Mga sintomas ng pagbubuntis sa ikalawang buwan ng pagdadalang-tao

undefined

Pati na ang mga dapat niyang asahan at bantayan para sa sarili niyang kapakanan at sa sanggol na nasa kaniyang sinapupunan.

Narito ang mga sintomas ng buntis ng 2 months o sa pangalawang buwan ng pagdadalang-tao at ang mga dapat asahan ng buntis sa stage ng pagbubuntis niyang ito.

sintomas ng buntis 2 months
People photo created by jcomp – www.freepik.com

Mga sintomas ng buntis 2 months o sa pangalawang buwan ng pagdadalang-tao

Tulad ng naunang buwan ay pareho pa rin ang mga sintomas ng pagbubuntis na mararanasan ng isang babaeng nagdadalang-tao sa kaniyang ikalawang buwan.

Siyempre, isa sa mga sintomas ng buntis ng 2 months ay ang pananakit ng bandang tiyan at pananakit ng puson. Ito ay dulot ng pagbabago sa katawan ng isang buntis, lalo na ang paghahanda sa pag-expand ng uterus.

Sa ika-2 months din ng buntis mas makikita at mas mararamdaman ang mga sintomas. May ilang sintomas din ng buntis na sa 2 months lamang lilitaw.

Narito ang mga sintomas ng buntis ng 2 months na kailangang paghandaan nagbubuntis:

  • pamimilog ng dibdib o suso
  • fatigue o pagkapagod
  • mas magiging madalas ang pag-ihi
  • heartburn (pero kailangang ipatingin din sa doktor kung ito pa ba ay sintomas ng buntis ng 2 months o bunga na ng GERD)
  • nausea at pagsusuka
  • pag-ayaw sa ilang mga pagkain o food aversion
  • pagiging moody
  • kapansin-pansin din ang mabilis na pagtibok ng puso, dahil sa mas matinding accumulation ng volume ng dugo

Mapagpapatuloy na maranasan ang iba pang sintomas ng pagbubuntis noong naunang buwan.

Makakakaranas pa rin siya ng morning sickness na mas titindi pa sa ikalawang buwan niyang pagbubuntis. Ganoon din ang kaniyang cravings o pagiging mapili sa pagkain.

Maya’t maya pa rin ang pag-iihi at pagkaramdam ng labis na pagkapagod at pagiging antukin. Mayroon pa ring mood swings dulot pa rin ng hormone changes sa katawan.

Tila lalaki o mamaga rin ang mga suso. Mapapansin ding mas naglalaway siya ngayong buwan hindi tulad ng naunang buwan. Makakaramdam pa rin siya ng constipation, pagiging bloated at lightheadedness.

Normal rin na makaranas pa rin siya ng mild cramping, spotting at pananakit ng tiyan. Bagama’t dapat itong bantayan lalo na kung mas tumindi o lumakas ang cramping at spotting na nararanasan. Sa oras na ito’y mangyari, dapat agad na ipaalam ito sa doktor.

Mananatili pa ring mainit ang pakiramdam ng buntis dahil sa patuloy na pagtaas ng blood volume sa kaniyang katawan. Ito’y nagaganap sa kaniyang katawan upang ma-sustain ang pangangailangan ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Mga dagdag na sintomas na mararanasan sa ikalawang buwan ng pagbubuntis

Sa buwan na ito maaaring magsimula rin na makaranas ng iba pang sintomas ng pagbubuntis ang isang babae. Maaaring makapansin siya na may lumalabas na white discharge sa kaniyang ari.

Maaari ring mahirapan na siya sa mga buwan na ito na panatilihing maayos o manageable ang kaniyang buhok. Ito ay maaari ring sabayan ng mas kapansin-pansin pa niyang pregnancy glow o kaya naman ay mas matindi pang acne breakouts.

Tiyan ng buntis ng 2 months

Sa 2 months ng buntis, ang uterus mo mommy ay maghuhugis na tulad ng itlog. Dagdag pa, maaari ng magsimulang magkaroon ng placenta sa loob ng uterine wall.

Ngunit, maaaring sa period na ito ay hindi pa makikita ang baby bump o tiyan ng buntis ng 2 months. Sa ibang kaso naman ng mga dati ng nabuntis, o kaya ay may kondisyon sa paglaki ng tiyan, ay maaaring mas makita ang tiyan ng buntis ng 2 months.

Ito ay hindi dahil sa pagiging 2 months ng buntis, bagkus ay sa adjustment ng katawan. Mangyaring ikonsulta pa rin sa doktor kung naghihinala nang buntis at hindi pa nagsisimula ang iyong dalaw sa loob ng 2 buwan.

Pananakit ng puson ng buntis ng 2 months

Hindi mawawala sa mga moms na mag-aalala tungkol sa miscarriage dahil sa matinding pananakit ng puson ng buntis ng 2 months. Hindi na ito bago para sa lahat ng mga nagbubuntis dahil ito ay normal na kaganapan sa katawan ng buntis.

Ang pananakit ng puson ng buntis ay kadalasang nangyari hindi lamang sa 2 months ng buntis kundi umaabot ito hanggang sa unang 12 weeks o 3 months ng pagbubuntis. Ito ay dahil sa pag-expand ng sinapupunan at pag-stretch ng ligaments habang lumalaki ang tiyan.

Isa rin ang pananakit ng puson ng buntis pagsapit ng 2 months sa mga madalas na sintomas ng pagbubuntis sa ikalawang buwan. Dito rin kasi nagsisimula ang pagbabago sa loob at labas ng katawan ng isang nagdadalang-tao. 

Subalit kung nangangambang hindi na karaniwan ang nararamdamang pananakit ng puson, at hindi na ito sintomas na lang ng 2 months na buntis, magpakonsulta na agad sa inyong OB-Gyne para malaman ang sanhi ng matinding pananakit ng puson.

Mga dapat gawin na pangangalaga ng buntis sa kaniyang sarili sa ikalawang buwan ng pagdadalang-tao

sintomas ng buntis 2 months

Photo by Lisa Fotios from Pexels

Tulad ng naunang buwan ay dapat alagaan pa rin ng buntis ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansiyang pagkain at pagpapanatiling malinis ng kaniyang katawan.

Ganoon din ang pag-inom ng vitamins araw-araw. Ito’y dahil sa hormone changes na kaniyang nararanasan sa katawan, maaari siyang makaranas ng chronic na baradong ilong.

Ang kaniyang gums ay mas lalambot kaya naman madali itong magiging prone sa mga injury at impeksyon. Kaya naman kailangan niya itong panatilihing malinis sa pamamagitan ng pagme-maintain ng good dental hygiene.

Dulot pa rin ng hormone changes ay less efficient pa rin ang digestive system ng isang buntis sa kaniyang ika-2 buwan ng pagdadalang-tao. Kaya naman para maiwasan ang constipation ay dapat kumain siya ng high fiber diet.

Iba pang dapat asahan sa ikalawang buwan ng pagbubuntis

Sa ikalawang buwan ng pagbubuntis, magsisimula na ring mapansin na unti-unti ng umuumbok ang tiyan ng babaeng nagdadalang-tao. Nagkakaroon na siya ng baby bump.

Dahil sa mga oras na ito ay kasing laki ng isang orange ang kanyang uterus. Nagsisimula ng gumalaw-galaw ang nagde-develop niyang sanggol bagamat hindi niya pa ito mararamdaman.

Para masiguro ang kaligtasan at maayos na development ng kaniyang sanggol ay dapat makakuha ng maayos na pahinga at kompletong tulog ang buntis araw-araw. Dapat ay maghinay-hinay rin siya sa pag-i-exercise at gawin lamang ang ipinapayo ng kaniyang d0ktor.

Ito rin ang buwan na kung saan magsisimula na ang kaniyang monthly prenatal check-ups. Sisimulan na siyang kunan ng kaniyang family medical history at magsasagawa na ng test upang makumpirma ang kaniyang pagbubuntis at ang iba pang kondisyon na maaaring makaapekto rito.

Asahan na magmula sa buwan na ito’y regular ng kukunin ang kaniyang height at weight. Ganoon din ang kaniyang blood pressure. Upang ma-track ang mga pagbabago sa kaniyang katawan habang nagpapatuloy ng kaniyang pagbubuntis.

Mga dapat bantayan ng buntis sa kaniyang pangalawang buwang pagdadalang-tao

sintomas ng buntis 2 months

Photo by Polina Zimmerman from Pexels

Ang miscarriage ay madalas na nararanasan sa pagbubuntis sa unang tatlong buwan nang pagdadalang-tao. Kaya naman sa mga panahong ito ay dapat maging maingat ang isang babae.

Nauna nang nabanggit na dapat agad niyang ipaalam sa doktor kung mas lumakas ang spotting o cramping na kaniyang nararamdaman. Sapagkat posibleng sintomas na pala ito ng miscarriage na dapat ay agad na nabibigyan ng pansing medikal.

May tendency din na makaranas ng depression o anxiety ang isang buntis sa mga panahong ito. Dulot ito ng pinaghalong discomfort na nararanasan dahil sa kaniyang pagbubuntis at ang mga pagbabago sa kaniyang katawan.

Magkaganoon man, dapat isaisip ng babaeng buntis na ito ay parte ng napaka-gandang journey niya sa pagbuo ng isang supling sa kaniyang sinapupunan na magdudulot ng malaking pagbabago sa kaniyang buhay.

Kapag 2 months delayed buntis na ba?

Kadalasan, isa rin sa sintomas ng buntis ang delayed na dalaw. Kapag 2 months delayed buntis na ba, posible. Pero hindi laging pagiging bunits ang dahilan kung bakit nade-delay nang 2 months ang isang babae. Maraming mga factor ang pwedeng dahilan. Ilan sa mga ito ay pagkakaroon ng PCOS o kaya naman stress ang isang babae. 

Maaaring dulot ng pag-iba ng hormones ng katawan, ang iregularidad ng buwanang dalaw. Pero kung sexually active ka at biglang 2 months delayed ka, posible na buntis ka at kung napatunayan ito sa pamamagitan ng pregnancy test kit. Mas mainam din kung may kumpirmasyon ng doktor.

 

Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!