Ibinahagi ng singer na si Sheryn Regis ang kasalukuyan niyang karelasyon, at mga pinagdaanan niya sa kaniyang buhay.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sheryn Regis sa pagiging lesbian at parte ng LGBTQA+
- Pag-amin ni Sheryn sa kaniyang tunay na gusto at pagkatao
- Love story ni Sheryn at Mel
Sheryn Regis sa pagiging lesbian at parte ng LGBTQA+
Bata pa lamang umano si Sheryn ay alam na niyang may iba sa kaniya, ito ang isa sa mga ibinahagi niya sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito noong nakaraan lamang.
Ayon kay Sheryn,
“Alam ko na sa puso ko na bahagi ako ng LGBTQ, Kuya Ogie. it’s just that I started living with a man when I was 18 years old. So, yun yung time na parang may realization ako na parang iba tong feeling ko. Iba tong nararamdaman ko.
Even younger. It’s just that siyempre lagi tayong naka follow sa parents. Kung anong gusto nilang mangyari sa buhay, i-follow mo. Galing pa ako sa school na katoliko. “
Pagbabahagi pa ni Sheryn,
“Kaya nga sabi ni Mama when I told Mama, “Ma, hindi naman talaga ako ‘yong gusto mong babae na wife material talaga.” “Pero ‘yan ang tama. ‘Yan ang gawin mo.” so kung icomplicate ko pa lahat, me against the world na. Me against the clan na.”
Kaya nang pumasok siya sa showbiz nag-focus na lang siya sa pagiging Sheryn na may asawa, babaeng-babae na dapat umano malinis. Pero iba pala umano talaga kasi kulan na kulang, at hindi umano siya tunay na masaya.
Kuwento pa niya,
“Dahil naramdaman ko na parang hindi to ako. Hindi ako tong Sheryn na prino-project ko. Yes, as a diva, I sing, I wear gowns, ganito naman talaga ako babaeng babae pero ‘yong puso ko iba.
Parang may mas gusto ako na iba na hindi ko alam, kulang na kulang. Pero nung nanganak na ako, sabi ko “yes, this is kind of a reward, a trophy. Pero bakit may kulang pa rin?”
Ayon pa sa kaniya, kahit umano nagkaroon na siya ng anak ay tila may kulang pa rin sa kaniya.
“Yes, babae ako pero parang gusto ko pa rin babae pero in denial ako that time.”
BASAHIN:
Maggie Wilson umalma na hindi nakasama ang anak noong Pasko: “I was refused time with my son Connor”
12 Awesome celebrities who love and support their LGBT relatives
Ogie Diaz: “Mas bakla ‘yong mga hindi humaharap sa responsibilidad.”
Pag-amin ni Sheryn sa kaniyang tunay na gusto at pagkatao
Una muna siyang nagsabi sa kaniyang asawa na si Tito Earl,
“Sabi ko sa kanya, “Tito Earl, I am a lesbian.” pero nanginginig pa ko siyempre asawa mo-ego ng lalaki ‘yon sabihin “nag-asawa ako ng lesbyana? Niloloko ako?”
Kwento pa niya,
“I’m living a lie. Not just you, not just to the family. Lie sa sarili ko. Kasi dini-deny ko, hindi ko siya pinagbigyan.” Kaya siguro nagkaroon din ang depression, nagkasakit ako. Sinubok na ako ng buhay.
Kaya parang feeling ko bakit hindi ko sabihin sa kanya? Baka bukas wala na ko hindi pa rin na fullfill yung gusto ko para sabihin kung ano talaga ako.”
Matapos umanong umamin ni Sheryn ay parang alam na umano ng kaniyang asawa. Pag-amin ni Sheryn, alam niya na simula pa lang nung una ay hindi na normal ang kanilang pamilya. Sapagkat mas nag-focus umano sa trabaho kaysa sa pamilya at kaniyang asawa.
Naging selfish umano si Sheryn Regis in a way na hindi ako naging asawa pero naging ina naman umano siya. Mas nag-focus umano siya sa pagtatrabaho para ma-divert ang kaniyang atensyon dahil umano gusto niyang i-deny sa kaniyang sarili ang pagiging lesbian.
Pero ayon kay Sheryn, maayos ang relasyon niya sa kaniyang ex husband na si Tito Earl. Sabi pa niya ay lagi silang nag-uusap. Halos araw-araw pa nga umano ang pag-uusap, lagi umano nangangamusta.
Siguro umano para ibang tao ay mahirap o hindi tanggap yung ganitong set up ayon kay Sheryn. Kwento niya,
“So ang hirap no? Kasi siguro sa mga tao for sure baka sabihin anong klaseng asawa ako? Ginampanan ko pa din ‘yon.
Kasi ang ‘pag aasawa hindi naman pagtatalik ‘yan. Kung hindi responsibilidad mo ang pagmamahal mo sa isang tao. You care for that person and you are responsible to the person ginagampanan mo paring yung pagka-asawa mo.”
Nagpapasalamat din si Sheryn dahil tanggap at naiintindihan ng kanilang anak kung ano ang gusto niya.
“She was 11 that time when I told her “I’m not straight, sweet” sabi niya “Oh well, I knew it, Mommy! But it doesn’t make you a less of a person. It doesn’t make you a less of a mom.
‘Wag mo munang i-divorce si Daddy” that’s what she asked. “Is it ok for you there’s no divorce? I don’t want to be like a child without a Mom and a Dad na magkasama.” so parang naiyak ako na nakonsyensya ako so pinagbigyan ko siya, “Yes, Sweet, I promise.”
Kaya naman tinupad naman ni Sheryn ang anak. Ang mahalaga rin umano kay Sheryn ay tanggap ng pamilya niya si Mel.
“Tanggap siya(mel), tanggap siya ni Sweety, tanggap siya ni Tito Earl, tanggap nila basta tanggap ng pamilya ko. Tanggap lahat kung ano man ako kasi sabi niya, “it’s your life. And then, Mommy, love has no boundaries. You are free, Mom. you are so free.”
Love story ni Sheryn at Mel
Nagkakilala umano si Sheryn at Mel nang bumili si Sheryn sa mga binebenta nina Mel. Doon daw nagsimula ang pagkakaibigan nila, hanggang sa lumalim ang kanilang pag-uusap at nararamdaman.
Maituturing daw umano ni Sheryn na regalo si Mel ng Diyos sa kaniyang buhay. Mas naging open umano si Sheryn sa kaniyang sarili nang makilala niya si Mel.
Kahit na umano 11 years ang tanda ni Sheryn Regis kay Mel ay hindi umano ito naging problema dahil pantay o equal ang respeto nila sa isa’t isa.
Ayon naman kay Mel,
“Okay na sa akin ‘yong tinanggap niyo ako, minahal niyo ako ng buong-buo. Thankful naman ako kasi siya yung dumating sa buhay ko.”