Single mom Ciara Sotto shares na 'happy and at peace' na siya

Kasulukuyang nasa proseso na ng annulment ang single mom na si Ciara pero sinabi niyang mas maayos ang buhay nila ng kaniyang anak ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tatlong taon na simula noong maghiwalay sina Ciara Sotto at ex-husband na si Jojo “Joe” Oconer. 

Masakit man ang pinagdaanan, may mga balita nga na isang aktres din ang naging “third-party” sa kanilang relasyon noon, pero naka-move on na ang aktres at singer. 

Single Mom Ciara Sotto Says: “I’m Happy and At Peace”

Ayon kay Ciara, mas okay sila ngayon ng anak na si Crixus, na isang-taong gulang pa lang noon maghiwalay ang mga magulang nito noong 2015. 

“It’s been really good. Life’s been good and I’m very thankful to God for that. I’m very happy with the way Crixus is growing-up. You know, I’m just at peace with my life right now,” sinabi ni Ciara sa panayam sa PEP.ph.

 

Kinasal si Ciara noong 2010 at five years din silang nagsama bago tuluyan nang maghiwalay. Sa panahong ito, natutunan niya na ang buhay mag-asawa ay hindi madali. Pero kailangan maging matatag, kung nakokompromiso na ang sariling kaligayahan, lalo na kung nangangaliwa ang asawa, kailangan nang mag-let go.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pero ganoon naman talaga ang marriage,” dagdag pa ni Ciara. “Mayroon kayong pagdadaanan na mahirap. But then again, kapag hindi mo na talaga kaya and you think you’re compromising your own self, your own happiness, it’s not making you a better person anymore, and you’re not happy with yourself anymore. And I have zero tolerance for cheating. So, I think it’s time to let go.”

Sa lahat ng pinagdaanan ni Ciara, andiyan na naka-suporta sa kanya ang pamilya, lalo na ang ina na si Helen Gamboa. Emosyonal na sinabi ni Helen sa nauang interview na alam niya ang hirap na pinagdaanan ng kaniyang pinakamamahal na unica hija.

“Don’t worry…I’ll always be with you,” sabi ng ina ni Ciara na si Helen Gamboa 

“I know that God is in your heart every day of your life, so don’t worry anak. I know how sincere you are, how honest you are. I’m sorry kung napapaiyak ako, anak, kasi I know what you’ve been through. Pero alam kong magiging maligaya ka pa rin, anak. Don’t worry…I’ll always be with you.” 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi din ni Ciara na sumasailalim na sila sa isang annulment process. 

“Pero right now, I’m free, I’m single, and I’m fine and I’m happier,” sabi niya sa isang interview sa GMA-7 show na Tunay na Buhay.

Paano Nga Ba Mag-Move On Kapag Nagkaroon ng Iba Ang Iyong Asawa?

Hindi madali mag-move on. Ibang klaseng sakit ang nararamdaman, tila nawasak ang lahat ng pangarap mo para sa inyong pamilya kasama na rin ng puso mo. 

Kung sa iba, mga ilang taon lamang ay wala na ang pait, para sa iba, mas matagal bago maka-recover. Hindi siya nangyayari basta-basta. pero posibleng maka-recover. Sabi nga nila ‘di ba: Time heals all wounds. Kaya bigyan mo ang iyong sarili ng panahon na makapaghilom ang mga sakit. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga pumipiling magpatalo sa bitterness, may mga iba namang sinisisi ang sarili sa nangyari, pero hindi ito makakatulong. 

Hindi lahat ng nangangaliwa ay gusto nang makipaghiwalay. May mga nagsasabing pinagsisisihan nila ito at nagmamakaawa na patawarin sila. Nasa bawat isang couple na ang desisyon: susubukan ba nilang mag-move on nang magkasama o magkahiwalay?

Kung ano man ang maging desisyon nila, ang importante ay nandiyan ang pagpapatawad (kahit hindi mo na siya kayang balikan), tiyaga, pagtitiwala—kung magsasama pa rin kayo, kailangan maibalik ang tiwala. Kung hiwalay na, kailangan pa rin ng tiwala, pero tiwala na sa sarili mo, yung tipo na alam mong kaya mong suungin mag-isa kahit ano man ang ibato ng buhay sa iyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang mabibigay mong advice sa mga kapwa mommies na nagkaroon ng iba ang mga asawa?  Isulat sa mga komento sa baba ng article na ito. 

sources: PEP, ABS-CBN 

BASAHIN: 8 Pieces of relationship advice from celebrity moms

Sinulat ni

Bianchi Mendoza