Isang high school teacher ang suspendido matapos nitong dumalo sa online class na walang suot na damit pantaas. Ang nasabing teacher na suspended ay taga Silver Creek High School.
Teacher na dumalo sa online class na walang damit pantaas, suspendido
Inilarawan na ‘weird’ at ‘awkward’ ni Makaylah Herrera-Avila isang 13 year old na high school student ang kanyang guro matapos nitong magpakita sa kanilang online class na walang suot na damit pantaas. Dagdag pa ni Makaylah, habang ito ay nasa harap ng camera, magulo ang kanyang guro at hindi mapakali dahilan para hindi siya maging komportable.
Dahil sa ipinapakitang kilos at itsura ng kanyang guro, tinawag niya agad ang kanyang nanay. Dito nila kinuhaan ng litrato ang guro habang nasa harap ng camera.
Hindi naging komportable si Makaylah kaya naman tumungo agad sa Silver Creek ang kanyang nanay. Dito naglabas ng pagkadismaya dahil sa ipinakita ng guro.
“Like, he’s grown. He knows the rules. He should not be exposing himself like that to all these minors. You know, at the end of the day, they’re still kids and it’s wrong.”
Ang nasabing guro ay nakilala na si Richard Cabral, isang special education teacher.
Sa Facebook account ni Elizabeth Avila, nanay ni Makaylah, dito niya ibinahagi ang pagkadismaya sa guro ng kanyang anak.
“So upset right now my daughter called me to say ask if it was ok for teachers to be naked on zoom. I’m like WTF! She’s all I saw my teachers nips I can’t believe this. This so unprofessional for a teacher to be teaching like this. Like you couldn’t put a shirt on for the one hour your teaching like you wouldn’t be teaching like that in class if school was happening in real life. He made her feel so uncomfortable she couldn’t even focus on the lesson so I had her log off but damn can you guys believe this crazy shit.”
Ayon sa nanay ni Makaylah, nais niyang mabigyan ng matinding aksyon ang ginagawa ng guro. Nag-aalala kasi ito na baka gawin pa niya ito sa susunod. Bilang guro, dapat alam niya ang tamang dress code sa kanilang online class.
DepEd laptop minimum specifications para sa online classes
Nagbigay ng minimum specifications ang Department of Education (DepEd) para sa mga nais mag donate ng laptop o iba pang gadgets sa mga public school para sa mga gagamitin ng bata sa kanilang online class ngayong school year 2020-2021.
Ayon kay Department of Education Undersecretary for Administration Alain Pascua, naglabas ng rekomendasyon ang Information and Communications Technology Service para sa minimum specs na idodonate ng iba sa mga paaralan. Kabilang dito ang mga ibibigay na tablet, cellphone, laptop at desktop. Kasama na ang internet para sa mga mag-aaral at teacher na magagamit nila sa online class ngayong school year.
Gadget specification para sa mga guro:
Para maging effective ito, ang mga laptop na ibibigay sa mga teachers ay kailangang nasa 1.6Ghz speed at mayroong 8 GB RAM na memory. Dapat rin ito ay 12 inches ang size at 512 GB HDD SATA na mayroong built-in speaker at camera na mahalaga para sa kanila kapag may lecture online at kailangan ng video. Mayroon rin dapat itong bluetooth, keyboard, mouse at headseat.
Gadget specification para sa mga junior at senior high school students:
Para naman sa mga junior at senior high school students, kailangan ng 4 GB memory ang kanilang 2 in 1 tablet PC na may 1.1 GHz base clock speed din. Kasama na dito ang 10 inches screen at may internal storage na 32 GB. Katulad sa guro, mahalaga rin para sa mga estudyante ang magkaroon ng built in speaker at camera ang kanilang gagamiting gadget. Kasama na diyan ang bluetooth connectivity, keyboard, mouse at headseat.
Source:
BASAHIN:
Gadgets na gagamitin sana para sa online class, bato na ang laman matapos ipadala