6 senyales na ang isang tao ay insecure o inggit sayo

Baka may naiinggit na sa'yo nang hindi mo namamalayan! | Lead image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa buhay natin, hindi mawawala ang pagka-inggit. Maaaring tayo mismo ang kinaiinggitan o tayo ang naiinggit sa ibang tao. Normal na itong tagpo sa buhay pero marami na ang nasisirang pagsasama. Iba-iba ang signs na inggit ang isang tao sa’yo. Narito ang ilan sa kanila.

6 signs na inggit ang isang tao sa iyo

1. Pagkukunwaring masaya sa iyong achievement

Normal na sa isang inggit na tao ang ugaling ‘plastik’ kung tawagin. Ito ay kapag nagkukunwari silang masaya sa iyong achievement. Pupurihin ka pa nito at ipapakitang tuwang-tuwa sa iyong narating. Ngunit pagkatalikod mo, asahan mo na ang pagbabago ng kanilang mukha na parang halos patayin kana sa talim ng mga tingin.

2. Paninira

Marami na ang nasirang relasyon sa paninira ng isang inggit na tao. Ito ay kapag nagpakalat sila ng isang kwento na ikaw ang lumilitaw na masama. Minsan naman ay nagpapakalat sila ng maling impormasyon tungkol sa’yo para lang maipakitang hindi ka mabuting tao.

3. Sinisisi ka sa lahat

Madali mong mapapansin na inggit sa’yo ang tao kapag ang fail ang inyong group performance at ikaw lang ang sinisi kahit alam mong wala ka namang ginagang ikasisira ninyo. Ang taong inggit, lahat ng kilos mo ay mainit sa kanilang mata at lahat ay pinupuna ka.

4. Ipaparamdam sa’yo na hindi ka belong

Normal rin sa isang inggit na tao ang iparanas sa’yo na hindi kailangan o kabilang sa isang samahan. Maglalaan sila ng effort para ma-down ka at tuluyang malayo sa kaligayahan. Ito ang main purpose ng isang inggit na tao. Ang mabaon ka sa burden at maramdaman mong walang nagmamahal sa’yo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Minamaliit ang iyong kakayahan

Isa pang ugali ng taong inggit sa’yo ang maliiit ang iyong kakayahan at buong pagkatao. Kunyari na lang, kapag ikaw ay napromote sa trabaho, ang sasabihin sa’yo “Type ka ng boss natin kaya ka napromote.” In reality, kaya sila naiinggit sa’yo ay dahil alam nilang nakaka anggat ka sa kanila at ang tanging paraan para maabutan ka niya ay ang hilahin ka pababa.

6. Competition lahat para sa kaniya

Ang taong insecure sa’yo ay sabik na sabik para mapantayan ka. Kaya naman lahat ay gagawin nila para tuluyan kang mapabagsak kahit na alam nilang may masasaktan silang tao. Kahit na maliliit na bagay, tingin nila ay competition para sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Psychology Today

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

11 senyales na ikaw ay nasa isang toxic marriage

5 paraan para maiwasan ang pagseselos

Ang lesson na puwedeng ituro kapag ikinukumpara ng bata ang sarili sa iba

Sinulat ni

Mach Marciano