X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Single mom Ciara Sotto shares na 'happy and at peace' na siya

4 min read
Single mom Ciara Sotto shares na 'happy and at peace' na siyaSingle mom Ciara Sotto shares na 'happy and at peace' na siya

Kasulukuyang nasa proseso na ng annulment ang single mom na si Ciara pero sinabi niyang mas maayos ang buhay nila ng kaniyang anak ngayon.

Tatlong taon na simula noong maghiwalay sina Ciara Sotto at ex-husband na si Jojo "Joe" Oconer. 

Masakit man ang pinagdaanan, may mga balita nga na isang aktres din ang naging "third-party" sa kanilang relasyon noon, pero naka-move on na ang aktres at singer. 

Single Mom Ciara Sotto Says: "I'm Happy and At Peace"

Ayon kay Ciara, mas okay sila ngayon ng anak na si Crixus, na isang-taong gulang pa lang noon maghiwalay ang mga magulang nito noong 2015. 

“It’s been really good. Life’s been good and I’m very thankful to God for that. I’m very happy with the way Crixus is growing-up. You know, I’m just at peace with my life right now," sinabi ni Ciara sa panayam sa PEP.ph.

 

  Nami Island ??6.13.2018 #stages20korea

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole) on Jun 13, 2018 at 4:52pm PDT

Kinasal si Ciara noong 2010 at five years din silang nagsama bago tuluyan nang maghiwalay. Sa panahong ito, natutunan niya na ang buhay mag-asawa ay hindi madali. Pero kailangan maging matatag, kung nakokompromiso na ang sariling kaligayahan, lalo na kung nangangaliwa ang asawa, kailangan nang mag-let go.

“Pero ganoon naman talaga ang marriage," dagdag pa ni Ciara. "Mayroon kayong pagdadaanan na mahirap. But then again, kapag hindi mo na talaga kaya and you think you’re compromising your own self, your own happiness, it’s not making you a better person anymore, and you’re not happy with yourself anymore. And I have zero tolerance for cheating. So, I think it’s time to let go."

Sa lahat ng pinagdaanan ni Ciara, andiyan na naka-suporta sa kanya ang pamilya, lalo na ang ina na si Helen Gamboa. Emosyonal na sinabi ni Helen sa nauang interview na alam niya ang hirap na pinagdaanan ng kaniyang pinakamamahal na unica hija.

"Don't worry...I'll always be with you," sabi ng ina ni Ciara na si Helen Gamboa 

  Happy Mother’s Day to my beautiful and loving Mama @bangshang7 You are truly our angel??. We love you so much! ??⭐️???????

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole) on May 13, 2018 at 1:04am PDT

"I know that God is in your heart every day of your life, so don't worry anak. I know how sincere you are, how honest you are. I'm sorry kung napapaiyak ako, anak, kasi I know what you've been through. Pero alam kong magiging maligaya ka pa rin, anak. Don't worry...I'll always be with you." 

Ibinahagi din ni Ciara na sumasailalim na sila sa isang annulment process. 

"Pero right now, I’m free, I’m single, and I’m fine and I’m happier," sabi niya sa isang interview sa GMA-7 show na Tunay na Buhay.

Paano Nga Ba Mag-Move On Kapag Nagkaroon ng Iba Ang Iyong Asawa?

Hindi madali mag-move on. Ibang klaseng sakit ang nararamdaman, tila nawasak ang lahat ng pangarap mo para sa inyong pamilya kasama na rin ng puso mo. 

Kung sa iba, mga ilang taon lamang ay wala na ang pait, para sa iba, mas matagal bago maka-recover. Hindi siya nangyayari basta-basta. pero posibleng maka-recover. Sabi nga nila 'di ba: Time heals all wounds. Kaya bigyan mo ang iyong sarili ng panahon na makapaghilom ang mga sakit. 

May mga pumipiling magpatalo sa bitterness, may mga iba namang sinisisi ang sarili sa nangyari, pero hindi ito makakatulong. 

Hindi lahat ng nangangaliwa ay gusto nang makipaghiwalay. May mga nagsasabing pinagsisisihan nila ito at nagmamakaawa na patawarin sila. Nasa bawat isang couple na ang desisyon: susubukan ba nilang mag-move on nang magkasama o magkahiwalay?

Kung ano man ang maging desisyon nila, ang importante ay nandiyan ang pagpapatawad (kahit hindi mo na siya kayang balikan), tiyaga, pagtitiwala---kung magsasama pa rin kayo, kailangan maibalik ang tiwala. Kung hiwalay na, kailangan pa rin ng tiwala, pero tiwala na sa sarili mo, yung tipo na alam mong kaya mong suungin mag-isa kahit ano man ang ibato ng buhay sa iyo.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Ano ang mabibigay mong advice sa mga kapwa mommies na nagkaroon ng iba ang mga asawa?  Isulat sa mga komento sa baba ng article na ito. 

sources: PEP, ABS-CBN 

BASAHIN: 8 Pieces of relationship advice from celebrity moms

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Bianchi Mendoza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Single mom Ciara Sotto shares na 'happy and at peace' na siya
Share:
  • "Buy one, take two": Lalaki, pinagtanggol ang asawa kahit may dalawang anak

    "Buy one, take two": Lalaki, pinagtanggol ang asawa kahit may dalawang anak

  • #TAPMAM 2021: Ley Almeda - Ang nakaka-inspire na kwento ng isang dating single mom

    #TAPMAM 2021: Ley Almeda - Ang nakaka-inspire na kwento ng isang dating single mom

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

app info
get app banner
  • "Buy one, take two": Lalaki, pinagtanggol ang asawa kahit may dalawang anak

    "Buy one, take two": Lalaki, pinagtanggol ang asawa kahit may dalawang anak

  • #TAPMAM 2021: Ley Almeda - Ang nakaka-inspire na kwento ng isang dating single mom

    #TAPMAM 2021: Ley Almeda - Ang nakaka-inspire na kwento ng isang dating single mom

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.