. I have to trust in the way that I raised my daughter.”
Ito ang sabi pa ni Sharon.
Mensahe ni Sharon kay KC
Dagdag pa niya, anuman ang mangyari mahal at susuportahan niya si KC. Dahil sa ito ay anak niya at walang makakapagbago ng katotohanang ito.
“Whatever it is, I will always support my daughter. I will always love her.”
Ito ang sabi pa ng Megastar.