Sharon Cuneta sa anak na si KC: "Sorry, we couldn't give you that complete family. But you have two families that love you.

KC sinabing fairy tale come true ang muling pagsasama ng mga magulang niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sharon Cuneta says sorry to daughter KC Concepcion. Sharon at Gabby fans labis na natuwa hindi lang sa reunion ng dalawa ganoon din ng makasama nila ang anak nilang si KC.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Sharon Cuneta says sorry to KC Concepcion.
  • Reaksyon ni KC sa muling pagsasama ng kaniyang ama at ina.

Sharon Cuneta says sorry to KC Concepcion

Larawan mula sa Facebook account ni KC Concepcion

Marami ang natuwa sa naging muling pagsasama ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Ito ay naganap sa naging concert nilang dalawa na pinamagatang “Dear Heart” sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong October 27, 2023. Ang mga fans hindi lang basta pinakilig ni Sharon at Gabby sa naging concert nila. Marami rin ang tumulo ang luha ng makasama na ng dalawa ang anak nilang si KC sa stage.

Si Sharon tinawag si KC sa stage dahil sa may kanta umano itong alay para sa anak.

"Usually this song is a love song for weddings, for someone you love. Tonight, I will sing it for my eldest daughter. And I have four children. I do not have three. I have four.”

Ito ang sabi ni Sharon na tumutukoy sa kantang “Ikaw”.

Pagpapatuloy pa ne Sharon, ang anak na si KC ang kumumpleto ng buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni KC Concepcion

"The first child to come and make me feel like a mother was this not-so-little girl beside me. She made my life complete.”

Habang sinasabi ang mga salitang ito ay naiyak na si Sharon. Pero ang pagtulo ng luha niya ay hindi naging dahilan para humingi ng patawad sa anak.

"Sorry, we couldn't give you that complete family. But you have two families that love you. But Papa and I we never stopped loving you. You were never the problem."

Ito ang sabi ni Sharon.

Si Gabby to the rescue naman kay Sharon at inabutan ito ng tissue bilang pamunas sa luha nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ni KC sa muling pagsasama ng kaniyang ama at ina

Larawan mula sa Instagram account ni KC Concepcion

Si KC kitang-kita sa mukha ang saya sa muling pagsasama ng kaniyang mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Grabe para naman akong nasa isang panaginip."

Ito ang sabi ni KC sa concert ng kaniyang ama’t ina.

Sa Instagram ay naglabas rin si KC ng reaskyon sa naging concert ng kaniyang ama at ina. Ito ang sabi ni KC na talagang inenjoy daw ang bawat segundo na makitang magkasama ang mga magulang niya.

“Last night was a fairytale come true… Thank you Lord sa pagkakataong ito na maexperience ang once-in-a-lifetime reunion ni Mama and Papa… Along with 25,000 of you live at the arena! ???”

“Sorry for not sharing live updates last night ? I savored every second of the night that will forever be etched in my #DearHeart .Thank you all for your love!”

Ito ang caption ng IG post ni KC kung saan makikita silang tatlo ng kaniyang mga magulang na sina Sharon at Gabby sa concert stage.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement