Signs you’re in a happy relationship according to psychologist and relationship experts.
Signs you’re in a happy relationship
1. Namimiss mo pa ang asawa mo sa kabila ng matagal ninyo ng pagsasama.
Namimiss mo pa ba ang asawa mo? Kung oo, ay isang mabuting palatandaan ito na healthy at happy ang relationship ninyo. Ito ay ayon sa book authors ng librong “Making Marriage Work: Avoiding the Pitfalls and Achieving Success” na sina Dr. Rob Pascale at Lou Primavera.
Paliwanag nila ang pagka-miss sa iyong asawa ay palatandaan lang na pinapahalagahan mo ang mga oras na kasama siya. At ito ay sa kabila ng ilang taon o tagal na ng inyong pagsasama.
Kaya naman punto nila, napaka-halaga ng may sapat na oras ang bawat mag-asawa para sa sarili nila. Hindi lang para makipag-connect sa iba pang tao, kung hindi pati narin upang palakasin ang tiwala at pundasyon ng inyong pagsasama.
2. Masaya kayong gumagawa ng mga bagay o activities na magkasama.
Bagamat hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay pareho ang gustong gawin ng mag-asawa. Isang palatandaan ng masayang pagsasama, ang pagbibigay at pagbabalanse ng oras para masubukan ang bagay na kinahihiligan ng bawat isa. Palatandaan lang ito ng pag-respeto sa interes ng bawat isa. At pagiging kontento at satisfied sa taong napili mong makasama.
Sa oras naman na hindi kayo nagkakasundo sa isang bagay na gusto mong gawin. Tanungin ang iyong asawa kung bakit ganoon ang desisyon niya. Mahalagang marinig at malaman mo ang kaniyang nararamdaman. Ito ay upang magkasundo kayo at makapag-adjust na pabor sa inyo pareho.
3. Binibigyan ninyo ng personal time ang isa’t-isa.
Ang isang pagsasama ay masaya kung ang bawat isa sa loob ng relasyon ay may kalayaan. Kalayaan sa paraang may oras sila para sa sarili nila o personal time. Ang oras na ito ay maaring gamitin para mag-relax o kaya naman ay gumawa ng mga bagay na magiging productive ang bawat isa.
Payo nga nina Dr. Pascale at Primavera, bigyan ng special personal time ang iyong asawa. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng oras na magbakasyon. Habang sinisiguro na sa mga oras na wala siya ay ikaw na muna ang gaganap sa mga tungkulin at responsibilidad niya.
4. Hinahayaan ninyong mag-improve at mag-develop ang isa’t-isa.
Maliban sa pagbibigay ng personal time sa isa’t-isa, ang masayang relasyon ay nasusukat din sa achievements na nagagawa ng mag-asawa. Kaya naman kung may nais gawin ang iyong partner para sa kaniyang development ay hayaan at suportahan siya. Dahil sa ganitong paraan ay ipinapakita mo ang tiwala mo sa kaniya. At ito ay susuklian niya ng pagiging matapat na mas magpapatibay pa ng inyong pagsasama.
5. Magkasama at nagtutulungan kayo sa pagharap ng problema.
Maliban sa pagtawa at masasayang sandali, ang isang relasyon ay dapat nagdadamayan rin sa mga luha at pighati. Dahil ang masayang pagsasama ay may pundasyon ng pagkakaibigan. Ang tipo ng pagkakaibigan na kung saan dadamayan ninyo ang isa’t-isa sa lahat ng oras. Magtutulungan at haharapin ang mga pagsubok ng hawak kamay. Kaysa ang magsisihan at magturuan sa kung kanino ba dapat itong responsibilidad at hindi.
6. Nagtatalo kayo ng may dahilan.
Ang pagtatalo o ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa isang relasyon ay normal lamang. Pero imbis na tingnan itong threat o banta sa pagsasama ay dapat ituring ito ng mag-partner na dahilan para mas maging matibay pa ang kanilang relasyon. Gawin ito sa pamamagitan ng pagtatalo na pakikinggan ang hinaing ng bawat isa. At hindi lang upang patunayan na ang partner mo ay mali at ikaw ay tama.
7. Hindi ninyo na hinahayaang lumaki ang maliliit na problema.
Napaka-halaga sa isang relasyon ang pag-uusap. Lalo na kung may mga hindi pagkakaintindihan. Maliit man ito minsan kung iisipin, ang maliit na bagay na ito ay maaring lumaki at lumala. At maaring mag-ugat minsan sa isang bagay na iniiwasan ng bawat relasyon, ang paghihiwalay.
Kaya naman, isang katangian ng masayang relasyon ay ang hindi pagbabalewala sa mga maliliit na problema. At ang agad na pag-aksyon upang ito ay maayos at maitama.
8. Nai-enjoy at binibigyan ninyo ng oras ang pagiging intimate sa isa’t-isa.
Ang isang masaya at malusog na relasyon ay nagbibigay ng oras para maiparamdam sa isa’t-isa ang init ng pagmamahal. Ito ay sa kabila man ng pagiging busy o tambak ng tungkulin ng bawat isa. Dahil maliban sa physical connection, ang pagiging intimate, partikular na sa paraan ng pagtatalik ay nagpapatibay rin ng emotional connection ng isnag magkarelasyon. At ito ay maipaparamdam sa iyong asawa sa pamamagitan ng simpleng yakap at mga halik.
Source: Psychology Today
BASAHIN: 11 katangian na nakakapagpatatag sa relasyong mag-asawa
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!