Signs of falling out of love: Kadalasan sa isang relasyon, hindi maiiwasan na nagiging malabo ang samahan ng bawat isa. Yung tipong noong simula, umaapaw pa ang inyong pagmamahalan at tanging ang salitang ‘ikaw at ako’ ang inyong pinanghahawakan. Ngunit isang araw na pag-gising mo, hindi mo malaman kung bakit nararamdaman mo na lamang na hindi ka na masaya at hindi na nararamdaman ang koneksyon niyo ng asawa mo.
Mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung “senyales na ba ito na nawawala na ang pag-ibig ko sa asawa ko?“
Ang katanungan, pagmamahal pa ba ito o pagtitiis na lamang para sa pinagsamahan?
6 Signs Of Falling Out Of Love
1. Nakakaramdam ka ng kalungkutan
Ayon sa Three Day Rule coach na si Nora Dekeyser, ang unang senyales na nawawala na ang pagmamahal mo sa iyong asawa ay nakakaramdam ka ng kalungkutan.
“Love eventually turns into a true partnership between best friends that are also attracted to each other,”
Sabihin na lang natin na sa likod ng nag-uumapaw na pinapakitang pagmamahal sa’yo ng asawa at mga anak mo, nakakaramdam ka pa rin ng kakulangan at kalungkutan. Ito ay isang senyales na may namumuong problema sa inyong relasyon o sa iyong sarili mismo. O kaya naman ay paunti-unti nang nawawala ang pagmamahal na iyong nabuo sa iyong asawa.
2. Na-aattract ka sa iba
Hindi naman masama na ma-appreciate ang anyo ng isang tao. Dahil likas na sa atin ang purihin ang isang kaibigan.
Ngunit nagiging iba at masama na lamang ito kapag lumalalim ang pagtingin mo sa isang tao. Parang dati lang, ang mga mata at atensyon mo lang ay para sa asawa mo. Siya ang pinaka-gwapo para sa iyo. Hindi ka nagsasawang titigan ang kanyang mga mukha at ramdam na ramdam mo ang pagmamahal mo sa kanya.
Ngunit ngayon, hindi mo na ito magawang titigan at nais mo na lamang lumayo dahil hindi ka kumportable na nasa paligid siya.
Ang ibang dahilan para rito ay dahil may iba nang pumalit sa pwesto ng asawa mo sa iyong mga mata. Nagsisimula ito kapag nakaramdam ka ng kakaiba sa isang tao. Katulad ng nagiging masaya ka kapag nakikita mo siya.
Kahit na anong dahilan, mali ang makaramdam ng ganito kung alam mong nakatali ka pa sa isang relasyon.
3. Hindi mo na nakikita ang future sa asawa mo
Isang indikasyon ng nawawala na ang pagmamahal mo sa iyong asawa kung ang dating mga pangarap mo para sa isa’t-isa ay ngayon ay tila isang malabong litrato na lamang. Sa madaling salita, hindi mo na nakikita ang iyong sarili na tumanda o harapin ang mundo sa future kasama ang iyong asawa.
Ayon sa isang eksperto,
“A huge element of relationships is hope and excitement for the future: you both want similar things, and share common dreams and goals. If when you close your eyes and think about the future, if you are more often fantasizing about being with another man, or being alone, these are signs that you have fallen out of love.”
Kung sakaling nakakaramdam kana na nawawala ito, ‘Wag itong babalewalain dahil ito ay isang seryosong bagay na maaring tuluyang makasira ng inyong relasyon.
4. Iniisip mo nang humiwalay
Kung ang iyong mga pangarap kasama ang iyong asawa ay bigla na lamang napalitan ng kagustuhang maging malaya, ito ay senyales na gusto mo nang makipaghiwalay sa iyong asawa.
Ayon sa isang pag-aaral, pag-iimagine na tuluyang hiwalayan ang iyong asawa ay dahil nakakaramdam ka ng kakulangan at kalungkutan.
5. Nawawala ang respeto
Ang mga katangian ng isang healthy relationship ay kung ang dalawang nagmamahalan ay may respeto at pag-unawa sa bawat isa. Ito ang sikretong sangkap kung bakit nagtatagal ang isang relasyon.
Ngayon, kung ang respeto at pag-unawang binibigay mo sa iyong asawa ay biglang nawala, dito na magsisimula ang naturang problema. Kung lagi mong hindi iniintindi ang feelings ng iyong asawa o kaya naman hindi nirerespeto ang kanyang mga desisyon, dito na nagsisimula ang hindi pagkakaintindihan ng bawat isa. Madalas na mag-away at matagal ito bago maresolba.