REAL STORIES: "We were happy until one day, I got pregnant."

Pambihirang tatag at tapang ang ipinakita ng isang nanay para sa kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang mommy ang matapang na ibinahagi ang kaniyang kwento kung papaano siya naging isang single mother. Pinatunayan niya na ang pagmamahal ng isang ina ay mas matimbang. At handa niyang isakripisyo ang kaniyang kaligayahan para sa kaniyang anak.

Masaklap na pangyayari

I fell in love with him when I was only 19 years old. Iisa lang ‘yong group of friends namin and dahil doon, naging kami.

Bad boy image siya dito sa lugar namin. Mahilig sa gulo and siga but he is really sweet, caring and sobrang mapagmahal. He is a single dad and iniwan siya ng nanay ng anak niya kasi sumama sa iba. And doon ko siya lalong minahal dahil napakabuti niyang tatay.

We were ok, we were happy until one day I got pregnant. Doon nagsimula mag-iba lahat. Lagi na sya nag-iinom, lagi kasama barkada. Hindi na siya yung nakilala ko.

Siguro dahil na-pressure siya sa family ko, sa nangyayari and kung ano magiging buhay namin. I gave birth when I was 20 and wala siya nung time na yun. Nakipagbasag-ulo kaya naospital.

I was alone pero parents ko kasama ko naman so hindi ako mag isa. Pero iba pa din ‘yong andoon ‘yong tatay ng anak mo sa tabi mo. Sobrang galit na sa kaniya parents ko to the point na hindi na pinakita sa kanya ang baby namin.

Hanggang nakaalis siya papunta ng Davao and hindi niya na kami nakita. Nag-promise siya na pagbalik niya, aayusin namin pamilya namin and magpapakasal kami.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

We still have constant contact for seven months, as in everyday call and text. But one day, nawala na lang lahat ‘yon.

Sobrang sakit ng nangyari. Hindi ko kayang tanggapin. Pinanghawakan ko ‘yong promises niya. Nawalan na kami ng communication sa isa’t isa.

Biglaang pagbalik ng ama ng aking anak

After 2 years, he came back. No explanations! Walang kahit ano!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Never kaming nag-usap, never ko tinanong bakit and saan ako nagkulang? Dalawang taon ‘yong sakit na ginawa niya. Ang hirap mag-move on. Hirap na hirap ako!

The first time I saw him, halo-halo ang emotions ko. Naiiyak, natutuwa, nae-excite. Ang dami ko gusto itanong pero pinili kong huwag na lang. Bakit? Kasi lalo lang ako maguguluhan, lalo lang ako maaapektuhan.

Hinayaan ko na lang. Sinubukan kong mag-move on. Nagkaroon siya ng live-in partner. Ako naman nagkaroon ng boyfriend. Pero hindi niya ko pinapatahimik.

Sinubukan ko makipag-ayos sa kaniya habang sila nung live-in partner nya. Sabihin niyo nang tanga ko pero mahal ko siya eh. Isang taon ako nagtiis na itago, na makihati dahil again nag-promise siya na hahanap lang siya tiyempo para hiwalayan yung live-in partner niya at aayusin na namin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinanghawakan ko na naman ‘yong promises niya. Until isang araw, nag-pregnancy test ako.

Positive! Buntis na naman ako. Natural na reaksyon ng parents ko, nagalit. Nagpakatanga na naman ako!

I told him na buntis ako pero sabi niya, baka hindi daw sa kaniya!

May mga pagkakamali din naman ako at ayaw ko isisi sa kanya lahat sa kwentong to. Hindi din naman ako perpekto. Pero lahat ng tao nagkakamali at nagbabago. Nagbago ako dahil gusto ko mabuo kaming pamilya at gusto ko lumaki ng maayos ang anak ko.

I was hurt nung sinabi niya ‘yon and hindi ko siya masisi. Pero gusto ko sabihin sa kanya na after all ng ginawa mo saken never kitang kinuwestiyon, never ako naghinala, never ko binalik yung nakaraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

I lost my child, 4 months. Sobrang stress ko and kakasimula ko lang din kasi magtrabaho noon sa call center. Puyat, pagod and stress. Madaming beses na sinubukan kong ayusin namin lahat pero wala eh.

BASAHIN:

REAL STORIES: “My partner did not believe it was our baby.”

Mom Confession: “Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho.”

#MomTips: “Paano ko nalamang ayaw na sa formula milk ng anak ko”

Being a single mother

Dumating din ang time na akala ko okay na ulit kami, pero one day pumunta siya dito sa bahay na may kasamang iba at pinakilala niya sa anak namin. Again, wala na namang closure.

Doon na ko nauntog. Doon ko na tinapos lahat. Sobra na, tama na. Sobrang umasa na ko na maayos kami, maayos lahat. Nagkamali ako, nagkamali sya.

Tuluyan akong naging single mom. Siguro kung ipipilit pa namin buuin yung pamilya namin lagi lang kami magaaway at magsusumbatan. Hindi healthy para sa anak ko.

Masakit man pero hindi ko na pinaglaban kahit gustong gusto ko. Tama na ‘yong isang sakit sa akin. Mas magiging masakit kung pati anak ko ay masasaktan din.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

12 years na nakakalipas but the pain is still here. Pero I am happy for him. Nakikita ko na masaya siya sa bago niyang pamilya.

Paano ko to nalagpasan? Paano ko naka move on?

Alam kong mahirap pero inisip ko na lang yung anak ko. Kung patuloy lang ako mag iiyak at sisirain buhay ko. Paano na ‘yong buhay ng anak ko?

Ako lang ang inaasahan niya kaya dapat maging matapang ako, matatag at dapat kong kayanin lahat. Ganun ata talaga kapag nanay ka na eh. Hindi mo na maiisip mararamdaman mo.

Totoo pala na di baleng masaktan ka na, huwag lang ang anak mo. Hindi ka talaga matututo sa buhay kung hindi mo ito mararanasan. And this is the summary of my life as a single mother.