Week 21: Gabay Sa Pagbubuntis

Week 21: Gabay Sa Pagbubuntis

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang pomelo. Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 21 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 21 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang pomelo. Siya ay may habang 26cm at timbang na 360g.

week by week pregnancy guide: week 21

Ang Development Ng Iyong Anak

Narito ang mga development at sintomas ng buntis ng 21 weeks.

  • Mayroon nang kilay at talukap ng mata ang iyong anak kaya siya ay nakakakurap na.
  • Natutulog ang iyong anak ng 12 hanggang 14 oras araw-araw.
  • Gumagana na ang taste buds ng iyong anak kaya nalalasahan ng iyong anak ang iyong mga kinain.
  • Mas nararamdaman mo na ang kaniyang mga galaw ngayon.
  • Ang kaniyang bone marrow, liver at spleen ay nagsisimula na din gumana.
  • Kung babae ang iyong anak, mayroon nang sapat na dami ng itlog sa kaniyang matris.

Mga sintomas ng buntis ng 21 weeks

  • Nagsisimula nang lumabas ang iyong mga stretch marks.
  • Maaari ka din magkaroon ng pregnancy acne dahil sa pagbabago ng oil production ng iyong balat.
  • May mapapansin ka din na mga naglalabasang varicose veins dahil sa tumataas na pressure sa mga ugat ng iyong binti.

Pangangalaga sa buntis

  • Pag-isipan mo kung gusto mong sumali sa mga antenatal class para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbubuntis.
  • Maghilamos ng mukha gamit ang mild cleanser upang mapanatiling oil-free ang iyong balat.
  • Mag-ehersisyo araw-araw at itaas ang iyong paa ng madalas upang maiwasan ang varicose veins.

Check list

  • Hikayatin ang iyong asawa na kausapin ang iyong anak.
  • Makinig sa mga soothing music upang makatulong sa iyong pagre-relax.
  • Iwasan ang maaanghang at mamamantikang pagkain para maiwasan ang heartburn.
  • Magsimulang maghanap ng mag-aalaga sa iyong anak lalo na kung ikaw ay babalik sa trabaho pagkapanganak.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Ang susunod na linggo: Buntis ng 22 linggo

Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 20 linggo

May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Jasmine Yeo

app info
get app banner