Buntis Guide: Pumipintig ang tiyan? Maaaring sinisinok si baby!

Sinisinok ang baby sa tiyan? Ang sinok ni baby ay normal at bahagi lamang ng pregnancy journey ni mom. Ngunit kung ito ay lumakas, dapat na bang magalala?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinisinok ang baby sa tiyan – anong dapat gawin? Alamin rito.

Ang pagbibilang ng bawat sipa o galaw ni baby sa tiyan ay isang tagpong hindi mapapalampas ng moms-to-be. Walang makakapantay na bagay kapag naramdaman na ni mommy ang mga galaw na ito. Isama pa si daddy na minsan ay hindi maramdaman ang mga galaw dahil biglang titigil sa pagsipa si baby.

Mahalaga ang pagbibilang ng galaw o sipa ni baby sa tiyan dahil isa itong paraan kung paano malalaman na healthy at active si baby sa loob.

Ayon sa mga pag-aaral, ang paghina ng galaw o biglang pagbabago ng pattern ng fetus ay isang senyales na hindi okay si baby sa loob. Kaya mahalaga na i-monitor at bantayang maigi ang mga maaaring pagbabago sa galaw ni baby.

Sa pagbibilang ng sipa ni baby, kailangan ay maka sampung galaw ang bata sa loob ng 2 hours. Maganda kung may listahan ka o tinatawag na fetal kick chart para maayos ang pag monitor dito.

Kailan mapapansin ang paggalaw ni baby sa tiyan?

Ayon kay Dr. Elizabeth Ifurung-Gonzales, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, sa umpisa pa lang na magkaroon na ng baby sa ating tiyan ay gumagalaw na ito. Pero hindi lang natin agad natin namamalayan hanggang sa lumaki na siya.

“Ang baby talaga ‘pag nasa tiyan ng mommy, gumagalaw na. Kaya lang ‘yong maramdaman ng mommy ang tawag doon ay quickening. Hindi lahat ng mommies sanay kasi doon. So kapag panganay minsan mga 5 months o 20 weeks. Pero ‘yong may mga previous pregnancy, meron ng panganay, usually mga 4 months o 16 weeks.” aniya.

Sinisinok ang baby sa tiyan | Image from Freepik

Pero para sa mga first time mom, mahirap para sa kanila na malaman kung galaw ba ito o sinisinok lang si baby sa tiyan. May pagkakataon din na sobrang sinukin si baby. Ang tanong ng mga mommy, normal ba na sinisinok si baby sa tiyan?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinisinok ang baby sa tiyan – normal ba ito?

Unang mararamdaman ang pagsinok ni baby sa tiyan pagsapit ng ikalawa o ikatlong trimester ng isang pregnant mom.

Ayon kay Dr. Anne Brown, medical director ng women’s health services sa Inova Loudoun Hospital sa Leesburg, Virginia,

“The beginning of the third trimester is when most women begin to feel fetal hiccups, but you can see them on a sonogram as early as the first trimester, when baby’s diaphragm develops.”

Ayon sa The Bump, ang pagsinok ng baby sa tiyan ay maituturing din na “side effect” ng pagsubok ng sanggol ng mga bagay na nagagawa nila. Habang nasa loob ng ating uterus, naaabot ni baby ang ilang developmental milestones – senyales na naghahanda na sila sa kanilang paglabas.

Narito ang ilang bagay na nangyayari sa loob ng ating katawan kapag naramdaman ang pagsinok ni baby:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kaniyang respiratory system

Ang kaniyang kakayahan na mag-inhale at exhale ng amniotic fluid at makasinok ay isang magandang senyales na nagde-develop nang maayos ang kaniyang diaphragm.

Nagsisimula ang prosesong ito sa ika-10 linggo. Bagama’t hindi mo pa agad mararamdaman ang fetal hiccups sa loob ng ilang buwan, ani Dr. Brown.

Nervous system ni baby

Ayon naman kay Dr. Brandi Ring, isang obstetrician at gynecologist sa Mile High OB-GYN sa Denver,

“Fetal hiccups indicate the activation of the nerve that controls the diaphragm.”

Ikinukumpirma nito na ang brain at spinal cord ni baby ay intact at gumagana nang maayos. Ibig sabihin nito, nagde-develop nang maigi ang utak ng sanggol para maka-survive sa labas ng tiyan ng kaniyang ina. Magandang balita ito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reflexes ng sanggol

Maliban sa paghinga, sinasanay na rin ni baby ang paghigop, pag-suck o paghihikab – ang mga bagay na madalas mong mapansin sa mga newborn.

Ang mga bagay na ito ay maaari ring magdulot ng fetal hiccups, ayon kay Shar La Porte, isang certified nurse at midwife sa Midwifery Care NYC sa Brooklyn, New York.

Sa madaling salita, ang pagsinok ni baby ay isang magandang senyales na siya’y active at nagde-develop ng maayos sa loob ng ating sinapupunan.

Paano malalaman kung ito ay kick o sinok ni baby?

Ang paggalaw ni baby sa tiyan ay isang magandang sign na healthy si baby. Pero minsan mahirap malaman kung si baby ba ay umikot, sumipa o suminok lang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinisinok si baby sa tiyan | Image from Freepik

Kadalasang gumagalaw si baby kapag hindi ito komportable sa kaniyang position. Minsan din hindi nila maiwasang gumalaw kapag kumakain ka lalo na kapag mainit at malamig ang kinain ni mommy.

Kung nararamdaman mo pa rin ang tila pagtibok na galaw ni baby o mabilis na pagpintig ng iyong tiyan, ito ay maaaring pagsinok lang niya.

Maaari mo itong mapagkamalan na mahinang sipa ni baby, pero mapapansin mo na mas madalas ito, at parang mayroong timing o rhythm. Maihahalintulad mo ito sa pagsinok nating matatanda, na nanggagaling sa diaphragm ni baby.

Paano mababawasan ang pagsinok?

Para sa ibang nanay, nakakabahala ang pagsinok ng sanggol sa kaniyang tiyan. Subalit hindi naman ito nagdudulot ng sakit, at bawat episode ay hindi dapat tumagal ng 15 minuto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gayunpaman, ang ilang nanay ay nakakaramdam ng discomfort rito at nagiging dahilan para mahirapan silang mag-relax at makatulog.

Narito ang ilang tips na pwedeng subukan para mabawasan ang discomfort na dala ng pagsinok ni baby sa tiyan:

  • paghiga na nakaharap sa kaliwang bahagi ng katawan
  • paglalagay ng mga unan sa may tiyan para mabawasan ang pressure mula sa likod
  • pagkakaroong nga healthy diet para masigurong hindi kulang sa nutrients ang sanggol
  • pag-eehersisyo, ayon sa payo ng iyong OB-GYN
  • pag-inom ng maraming tubig
  • iwasan ang pagpupuyat, at pagkakaroon ng sapat na pahinga

Pagbibilang ng galaw ni baby sa tiyan – kasama ba ang pagsinok?

Ang pagsinok ay normal sa mga sanggol sa loob ng tiyan. Pero paano naman kung hindi mo ito gaanong nararamdaman?

Hindi naman dapat mag-alala kung hindi mo napapansin ang pagpintig na galaw o sinok ni baby, basta’t nararamdaman mo na gumagalaw siya sa ibang paraan.

Kung binibililang mo ang kicks at iba pang galaw ni baby, hindi mo na kailangang isali pa ang kaniyang mga pagsinok, maliban na lang kung nagsimula ito pagkatapos ng ika-28 linggo at nagiging madalas.

Pero kadalasan, pagdating ng ikatlong trimester, mas nasasanay ka na sa mga galaw ni baby at napapansin mong mas madalang mo nang maramdaman ang kaniyang pagsinok.

Narito naman ang mga dapat mong malaman tungkol sa pag-monitor ng mga sipa at galaw ng baby sa tiyan:

  • Pagdating ng ikatlong trimester (o mas maaga pa kung high-risk ang iyong pagbubuntis), bilangin kung gaano katagal para makagawa si baby ng tatlong galaw kasama ang kicks, jabs o pokes.
  • Kadalasan, mapapansin na maraming beses gagalaw si baby sa loob ng dalawang oras.
  • Ulitin lang ang prosesong ito, sa parehong oras araw-araw.
  • Kung napapansin na hindi gaanong gumagalaw si baby, subukang uminom ng malamig na tubig, o kumain. Pwede mo ring haplusin nang marahan ang iyong tiyan para magising siya.

Karamihan ng mga buntis, makakaramdam ng 10 iba’t ibang paggalaw sa loob ng 30 minuto, pero maaari mong antayin hanggang dalawang oras. Kapag may napansin kang matinding pagkakaiba sa kaniyang paggalaw, huwag mahiyang kumonsulta sa iyong doktor.

Pagdating sa pagiging komportable sa mga galaw ni baby, pwede mong subukan ang ilang bagay para maibsan ang sakit o discomfort na nararamdaman.

Ugaliing humiga sa iyong left side nang may mga unan sa paligid, para magkaroon ng mas mahimbing na tulog. Gayundin, kumain ng masusustansyang pagkain at uminom ng maraming tubig.

Ang madalas na paggalaw ang maaari ring magbigay ng extra energy at makakatulong na mabawasan ang stress. Pero kahit busy ka sa paggalaw, huwag kalimutang maupo at mag-relax.

Habang nagpapahinga, subukan mo ring bilangin ang mga galaw ni baby. Siguruhin din na mayroon kang sapat na tulog at pahinga.

Para maging mas madali ang pagbibilang ng mga galaw ni baby, subukan mong gumamit ng kick counter apps. Makakatulong ito para mas mapadali ang iyong pagbibilang at pag-monitor sa galaw ni baby.

Ayon sa mga pag-aaral, ang pag-monitor ng mga sipa ng iyong anak ay nakakatulong para maiwasan ang mga kaso ng stillbirth.

Subukan ang kick counter feature sa theAsianparent app na maari mong ma-download ng libre. Para sa iba pang impormasyon tungkol dito, maaari mong basahin ang article na ito.

Sinisinok ang baby sa tiyan – kailan dapat mag-alala?

Gaya ng ating sinabi, ang pagsinok ni baby ay normal para sa kanila. Ito rin ay bahagi ng pregnancy journey ni mommy.

Pero sa ibang kaso, kung ang sinok ni baby ay nagiging madalas o mas mahaba at nangyayari sa mga huling linggo ng pagbubuntis, ito’y maaaring senyales ng problema sa kanilang umbilical cord.

Ang pagsinok ay posibleng sanhi ng umbilical cord prolapse. Kung saan napuputol ang supply ng dugo at oxygen sa fetus. Kadalasann, nangyayari ito sa huling linggo ng pagbubuntis o sa panahon ng panganganak.

Kabilang sa mga posibleng epekto ng umbilical cord issues ang mga sumusunod:

  • Stillbirth
  • Damage sa brain
  • Pagbabago sa heart rate ng bata
  • Pagbabago sa blood pressure ng bata

Baby hiccups inside the womb | Image from Dreamstime

Kung mapapansin mo ang biglang pagbago o paglakas ng pagsinok ni baby sa iyong tiyan pagkatapos ng iyong 28th week, at nangyayari nang mahigit 4 na beses sa isang araw.

Huwag magdalawang isip na pumunta o magpakonsulta sa iyong doktor para masuri si baby at matingnan kung may dapat bang ipangamba.

“Fetal hiccups are one of many things that are a part of pregnancy,” ani Dr. Brown. “Eventually it gets to a point where you won’t notice them much.”

Pagsinok ng sanggol sa loob at labas ng tiyan, konektado ba?

Ayon sa pregnancy website na What To Expect, kapag madalas na sinisinok ang baby sa tiyan, mas malaki ang posibilidad na madalas din ang pagsinok niya bilang isang newborn.

Subalit kahit hindi mo naman napapansin ang kaniyang pagsinok noong nasa loob pa lang siya ng iyong sinapupunan, maaari pa rin siyang sinukin paglabas, pero hindi naman ito dapat na ikabahala.

Gaya ng pagsinok nating matatanda, walang itong eksaktong dahilan pero maraming teoryang kaugnay nito. Maaaring dala ito ng hanging naka-trap sa tiyan habang nagdedede, o kaya isang natural na reflex lang ng sanggol. Minsan naman, pwedeng dala ito ng pagtawa ni baby.

At tulad ng pagsinok ni baby sa loob ng tiyan, ang pagsinok ng newborn ay kusa ring dumadalang at nagiging parang sinok nating matatanda.

Maaari ring bawasan ang pagsinok ng newborn sa pamamagitan ng pagbabago ng posisyon ni baby kapag nagdedede, paghagod sa kaniyang likod, madalas na pagpapadighay sa sanggol at pagkakaroon ng break sa pagitan ng breastfeeding sessions (paglipat sa kabilang dede).

Sa ilang pagkakaktaon

Pero may mga pagkakataon rin na ang pagsinok ng sanggol ay senyales ng gastroesophageal reflux disease o GERD sa mga sanggol, kung saan ang stomach acid ay bumabalik sa esophagus.

Kadalasan ay sinasamahan ito ng ibang sintomas gaya ng pagliyad ng likod habang nagdedede, pagiging balisa at pag-iyak habang nagdede, at madalas na paglungad, pagsusuka at pag-ubo. Kapag napansin ang mga sintomas na ito kay baby kasama ng kaniyang pagsinok, mas mabuting ipakonsulta siya sa kaniyang pediatrician.

Muling tandaan mga mommy, hindi kailangang mabahala kapag sinisinok ang baby sa tiyan, maliban na lang kung mangyari ito sa mga huling linggo ng iyong pagbubuntis.

Kaya sa halip na mag-alala, i-enjoy mo na lang ang mga sandaling nararamdaman na sinisinok si baby sa iyong tiyan. Pwede mo ring haplusin ang iyong tiyan at kausapin siya kapag napapansin mo ito.

Kapag mayroon kang naramdamang kakaiba sa pagsinok o paggalaw ni baby sa tiyan, huwag mag-alinlangan na kumonsulta sa iyong OB-Gynecologist.

 

Karagdagang ulat ni Camille Eusebio

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


Sinulat ni

Mach Marciano