Sharon Cuneta ibinahagi kung paano pinapahalagahan ang kaniyang mga yaya

Narito kung paano itrato ng isang Megastar ang mga kasambahay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sharon Cuneta yaya ibinida ng aktres sa isa niyang Instagram post. Ilang netizens hindi nagustuhan at nag-react sa ginawa ng aktres.

Image screenshot from Sharon Cuneta’s Instagram account

Sharon Cuneta yaya

Sa isang Instagram post ay masayang ipinakilala ni Sharon Cuneta ang larawan ng mga yaya na nag-aalaga sa kaniya at kaniyang mga anak. At ang mga ito ay magiliw niyang tinawag na “yaya” bago ang kanilang mga pangalan.

Sa larawan ay makikita ang dalawa sa mga Sharon Cuneta yaya na nakasuot ng kanilang uniform habang ang dalawa naman ay nakasuot lang ng plain black T-shirt.

Ang larawan ay tila kuha sa isang restaurant na kung saan sama-samang kumakain ang mga yaya sa isang mesa.

Sa caption ng kaniyang post ay ito ang sinabi ng aktres.

“Kakie’s Yaya Irish, my Yaya Hanzel, and KC’s assistants Puff (Vilma) and Belle!💖💖💖🎂”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagamat walang masamang intensyon ang aktres sa pag-popost ng litrato ng kaniyang mga yaya, may isang netizen ang hindi ito nagustuhan at hindi napigilang ibahagi ang kaniyang sentimyento sa pagsusuot ng uniform ng mga yaya.

Image screenshot from Sharon Cuneta’s Instagram account

May isang netizen rin ang nagsabing, mukhang hindi daw maganda sa pandinig ang salitang yaya. At nag-rekumenda pa ng mas magandang tawag sa mga ito para sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from Sharon Cuneta’s Instagram account

Pagtrato ng Megastar at kaniyang pamilya sa mga yaya nila

Hindi naman binalewala ng Megastar ang mga komento ng kaniyang followers at agad na ipinaliwanag ang kaniyang side sa kinunang litrato.

Una ay humingi ng tawad si Sharon Cuneta kung naging negatibo man para sa mga ito ang post niya at ipinaliwanag na mali ang kung anumang iniisip nila.

Kasama sila sa mga byahe ng pamilya abroad

Ito ang pahayag ni Sharon Cuneta:

“I’m so sorry you think that way. I guess if I have to explain it to you pa, that means you won’t understand.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When not in the Philippines – and I have taken one to four yayas abroad – and when I say abroad, I mean places like Hong Kong, Bangkok, Chiang Mai, and beach cities in Thailand, Ho Chi Minh in Vietnam, Tokyo, Osaka (including Universal Studios and Disneyland), Los Angeles, Las Vegas, San Francisco, New York, Boston, Washington D.C., Florida (including Disneyworld), Paris (including Disneyland), London, Milan, Rome, Florence, Vienna, Zurich, etc.,”

May personal allowance sila at freedom na suotin ang gusto nila

Hindi nga lang daw basta sinasama ng Megastar at kaniyang pamilya ang kanilang yaya sa kanilang mga trip abroad. Mayroon din daw personal allowance ang mga ito sa kada trip na puwede nilang gastusin o i-save.

Sa mga trip na ito ay hindi narin daw sila pinapasuot ng uniform. Dahil mayroon naman daw freedom ang kanilang yaya na pumili ng gusto nilang suoting damit.

“They do not have to wear uniforms but whatever clothes they wear, and whatever shirts or jackets and souvenirs I buy for them, and the few hundred dollars EACH that I gift them with for their personal allowance to spend or to save.”

“Whatever they decide – and where they eat together with us the same food our family eats, free tickets to some of the best seats at Broadway shows in New York that even my management team envies, and where my Yayas are treated like family. Not a bad exchange for giving me and my family some decent representation in The Philippines, I think.😊”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa hiwalay na post ay sinabi rin ni Sharon Cuneta na mas mabuting tanungin ang kaniyang mga yaya kung paano sila tinatrato kaysa tingnan ang uniform na sinusuot nila.

Maybe those who find it not nice that out yayas wear uniforms in public should meet them somehow and ask them how they are treated by me!”

Kahulugan ng yaya para kay Sharon Cuneta

Ipinaliwanag niya rin na ang pagtawag ng yaya sa kaniyang mga kasambahay ay hindi para hamakin sila. Kung hindi isa itong paraan upang maiparamdam niya at ng kaniyang pamilya ang pagmamahal nila sa mga ito.

“Yaya” to us is an affectionate term, which is why even our cook and lavandera and all-around helpers are called “yaya.” Mahirap naman to call my yaya “Guardian Hanzel!” Hahaha!😊

Dagdag pa ng Megastar hindi lang daw ang mga yaya niya ang nakakatanggap ng perks tulad ng free travel sa ibang bansa, Kahit daw ang kaniyang 30 plus years na driver ay naisasama rin sa mga byahe nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“At pati pala ang loyal driver ko of 30 plus years na si Nelson whom I fondly call “Dodong” – kasama siya sa lahat ng places na sinabi ko sa U.S. at Europe but not anywhere in Asia except yata when I had a concert in HK? Astig yan si “Dudung” ko! Hahaha! Minsan pag mahal ang restaurant na kinakainan namin, niloloko ko sinasabi ko sa waiter sya ang magbabayad!”

Reaksyon ng mga netizens

Sinuportahan naman ng ilang netizens ang pahayag ng Megastar at sinabing saludo sila sa mga yaya.

They might wear uniform but they make more money than anybody else . Gusto ninyo mag gastos pa sila damit araw araw e di lagay nalang sa bulsa nila. Uniform save time and money 💰”

“Kasi you look at being yayas or helpers as lowly jobs. Uniform does not make a person. Yayas and house helpers are sometimes more blessed than most of the ordinary employees because almost everything is free for them: board, lodging etc kaya sahod nila ay naiipon. Maraming yaya ang may lupa back in their own provinces. So, why can’t they wear their uniform with pride?”

 

Source:Inquirer 

Basahin: Sharon Cuneta, sinabi na sa anak na adopted ito