Similac vs. Nan: Anong mas mainam ipainom kay baby?

Bilang alternatibong gatas kay baby, ano nga ba ang mas maganda at healthy para sa kanila? Similac vs Nan? Ano ang choice mo mommy?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Biglang excited preggy mom, panigurado ay nakabili kana ng mga gamit ni baby sa kanyang nursery room katulad ng crib, blankets, clothes o kaya naman mga laruan. Pero ang tanong mommy, nakabili kana ba ng gatas para kay baby? Similac vs Nan? Ano ang choice mo mommy para kay baby?

Gaano kahalaga ang breastfeeding kay baby?

Ang pagpapasuso ng ina sa kanyang bagong silang na sanggol ay isang tagpong hindi mapapalampas ng karamihan lalo na ng mga first time moms.

Ang breastfeeding ay imporante hindi lang para kay baby kundi pa na rin kay mommy. Ngunit ano nga ba ang mga benepisyong makukuha sa gatas ng ina?

1. Ang breastmilk ay naglalaman ng importanteng antibodies

Ang gatas ng ina ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata.

2. Ang breastmilk at kailangan sa pagpapalaki ng bata

Ang gatas ng ina ay naglalaman ng iba’t-ibang importanteng ingredients para sa development at paglaki ni baby. Espesyal ang breastmilk dahil dito lang nakukuha ni baby ang mga bagay na kailangan niya sa kanyang paglaki. Kaya naman payo ng mga eksperto na ang pagpapasuso ay kailangang ugaliin ng ina lalo na sa loob ng 6 months o 1 year ni baby.

Ang gatas ng ina ay naglalaman ng yellowish fluid na tinatawag na colostrum. Mayaman sa protina at mababa sa sugar ang colostrum na matatagpuan sa breastmilk.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Mapoprotektahan si baby sa sakit

Ang maganda pa sa gatas ng ina ay kaya nitong maprotektahan ang iyong anak laban sa iba’t-ibang uri ng sakit. Narito ang ilan sa kanila:

Bukod pa dito, ang breastfeed para kay baby ay makakatulong para mapanatali ang maganda at healthy nitong pangangatawan. Maiiwasan rin ang obesity o labis na katabaan sa kanyang edad.

Dagdag pa dito, nakakatalino rin ang gatas ni mommy!

Kaya naman payo ng mga eksperto, mas maganda ang breastfeed kay baby sa loob ng atleast 1 year. Makakatulong ito sa kanya at syempre para sa iyo mommy. Ang pagpapasuso ay maaaring makatulong sa’yo para mabawasan ang iyong timbang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero naiintindihan din natin na hindi lahat ng ina ay kayang makapag produce ng sapat na gatas sa kanyang baby. Ito ang dahilan kung bakit lumilipat sila sa formula drink na pwede sa mga newborn babies bilang alternatibong gatas.

Isa ang Similac at Nan sa dalawang pinagpipiliang formula milk para sa newborn babies. Ating isa-isahin ang kanilang benefits at ano ang nilalaman ng kanilang gatas.

Similac vs Nan? Ano nga ba ang mas maganda para kay baby?

Similac vs Nan

SIMILAC

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Similac products ay may tatlong pangunahing ingredients. Ito ang DHA kung saan makakatulong sa brain development ni baby, sumunod ang Lutein para sa malinaw na mata at ang panghuli ay ang Vitamin E na ang panunahing trabaho ay ang pagdevelop ng cells.

Mayroon ring 2’-FL HMO ang Similac na makakatulong para sa matibay na immune system ni baby. Palm olein oil-free rin ang Similac na makakatulong sa calcium para sa pagpapatibay ng buto ng anak mo. Ang Similac ay mayroong gatas para sa newborn, toddler at para sa mga ina!

Ang Similac Pro-advance ay para sa mga newborn babies hanggang 6 months old.

PRICE: ₱694.00

Shop now at: Similac HMO

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Similac vs Nan

NAN

Ang Nan Optipro One ay para sa mga newborn babies hanggang 6 months old. Naglalaman ng apat na pangunahing ingredients ang kanilang produkto na makakatulong kay baby.

Nandyan ang Bifidus BL na magagawang patibayin ang immune system ni baby, kasama na ang Human Milk Oligosaccharides. Nariyan rin ang DHA para sa brain growth at visual acuity ng bata. Samahan pa ng protein na makakatulong sa pag build ng muscles ni baby.

‘Wag mag alala mommy dahil ang NAN ay walang dinagdag na sucrose o mas kilala bilang table sugar.

Ang NAN ay mayroong gatas para sa newborn, toddler, low birthweight infants, infants na mayroong lactose intolerance at minor gastro-intestinal problems.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaaring inumin ang NAN Optipro One ng mga newborn babies hanggang 6 months old.

PRICE: ₱1,298.00

Shop now at: NAN Optipro HW One

Similac vs Nan

Narito ang comparison breakdown ng Nutrition Information ng Similac Pro-advance at NAN Optipro One.

Similac HMO

NAN Optipro One

DHA, Lutein, at Vitamin E, Para eye at brain development

DHA, Vitamin E, Para sa eye development at immune system

Protein, tulong sa pagbuo ng muscle Protein, tulong sa pagbuo ng muscle
Linoleic Acid Linoleic Acid at a-Linoleic Acid
Carbohydrates, tulong sa energy Carbohydrates, tulong sa energy
Choline, tulong sa brain cells Choline, tulong sa brain cells
Inositol, antioxidant para maiwasan ang retinal lesion Inositol, antioxidant para maiwasan ang retinal lesion
Sodium, makokontrol ang tubig sa katawan Sodium, makokontrol ang tubig sa katawan
Potassium, sinusuportahan ang blood pressure, cardiovascular health, bone at muscle strength Potassium, sinusuportahan ang blood pressure, cardiovascular health, bone at muscle strength
Chloride, mababalanse ang acid Chloride, mababalanse ang acid
Calcium, tulong sa pagbuo ng buto Calcium, tulong sa pagbuo ng buto
Phosphorus, importante sa buto at ngipin Phosphorus, importante sa buto at ngipin
Magnesium, napapanatili ang heart rhythm at matibay na buto Magnesium, napapanatili ang heart rhythm at matibay na buto
Iron, tulong sa blood cells Iron, tulong sa blood cells
Copper, mahalaga sa bone strength, pagpapatibay ng blood cells, cholesterol at glucose metabolism Copper, mahalaga sa bone strength, pagpapatibay ng blood cells, cholesterol at glucose metabolism
Zinc, tulong sa cells Zinc, tulong sa cells
Manganese, tulong sa development ng bone at pancreas Manganese, tulong sa development ng bone at pancreas
Iodine, tulong sa metabolism at nervous system Iodine, tulong sa metabolism at nervous system
Selenium, mahalaga sa brain health at physical growth Selenium, mahalaga sa brain health at physical growth
Vitamin A, D, E, C, B1, B2, B6, B12, K Vitamin A, D, E, C, B1, B2, B6, B12, K
Taurine, mahalaga sa detoxification
Nucleotides, antioxidant para maiwasan ang retinal lesion
ARA, tulong sa skin at hair growth
L-carnitine, tulong malipat ang fatty acid sa cell

 

Mahalagang paalala:

Ayon sa mga eksperto, ang formula milk ay walang antibodies na makukuha para sa pangunahing kailangan ni baby. Nagpapatunay dito ang mga pag-aaral na ang mga baby na hindi dumaan sa breastfeed ay mas mataas ang tyansa na magkaroon ng diarrhea, pneumonia at infection. Ang pag-inom ng formula milk sa baby ay isang alternatibong paraan lamang kung walang sapat na gatas ang ina para sa kanyang anak.

Kaya naman ang payo ng mga eskperto, ugaliin ang breastfeeding kay baby.

 

Source:

Healthline

BASAHIN:

Tips kung paano babalik sa breastfeeding pagkatapos ng bottle feeding

Sinulat ni

Mach Marciano