Week 24: Gabay Sa Pagbubuntis

Week 24: Gabay Sa Pagbubuntis

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang mais. Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 24 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 24 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang mais. Siya ay may habang 30 cm at timbang na 598.7 g.

week by week pregnancy guide: week 24

Ang Development Ng Iyong Anak

Narito ang mga development ng 24 weeks na baby sa loob ng sinapupunan.

  • Ang mukha ng iyong anak ay buo na ngayon. Mayroon na din siyang tenga at mas nakakarinig na.
  • Mayroon na din siyang mga mata at pilikmata.
  • Magsisimula na din ang kaniyang REM (rapid eye movement) sa linggong ito.
  • Ang kaniyang utak ay mabilis din na lumalaki.
  • Na-develop na ang kaniyang mga tastebuds.
  • Sa ngayon, ang kaniyang baga ay nagkakaroon na ng mga sanga-sanga.
  • Ang mga sanggol na ipinapanganak sa ika-24 na linggo ay may 50-50 na tsansa na mabuhay.
Mga sintomas ng buntis ng 24 weeks
  • Kapansin-pansin na ang iyong tiyan.
  • Maaaring ang iyong pusod ay nakausbong din dahil ito ay naitutulak ng iyong matris.
  • Sa ngayon, maaaring nadagdagan ng pito hanggang walong kilo and iyong timbang.
  • Mapapansin mo na may mga stretch mark ang iyong tiyan at suso.
  • Mayroon din na maitin na guhit na tinatawag na linea negra sa ilalim ng iyong pusod.
  • Mababa ang iyong libido sa ngayon dahil ikaw ay laging nakakaramdam ng pagod.
  • Maaaring magkaroon ng vaginal discharge simula ngayon.
Pangangalaga sa buntis
  • Uminom ng gatas o kumain ng mga keso at soya upang mabawasan ang stretch marks.
  • Kumain ng mga pagkain na mayayaman sa Vitamin C pati na din mga gulay.
  • Kung makati ang iyong mga palad, iwasan ang mga bagay na mas lalong nakakapagpainit ng iyong kamay.
Checklist
  • Sumailalim sa glucose test upang malaman kung ikaw ay may gestational diabetes. Ang kondisyon na ito ay nangyayari kapag hindi sapat ang insulin sa katawan upang ma-regulate ang sugar levels.
  • Uminom ng madaming tubig.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Ang susunod na linggo: Buntis ng 25 linggo

Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 23 linggo

May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Jasmine Yeo

app info
get app banner