Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 22 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang papaya. Siya ay may habang 27.7cm at timbang na 430g.
Ang Development Ng Iyong Anak
Narito ang mga development ng 22 weeks na buntis.
- Mas mukhang bata na ang iyong anak. Mayroon na siyang mga mata at labi.
- Nagkakaroon na din ng mga tooth buds ang kaniyang gilagid.
- Ang kaniyang mga organs ay patuloy na nabubuo. Nagsisimula na din magproduce ng hormones ang kaniyang pancreas.
- Kung babae ang iyong anak, ang kaniyang vagina ay nadevelop na sa panahong ito.
- Mayroon na din siyang sleeping cycle kahit nasa loob pa ng iyong tiyan.
Mga sintomas ng buntis ng 22 weeks
- Dahil sa mabilis na paglaki ng iyong anak, may mga pagkakataon na nahihirapan kang huminga.
- Hindi maiiwasan na hawakan ng ibang tao ang iyong tiyan. Huwag mahiyang tumanggi kung hindi ikaw kumportable.
- Maaaring lumabas ang iyong pusod o tinatawag na “outie”. Huwag mag-alala dahil babalik naman sa normal ang iyong pusod pagkatapos mong manganak.
Pangangalaga sa buntis
- Mag-ingat sa iyong mga pagbiyahe lalo na kung sasakay ng eroplano.
- Siguraduhin na maayos ang iyong postura at palaging may suporta ang iyong likod.
- Alisin ang iyong mga singsing at iba pang alahas kung namamanas ang iyong mga kamay.
- Gumamit ng kumportable na sapatos lalo na kung namamanas ang iyong paa.
Checklist
- Kumonsulta lagi sa iyong gynecologist para mamonitor ang paglaki ng iyong anak.
- Iwasan ang stress lalo na sa trabaho dahil hindi ito makakabuti sa iyo at sa bata.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Ang susunod na linggo: Buntis ng 23 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 20 linggo
May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!