Hallucinations, isa sa mga side effects ng asthma drug na Montelukast

Imbis na gumamit ng gamot na Montelukast para sa asthma at allergy, FDA hinihikayat ang publiko na gumamit ng alternatibo o ibang uri ng medikasyon bago subukan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Side effects of Montelukast asthma drug kabilang ang hallucinations at pagkakaroon ng suicidal thoughts ayon sa FDA.

Image from Freepik

FDA warning about the asthma drug Montelukast

Nitong nakaraang linggo ay naglabas ng paalala ang US FDA o Food and Drug Administration tungkol sa gamot na Montelukast na may brand name na Singulair. Ang montelukast ay isang prescription medicine laban sa sakit na asthma. Ito rin ay inirereseta sa mga nakakaranas ng hirap sa paghinga o iba pang nasal symptoms dulot ng allergy. Ngunit, ayon sa ahensya, bagama’t ito ay FDA approved, ang gamot ay may nakakatakot na mental health side effects. Ito ay natuklasan ng FDA matapos pag-aralan ang nakalap na data tungkol sa gamot. At sa mga reports na patuloy nilang natatanggap tungkol sa nakakabahalang epekto ng sakit.

Image from MedScape

Study about the mental health side effects of Montelukast

Mula sa taon ng pagkaka-approve ng FDA sa gamot na Montelukast noong 1998 hanggang nitong May 2019, kinalap ng ahensya ang impormasyon tungkol sa mga pasyenteng nakainom ng gamot. Base sa kanilang pag-aaral, ay may mga naitalang pasyente na sumailalim sa Montelukast treatment ang nakaranas ng neuropsychiatric adverse events. Ito ay mga side effects na may kaugnayan sa kanilang behavior o mood. Ilan na sa mga ito ay labis na nakakabahala tulad ng depressive disorders, self-harm at completed suicides o pagpapakamatay. Maliban sa mga nabanggit, ang ilan pang mental health side effects ng Montelukast na kanilang natuklasan ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mental health side effects of Montelukast

  • Attention problems o hirap sa concentration
  • Masasamang panaginip
  • Depresyon
  • Disorientation o confusion
  • Anxiety
  • Hallucinations o pagkakakita at pagkarinig na bagay na wala naman
  • Irritability
  • Memory problems o pagiging makakalimutin
  • Obsessive-compulsive symptoms
  • Restlessness
  • Sleep walking
  • Stuttering o pagkabulol
  • Suicidal thoughts and actions
  • Pangangatog ng katawan
  • Hirap sa pagtulog
  • Uncontrolled muscle movements

FDA warning and reminder

Ayon sa ginawang pag-aaral ng FDA, ang mga side effects na nabanggit ay nararanasan umano habang nasa ilalim ng Montelukast treatment ang isang pasyente. Ngunit nawawala naman matapos tumigil sa pag-inom ng gamot. Habang may ilan naman ang nakaranas ng side effects matapos tigilan ang pag-inom ng gamot. At karamihan sa mga pasyente at health care professionals ay hindi aware sa mga health risk na ito.

“The incidence of neuropsychiatric events associated with montelukast is unknown, but some reports are serious, and many patients and health care professionals are not fully aware of these risks.”

Ito ang pahayag ni Dr. Sally Seymour, director sa Division of Pulmonary, Allergy, and Rheumatology Products ng FDA’s Center for Drug Evaluation and Research.

For health professionals and patients

Kaya naman dahil dito, nagpaalala ang FDA sa mga health professionals na huwag gawing first choice ang Montelukast sa pagrereseta ng gamot laban sa asthma. Lalo na ng allergic rhinitis o hay fever na maituturing lang na mild na uri ng sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paalala naman sa publiko ng ahensya, imbis na bumili ng Montelukast bilang gamot sa allergy ay gumamit muna ng iba pang over-the counter antihistamines.

“There are many other safe and effective medications to treat allergies with extensive history of use and safety, such that many products are available over the counter without a prescription.”

Ito ang dagdag na pahayag ni Dr. Seymour. Ang mga gamot na ito ay tulad ng loratadine (Alavert, Claritin), fexofenadine (Allegra), cetirizine (Zyrtec), levocetirizine (Xyzal), at diphenhydramine (Benadryl). Pati na ang mga steroid nasal sprays gaya ng fluticasone (Flonase), triamcinolone (Nasacort), at budesonide (Rhinocort). Pero dagdag ng FDA huwag basta-basta iinom ng gamot ng hindi nagpapakonsulta muna sa doktor. Dahil sila ang mas nakakaalam ng gamot na mas makabubuti at ligtas para sayong kondisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Box warning and medication guide

Kaugnay nito ay nire-require na rin ng FDA ang paglalagay ng box warning sa packaging ng gamot na Montelukast. Ang boxed warning ang pinakaseryosong warning o babala na inilalagay ng FDA sa mga gamot. Ito ay upang maalerto ang mga health care providers at consumers sa seryosong epekto ng gamot sa kalusugan ng isang tao. Kailangan ding may medication guide na ito na magpapaliwanag ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa gamot. Lalo na ang risk at serious mental health side effects ng gamot sa pasyenteng iinom nito.

Dagdag pa nila, kung may allergy ay maraming paraan para maibsan ang mga sintomas nito. Kabilang na rito ang pag-iwas sa mga allergy triggers o mga dahilan ng pag-sumpong ng allergy. At pagpapanatili ng malinis na hangin sa loob ng bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, maliban sa mga mental health side effects na nabanggit, may mga common side effects rin ang Montelukast. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Common side effects of Montelukast

  • Upper respiratory infection
  • Fever
  • Headache
  • Sore throat
  • Cough
  • Stomach pain
  • Diarrhea
  • Earache o ear infection
  • Flu
  • Runny nose
  • Sinus infection

Mahigpit na paalala ng FDA, bago uminom ng gamot mas mabuting magpa-konsulta muna sa doktor. Ito ay upang makasigurado na angkop sa iyong kondisyon ang gamot na iinumin mo.

 

SOURCE: FDA Gov, US News

BASAHIN: Hika ng bata: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na asthma

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement